CHAPTER 3 - Death Book

2991 Words
Mabigat man at masakit ang ulo ni Janella ay pilit pa din itong bumangon sa kanyang kama dahil sa malakas na tunog ang bumulabog sa mahimbing niyang tulog. Alarm ito mula sa kanyang cellphone. Pinatay niya ito at mumukat-mukat na tumayo sa kama at lumabas ng kwarto. “Magandang umaga lola.” Nakangiti nitong bati. Masaya itong nag-agahan kasabay ang kanyang lola. Bihis na ito upang tumungo sa pier ng maalala nito ang tila panaginip na pangyayari sa kanyang alaala. “Lola.” Tawag niya sa matandang nagwawalis sa bakuran. “Ang weird ng panaginip ko kagabi.” “Tungkol saan naman apo?” Curious na tanong ng matanda. “May matandang hukluban daw na kumidnap sa akin tapos dinala ako sa kaharian ng mga Diyos. Tapos nag ibang anyo yung matandang hukluban lola… Naging bata sya tapos parang model ng bench body yung katawan nya.” Kwento nya. “Tapos may weird na lalaking kulay puti ang buhok at babaeng blondita sa panaginip ko tapos panginoon ang tawag sa kanila.” Dugtong nya habang iniisip ang ibang detalye sa kanyang panaginip. Natigilan naman ang matanda sa pagwawalis at tumitig sa apo. “Yung sumunod na nangyari nasa tuktok daw kami ng building lola tapos…” Natigilan ito ng maalala ang malambot na labi ng binata. Napakagat siya sa ibabang labi at kinikilig na ngumiti saka marahang pinisil ang kanyang labi. “Ikaw talaga na bata ka!” Saway sa kanya ng matanda at pinalo ng walis tingting nang mapansin na kinikilig ang apo. “Kung ano-anong kahalayan ang napapanaginipan mong bata ka! Tumigil kana sa pagbabasa mo ng pocketbook!” Sermon nito. “Mahalay agad lola? Sa panaginip na nga lang ako nakaranas na halikan ng gwapong lalaki. 28 na ang apo nyo lola tapos wala pang magkamaling manligaw. Napakaganda naman ng apo niyong ito para tumandang dalaga.” Aniya at iba't ibang pose ang ipinakita sa kanyang lola na parang modelong sumabak sa photoshoot. “Hay naku! Lumarga kana at dadaong na ang unang barkong pampasahero. Iniistorbo mo ang pagwawalis ko na bata ka.” Taboy sa kanya ng matanda saka nakangiting nagpaalam sa apo. Naglalakad ito patungo sa pier ng tumunog ang kanyang cellphone na agad niyang sinagot ng makita ang rumihistrong pangalan. “Napatawag ka Jessa. Namiss na ba ako ni boss?” Bungad nitong biro sa kaibigang katrabaho mula sa maynila. “Paano mo nahulaan?” Aniya. Kinikilig na ngumiti si Janella. “Seryoso? Hindi nga?” Paninigurado nya. “Oo. Parang nagka amnesia si boss at bigla ka namang hinanap. Bumalik ka na daw sa trabaho ora mismo dahil marami daw siyang ipapagawa sa iyo.” “Woah! Sabi ko na nga ba hindi ako matitiis ni boss. Sige, uuwi muna ako sa bahay para makapagpaalam kay lola. Salamat Jessa. Miss you.” Aniya saka binaba ang tawag at patakbong bumalik ng kanilang kubo para ipaabot sa kanyang lola ang magandang balita. Tatlong linggo na kasi itong sinuspinde ng kanyang boss dahil sa pagsuntok nito sa vip tourist na nambastos at nanghipo sa kanya. Well, hindi naman niya pinagsisihan yung ginawa niya kahit naghirap siya ng mga panahong nawalan ito ng trabaho. Hindi niya kasi alam kung saan kukuha ng pang-araw araw na gastusin, kung hindi pa ito rumaket ay nganga sila ng lola niya. “Welcome back Janella.” Salubong sa kanya ng boss nila. Nakangiti naman itong tumugon pagkatapos magpasalamat. “May