*Kruu Kruu
A coo of pigeon echoed all over the place. Iling na natawa si Bituin at naghihintay ng magiging reaksyon ng kanyang pinsan.
"This is the Bakunawa Cave. It's called Bakunawa Cave because according to legend, a monstrous serpent resided in this cavern for a long time. It is said that anyone who enters this cave never comes out alive. Kinakain daw ng Bakunawa ang mga taong pumapasok sa loob, kaya wala nang nagtangkang pasukin ito,” kuwento ni Janella.
“Are you f*****g kidding me?” galit na sabi ni Luan, habang galit na tinitigan si Janella.
“Totoo ang sinasabi ko. Iyan ang alamat ng kuwebang ito,” sagot ni Janella habang ipinapakita ang kanyang hawak na brochure. “Kamakailan lang, may tatlong turista ang nawawala. Ayon sa mga huling nakakita, dito raw sila nagtungo. Hindi kaya kinain na sila ng Bakunawa?” dagdag pa niya habang kinikilabutan at yumayakap sa sarili.
Nakatingin si Luan sa madilim na bahagi ng kuweba at nakaramdam ng kakaibang enerhiya mula sa loob, ngunit sigurado siyang hindi ito ang Bakunawa. Isang masangsang at masamang enerhiya. Bumalik siya ng tingin kay Janella.
"Stop wasting our time, human," seryosong sabi ni Luan bago tuluyang lumampas sa dalaga.
"Nice story. I'd like to hear more of it," sabi ni Bituin sabay pigil sa tawa.“But not today. See you sometime.” dagdag pa niya bago siya sumunod kay Luan.
Bumusangot ang mukha ni Janella dahil akala nya ay magkakapera na siya sa dalawang baliw na turistang iyon. Hindi niya gustong mawalan ng pag-asa, kaya naman naisip niyang alukin pa ang dalawa ng ibang tourist spot na sa tingin niya ay kakagatin ng dalawa. Ngunit bigla na lang nawala ang dalawang turista. Hinanap niya sila sa lugar, ngunit nabigo siya. Napakagat na lang siya sa kanyang hinlalaki habang pilit na iniisip kung paano naglaho ang dalawa ng ganun kabilis. Imposible namang may sinakyan ang dalawa dahil nasa gitna sila ng kagubatan.
Kinikilabutan na napalingon muli si Janella sa kweba dahil parang may tumawag sa kanya. Napalunok ito at kumaripas ng takbo palayo. Sa pagmamadali nya ay may nabangga itong matandang lalaki na may takip ang isang mata. Tumilapon ito at napaupo sa lupa. Nakaramdam ito ng takot sa hitsura ng matandang estranghero na tila ngayon lang niya nakita sa isla. Dahil sa takot, hindi niya magawang tanggapin ang kamay ng matanda para tulungan siyang bumangon.
"Hija. Ayos ka lang ba?" tanong ng matanda sa paos na boses. Naninindig ang balahibo ni Janella at napalunok siya. Marahan itong tumango at tinanggap ang kamay ng matanda,ngunit mas natakot pa ito ng mapansin na kasing-lamig ng bangkay ang mga palad nito. Binawi niya agad ang kanyang kamay at tumayo.
“S-Salamat po. Maiwan ko na po kayo.” sabi ni Janella habang nagmamadaling naglakad palayo.
Naramdaman niya ang mga mata ng matanda na nakatitig sa kanyang likuran habang naglalakad siya palayo. Hindi niya alam kung bakit, ngunit parang may kakaibang enerhiya ang matanda na nakakatakot.
Nakaramdam si Janella ng kakaibang presensya sa paligid nang biglang may nagsalita sa kanya. Napalingon siya at nakita niya ang matandang lalaki na may takip sa isang mata. Naramdaman niya ang takot sa kanyang puso dahil sa kanyang mga sinabi.
“Tila wala kang kasama dito sa kakahuyan. Napakadelikado ang mag-isa sa gitna ng kakahuyan, magandang binibini.” sabi ng matanda at tumawa. Napakagat si Janella sa kanyang hinlalaki at nagmadaling tumakbo palayo. Naririnig niya ang tawa ng matanda na parang nanggugulo sa kanyang isipan.
Sinubukan niyang takpan ang kanyang mga tainga upang hindi marinig ang patuloy na tawa ng matanda, ngunit pagtingin niya sa harap, napahinto siya. Parang kidlat na biglang huminto ang matanda sa harap niya, at patuloy itong tumatawa Naramdaman niya ang bigat na bumalot sa kanyang mga mata, habang patuloy na naririnig ang diabolikong tawa ng matanda, hanggang sa mawalan siya ng malay.