konti akong inorder sa foodpanda. Halika’t kumain ka muna.” Hilaw na ngumiti si Janella sa kakaibang inaasal ng boss. Mula sa mainitin ang ulo at masungit na boss ay napakabait at mapagbigay na nito ngayon. Niyaya din ng boss nya ang ibang kasamahan sa opisina at nagsalo-salo sa isang bilaong palabok at mainit na pandesal na may palamang liver spread. “Anong mabait na santo ang sumanib kay Boss?” Bulong ni Janella kay Jessa. “Yan din ang tanong ng lahat.” Sagot ng kaibigan at kapwa tumawa. Habang kumakain ay nag meeting na din sila para sa mga bagong kumpanya na pumartner sa kanila. Nag announce din ang boss nila ng salary increase na labis kinasaya ng lahat ng empleyado. Malaking kliyente kasi ang himalang nagka interest sa maliit na travel agency na pinapasukan niya. Malaking oportunidad ito para sa kanilang lahat kaya naman siguro ganito nalang kabait ang boss nya ngayon. Naging head of tourist guide naman si Janella at siya ang inatasang mag present sa sikat na talent network patungkol sa kanilang kompanya. Kahit kinakabahan ay nagtungo si Janella kasama ang tatlo pang katrabaho na si Jessa, Sarah at Jio. “Kinakabahan ako.” Ani Janella na pinagpapawisan ang mga kamay sa sobrang kaba. Paulit ulit pa itong humihinga ng malalim para maibsan kahit papaano ang kaba sa dibdib. “Ano ka ba! Sisiw lang itong presentation sayo. Para ka lang nag ga guide sa mga tourist. Kaya natin to’!” Bagamat kinakabahan din ay nakuha pang magbigay lakas loob sa kaibigan. -- “Leave!” Iritang taboy ni Luan sa babaeng pinsan habang tahimik itong humihigop ng paboritong black tea na may kapares na mooncake sa kanyang napakalawak na balkonahe. It’s actually his favorite spot in his house dahil tanaw na tanaw mula doon ang buwan tuwing gabi. Malapit na itong mawalan ng pasensya dahil ilang araw na siyang ginugulo ni Bituin pagkatapos noong mga pangyayari sa rooftop. Maging siya din naman ay hindi maintindihan ang sarili kung bakit may kakaiba siyang naramdaman sa taong iyon. Kahit ang halik na ginawa niya ay hindi niya maipaliwanag sa sarili, paano pa kaya kay Bituin na ilang araw na siyang kinukulit. Hard as it was to admit, but the embrace and the kiss had been comforting for him. “I didn’t come here to mess you up about that human. Gusto lang kitang saluhang mag tsaa.” Aniya ng makalapit sa kinauupuan ni Luan. Naupo ito sa kaharap na upuan at marahang nagsalin ng tsaa sa kanyang teacup. “Really?” He scoffed. “Whatever Luan! Bakit kasi hindi mo nalang sagutin ang tanong ko?!” Suko niyang sabi saka ito umirap. Tumayo si Luan, tila nawalan ng ganang ituloy ang iniinom. Pumasok ito sa kanyang silid mula sa balkonahe at isinuot ang black jacket. Tahimik naman siyang sinundan ni Bituin bitbit ang teacup. “Where are you going?” Agad na tanong ni Bituin ng makitang damputin ni Luan ang susi ng kanyang sasakyan. “Away from you?” Sarkastiko nitong sagot saka nag martsa upang umalis kaya naman tarantang tumakbo si Bituin para pigilan ang pag-alis ng pinsan. “Ano ba Luan! Habang buhay mo bang iiwasan ang tanong ko? And may I remind you na nandito parin tayo sa mundo ng mga tao at hindi maka balik balik sa kaluwalhatian.” Singhal nya. “Iyon dapat ang inaasikaso mo at hindi ang nilalang na iyon!” Dagdag niya at punong puno na ito kaya bakas