“Nasaan si Aman Sinaya?” Tanong ni Luan, na halos wala nang pasensya, habang mahigpit na hawak ang leeg ng babaylan na tagabantay ng palasyo ng panginoon ng mga karagatan.
“Maniwala po kayo panginoong Luan. Umakyat po ang Panginoong Aman Sinaya sa Kaluwalhatian sapagkat pinatawag ito ng konseho ng mga pinunong Diyos.” sagot ng babaylan na tila nahihirapan.
“Enough, Luan! Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.” sabi ni Bituin. Dito lang binitawan ni Luan ang matandang babaylan. Marahil dahil sa pag-alis ni Aman Sinaya ay hinigpitan niya ang harang ng kanyang nasasakupan at hindi gumana ang kanilang kapangyarihan sa pag-teleport.
Lumuhod at yumuko agad ang babaylan kasama ng iba pang taga-silbi sa palasyo kay Luan.
"Wala pong nakakaalam kung kailan babalik si Panginoong Aman Sinaya. Ipagpaumanhin ninyo kung kayo'y nabigo sa mga oras na ito, Panginoong Luan," pagsusumamo ng babaylan.
Biglang sumigaw si Luan kasabay ng malakas na kidlat at kulog, kaya naman nabitawan ng matandang estranghero ang katawan ni Janella sa marmol na sahig ng palasyo ng makita ang mga panginoon.
"Panginoong Luan," Lumuhod ito at nagbigay-galang. "Lubos akong nagagalak sa inyong pagdating." Dagdag pa niya, at saka ito tumayo at may ngiti sa labi, lumapit kay Luan.
“Sino ang matandang hukluban na ito?!” Irita nyang sigaw at mariin na tumingin sa matanda. Malakas na tumawa ang matanda at unti-unting nagbago ang kanyang anyo at ngayon ay isa nang binatilyong may matikas na pangangatawan. Mahabang itim na buhok at may putong na kulay kayumanggi. Maging ang kangan at bahag nito ay ganun din ang kulay.
“Lakambakod.” Nakangiting sambit ni Bituin.
Malakas naman na hiyaw ang pinakawalan ni Janella ng makita ang pag-iibang anyo ng matandang nasa harapan nya habang nanatili itong nakahiga sa sahig dahil sa pagkaka-gapos ng kamay at paa. Umiiyak ito sa takot. Doon lang naalala ni Lakambakod na may bitbit siyang mortal sa loob ng palasyo.
Hahatawin sana ulit ito ni Lakambakod sa balikat para mawalan ulit ng ulirat ngunit tila may kung anong galit ang nabuhay sa loob ni Luan nang makita ang gagawin sa dalaga.
Ayaw niyang masaktan ang dalaga at hindi niya alam kung bakit. Pinatalsik ni Luan si Lakambakod gamit ang kapangyarihan ng hangin, at malakas na tumilapon ito sa marmol na pader. Nagulat ang lahat sa nangyari, maging si Bituin ay hindi inaasahan ang ginawa ni Luan.
“Luan.” sabi ni Bituin habang hawak-hawak na ni Luan ang leeg ni Lakambakod at ito'y nakatayo na.
“M-Magpapaliwanag ako.” Hirap nitong bigkas.
“Luan, ano ba ang nangyayari sayo?” tanong ni Bituin na ngayon ay nasa tabi na ng binata. Doon lang niya napagtanto ang hindi maipaliwanag na pag-uugali at saka binitiwan si Lakambakod. Umubo ito, humingal-hingal sa paghinga, at lumuhod sa paanan ni Luan.
"Patawad po, Panginoong Luan, sa aking ginawang kapangahasan. Ang babaeng aking dala-dala ay nakapasok sa ginawang harang ng Panginoong Aman Sinaya, kahit na isa itong mortal. Nais ko sana siyang dalhin sa pinunong babaylan para suriin," Mabilisang paliwanag ni Lakambakod.
Mariing tumingin si Bituin kay Janella, saka siya'y tumingin kay Luan na puno ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
"Hayaan niyo po akong burahin ang alaala niya tungkol sa mga bagay na kanyang nasaksihan ngayon, Panginoong Luan," sabi ulit ni Lakambakod.
Tiningnan ni Luan si Janella na hindi na makapagsalita sa sobrang takot. Iyak lang ang naririnig niya, at hindi maintindihan ng binata kung bakit nasasaktan siya sa pag-iyak ng dalaga.
"Hayaan mo akong patulugin siya," sabi ni Bituin habang lumalapit kay Janella na puno ng panginig ang buong katawan. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan. Patutulugin lang kita at makakabalik ka na sa iyong tahanan." Nakangiti niyang sinabi habang umupo at inilapat ang mga palad sa mga mata ng dalaga. Humikbi si Janella at pumikit nang alisin ni Bituin ang kanyang mga palad, ngunit nagtataka siya dahil hindi niya nagawang patulugin si Janella.