na bakas sa mukha niya ang inis. Nag-igting ang mga panga ni Luan at madilim na tiningnan ang pinsan. “And yes, Luan. I know what you did, hypnotizing the boss of that woman. Are you that crazy about her? Since when did you become interested in the lives of people you despise? Don't tell me—” “Tumigil ka!” Sigaw niya para putulin ang mga gustong sabihin ni Bituin at nagbantang pina-ilaw ang mga kamay ng asul na apoy. Mas matalim na ngayon ang titig sa kanya ni Luan habang siya naman ay kinakabahang tumingin sa kamay ng pinsan. Alam nyang sobrang ikli ng pasensya ni Luan pero ngayon lang ito nagalit sa kanya na may kasamang pagbabanta oras na hindi siya tumigil. Bahagyang kumalma si Luan ng makita ang takot sa mukha ni Bituin. Napapikit ito at huminga ng malalim. He’s gone crazy at kung bakit ay hindi niya alam. Maybe that woman has the answer kaya gusto nya itong makita muli. Tuluyan na itong lumabas ng kanyang mansyon at mabilis na pinaandar ang latest release na Koenigsegg CCXR Trevita. --- “Woah!” Reaksyon ni Sarah ng ilapag ang mga order nila. Pumalakpak pa ito na parang bata. “Ibang klaseng santo talaga ang sumanib kay boss. May pa food allowance pa.” Natatawang sabi ni Jessa at humigop ng ice coffee americano. “Ugh! Ang sarap talaga ng kape nila dito.” Eksaherada niyang sabi saka ngumiti kay Janella. “True.” Agree ni Janella at humigop din ng kaparehang kape. Kinikilig pa ito ng lantakan ang french sub sandwich. “Ang ganda pala talaga ni Aine sa personal.” Singit ni Jio at nangingiting kinagat ang kanyang sub sandwich. Masama naman syang tiningnan ng tatlong babaeng kasama dahil kanina niya pa ito sinasabi. Umakto pang tutusukin ito ng bread knife ni Jessa. “Kumain ka na lang Jio tapos mag-move on kana dahil never ever ka namang mapapansin ng artistang iyon.” Ani Sarah. Umirap si Jio sa tatlong kasama at tahimik na nagpatuloy sa pagkain. “Sa tingin nyo pasado yung presentation ko kanina?” Kinakabahan na tanong ni Janella. Nag thumbs up naman ang tatlo na puno ang mga bibig. “Talaga? Ang sungit kasi noong lalaking may pulang buhok na akala mo member ng kpop.” Natatawa niyang dugtong. “Pero infairness naman ang gwa-” Natigilan si Janella sa pagsasalita ng mapansin niyang tumigil sa pag-nguya ang tatlong kasama at nakatingala ngayon sa gilid ng dalaga. Curious din itong napalingon at halos mabilaukan sa nakita. “Let’s go.” Utos ni Luan kay Janella. Lumingon lingon naman siya at baka sakaling hindi siya ang kausap saka muling bumalik ng tingin kay Luan at itinuro ang sarili. “Ako?” Nagdadalawang isip na tanong ni Janella sa lalaki. “Who else?” Malamig niyang tugon saka hinila si Janella palabas ng coffee shop. Ni hindi na nito nagawang makapag-paalam sa mga kasama. “Teka! Sino ka ba? Saan mo ako dadalhin?” Sunod sunod niyang tanong ng nasa labas na sila. Pinagbuksan siya ni Luan ng pinto ng sasakyan at sumenyas na pumasok at nakakapagtaka na nagawa niya itong sundin ng hindi nag-iisip. Agad siyang nag seatbelt ng mabilis na pinaharurot ni Luan ang sasakyan. Buong akala nya ay hihiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan sa bilis ng takbo nito. Nakahinga lang ito ng maluwag ng maramdaman niyang huminto ang sasakyan. Masama itong tumingin kay Luan. “Magpapakamatay ka ba?! Pwes huwag mo akong idamay dahil ang dami ko pang pangarap sa buhay!” Pagalit niya dito. Luan smirked at nilingon ang dalaga. “Like what?” Malamig nitong tanong. Natigilan naman si Janella. Pakiramdam niya kasi nakita na niya ang lalaking ito, hindi lang nya matandaan kung kailan at saan. Napatingin ito sa labi ng binata saka napalunok. Halos magwala na ngayon ang puso buong pagkatao niya. “Yumaman.” Maikli niyang sagot at nag-iwas ng tingin. Doon lang niya narealize na sobrang ganda ng view sa labas. Kinalas niya ang kanyang seatbelt at lumabas ng sasakyan. The soothing sounds of the ocean greeted her. She breathed in the ocean air and smiled widely. Lumabas din si Luan at saglit na tumingin sa dagat at tumingin sa dalaga. His admiring gaze sent a smile to his lips pero agad din niyang binawi ang ngiti ng sulyapan siya ng dalaga. He crossed his arms while walking towards her at napawi ang mga ngiti ni Janella dahil doon. “Why do humans desire to be rich?” Naguguluhan nitong tanong. “Maka human ka naman parang hindi ka tao.” Agad na bara ni Janella. Luan smirked and played his tongue inside his mouth. “To answer your question, well obviously pera ang nagpapatakbo sa mundo at sa buhay ng tao. Ika nga sa dutch proverbs ‘Money rules the world.’” He scoffed. “That’s absurd. You can’t even pay God with it.” Kontra nya. Hindi na sumagot si Janella. Paano pa niya masasagot iyon e pinasok na ang powerful word sa usapan. Kahit sino kapag pinasok ang Diyos sa usapan ay finish na para sa kanya. Baka naman isipin ng lalaking nasa harapan niya antichrist ito. Gusto niyang tumawa pero sinarili na lang nya ito. “So, bakit tayo nandito Mr?” Pag-iiba nya sa usapan. “Sabihin mo sa akin kung nasaan ang bakunawa.” Malamig niyang tugon. Napanganga si Janella saka ngumiwi. “Bakunawa?” Ulit niya. Biglang bumalik sa memory niya ang inaakalang panaginip lang noon. Napaatras ito dahil binalot na ng takot ang buo niyang katawan. “Panaginip ba ulit ito?” Naiiyak niyang sambit. “Hindi.” Mariin nitong sagot. “So, hindi panaginip yung… yung…” Hindi niya itinuloy ang gustong sabihin ng mag-iba ang kulay ng mata ni Luan. Napahawak siya sa bibig at muling umatras. “B-Bakit mo ba sa akin hinahanap ang halimaw na iyon?” Her voice is shaking. Lumapit sa kanya si Luan at hinila ang kanyang kanang kamay saka ito pumikit. Habang tumatagal ay mas dumidiin ang kapit ni Luan sa kanyang palapulsuhan kaya umaaray na ito at binawi ang kamay na para bang napaso sa sobrang hapdi. Tinitigan siya ng masama ng binata at nagpipigil na sumabog ang galit sa hindi maintindihang dahilan. “I saw a very short clip of your future and I saw you held his hand! Pero bakit hindi ko na makita ang nakaraan at hinaharap mo. Hindi rin tumatalab sayo ang kapangyarihan namin na mabura ang iyong alaala. Tanging gaya lang namin ang hindi tinatablan noon and it’s impossible that you are one of us.” Frustrated niyang wika. Naguguluhan na umiling si Janella dahil wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Luan maging sa nangyayari. “Hindi kita maintindihan.” Suko niyang sabi. “Kapag itinuro mo sa akin ang kinaroroonan ng Bakunawa ay gagantimpalaan kita ng yaman na pinapangarap mo.” He desperately said. “Hindi ko nga alam kung nasaan ang bakunawa! Bakit ba ayaw mong maniwala. Sino ka ba?” Hindi niya