“Pakiusap. Huwag nyo akong papatayin. Hindi kakayanin ni lola Estella ang mag-isa.” Iyak nitong pakiusap.
Nang mapalingon si Bituin kay Luan, bumalik siya sa pagtingin kay Janella at ginawa niya ito muli. Ngunit hindi tinablan ng kapangyarihan ni Bituin si Janella para makatulog ito. "Sino ka?" bulong ni Bituin.
“Ako na ang bahala sa kanya.” malamig na sabi ni Luan habang lumalapit sa dalaga at dahan-dahang binuhat ito. Parang bula, bigla na lang nawala si Luan, at iniwan si Bituin na gulong-gulo ang isip.
“Nakakasiguro akong mortal ang babaeng iyon, ngunit bakit hindi tumatalab sa kanya ang aking kapangyarihan?” Nalilito niyang tanong sa pinunong babaylan.
"Nakakasiguro akong mortal ang babaeng iyon, ngunit bakit hindi tumatalab sa kanya ang aking kapangyarihan?" tanong ni Bituin sa pinunong babaylan.
"Patawad, Panginoong Bituin. Kami po ay maghahanap ng kasagutan sa mga katanungan ninyo dahil kami rin ay naguguluhan," sagot ng babaylan nang may panghihinayang.
"Maaaring may kasunduan ang kanyang mga ninuno sa bathalang maykapal at naisalin sa ilang henerasyon," sabi ni Lakambakod, at sumang-ayon ang mga babaylan.
"Ano pa ang ibang dahilan maliban sa iyong sinabi?" Lingon sa kanya ni Bituin.
"Imposible man, ngunit tanging ang Diyos at Diyosa, o hindi kaya tulad naming mga tagabantay na inatasan ng mahal na bathala, ang maaaring makapasok sa ginawang harang ni Panginoong Aman Sinaya. Ito ay isang bakod na nagbubuklod sa mundo ng mga tao," sagot ni Lakambakod.
Hindi na nakapagsalita si Bituin. Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari. Bigla siyang naglaho upang sundan si Luan, ngunit hindi niya ito mahanap. Bigo siya sa paghahanap sa Diyos ng mga Buwan.
“Pakiusap. Huwag nyo akong sasaktan. Promise hindi ko ipagsasabi yung mga nakita ko. Please?” iyak ni Janella, habang nasa tuktok sila ng isang mataas na gusali sa siyudad.
“Ipakilala mo ang iyong sarili.” Utos ni Luan.
"Ako si Janella Reyes," hikbi niya, at umatras dahil sa takot sa binata.
"Hindi iyan ang gusto kong marinig. Ipaliwanag mo kung bakit ka nakatawid sa ginawang harang ni Aman Sinaya?" malamig na sabi ni Luan.
“Hindi ko alam…” Iling niya. “Hindi ko nga alam na may harang pala doon. Isang ordinaryong tao lang ako. Maniwala ka. Pakiusap! Gusto ko ng umuwi.”hikbi niya, at umatras pa hanggang sa tumama ang likod ng binti niya sa harang ng gusali.
“Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka na totoo yung sinasabi ko?” Hagulgol niya. Hindi pa man nakakakisap ang mga mata ni Janella ay nasa harap na niya si Luan. May ilang sentimetro lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Malalalim na titig ang iginawad ng binata sa mga mata ng dalaga na tila ba nangungusap ito. Hinahanap ang kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa kanyang isip at puso.
Luan grabbed her waist and closed his eyes when he pulled her close to him. He planted a lingering kiss on her lips and drew back. Marahang iminulat ni Janella ang kanyang mga mata habang pigil pigil pa din ang paghinga. Luan realized what he just did at binitawan ang baywang ng dalaga dahilan ng pagkawala ng balanse ni Janella at nahulog ito sa building.
“Let her fall, Luan.” utos ni Bituin na nakasaksi sa nangyari. "Kapag namatay siya, mawawala ang bisa ng halik ng diyos sa taong iyon. Kaya pabayaan mo na lang siya!" Galit na sigaw nito.
Lito ang naramdaman ni Luan, ngunit hindi niya kayang masawi si Janella. Baka nga siya ay nababaliw na. Marahan siyang tumingin kay Bituin at biglang nawala.
“Luan!” Hiyaw ni Bituin at lugmok na naupo sa sahig dahil hindi makapaniwala sa kahibangan ng pinsan.
Bago pa man tuluyang bumagsak si Janella ay bigla na lang lumitaw si Luan at sinalo ang dalaga. Basang basa ng luha ang dalaga sa pag-aakala na katapusan na niya. Marahan niyang iminulat ang mga mata at ngumiting napayakap sa binata hanggang sa nawala na ito ng malay tao.