mapigil na iyak. Tila nakaramdam ng kirot si Luan sa kanyang puso ng tuluyang umiyak ang taong nasa harapan niya. Nakaramdam ito ng guilty at nang hahawakan niya sana ito para pakalmahin ay muling umatras si Janella. “Huwag kang lalapit!” Takot niyang sigaw. Umatras pa ito. Luan bite his lower lip at binasa ito. “Listen, I need to find that monster dahil baka isa ito sa dahilan kung bakit hindi pa kami makakabalik sa kaluwalhatian...” Pilit nitong ipinapaliwanag sa dalaga pero mabilis na nakatakbo si Janella. Luan took a deep breath pilit pang hinahabaan ang kanyang pasensya. Bigla itong naglaho at sumulpot na lang bigla sa unahang direksyon ng dalaga kaya napahinto sa pagtakbo si Janella at naghihiyaw sa takot. Muli itong tumakbo sa ibang direksyon at muli din ang pagsulpot ni Luan sa direksyon na tinatahak ng dalaga. “Stop running. Mapapagod ka lang.” Boring nitong sabi pero hindi siya pinakinggan ni Janella at mabaliw baliw na muli sa pagtakbo hanggang sa makakita ito ng sementong daan at nagsisigaw ng tulong. Somewhere in the distance a horn honked. Kitang kita niya ang malaking truck na papalapit sa kanya. Napapikit na lang ito sa takot at tinanggap na hanggang doon na lang siguro ang buhay niya. There was a loud bang, which she thought was about to crashed her bones pero sa ilang segundo nitong pagpikit, pakiramdam niya ay nasa ganoong posisyon pa rin ito. Wala din siyang sakit na nararamdaman sa katawan. Laking gulat niya ng imulat nya ang kanyang mga mata. Luan standing in front of her almost inches away that she can smell his breath and his manly perfume. Napasulyap din ito sa kaliwang kamay ni Luan na nakaharang sa nakatuping unahan ng malaking truck. Nanlaki ang mga mata nitong umatras. Binawian yata sya ng lakas at napaupo ito sa daan sa sobrang nerbyos, takot at pagkabalisa. May duguang lalaki ang nakasampay ang kalahati ng katawan sa unahan ng truck at sa tingin niya ay driver ito. Nag iiyak ito at takot na takot na tumingin kay Luan. Sunod noon ay biglang bumigat ang mga talukap ng kanyang mga mata. “What the heck did you do?” Inis na bulyaw ni Luan sa lalaking nakaitim na suit and tie at kasalukuyang nakatayo sa ulunan ni Janella na walang malay. “I just put her to sleep.” Walang gana nitong sagot saka tila nilinis ang tenga gamit ang hinliliit na daliri dahil siguro sa nakakabinging sigaw ni Janella kanina. Bitbit ang itim na payong ay marahan itong lumapit kay Luan na nakangiti at napapa-iling. “Pumatay ka ng tao?” Ngisi nitong tanong. “I wonder what Sidapa will say about this.” Makahulugan niyang sabi saka muling ngumisi. Sa galit ni Luan ay nagpakawala ito ng asul na apoy mula sa kanyang kamay pero mabilis na naglaho ang grim reaper at lumitaw nalang sa likuran niya na tila ba nanunuya pa sa kanyang pag halakhak. “Pumatay ka ng tao at pinigilan mo ang nakatakdang kamatayan ng babaeng iyan. Bakit?” Nanunukso nitong tanong. “Manahimik ka!” Bulyaw nya. Humalakhak si Azrael. Nakatayo na ngayon sa harapan nila ang kaluluwa ng driver ng truck na para bang naghihintay na lang ng hudyat ni Azrael. “Don’t worry. Someone is also manipulating her lifespan. It's not her time yet, but her name suddenly appeared in my death book at huwag mong itanong sa akin kung sino o bakit dahil hindi ko rin alam.” Aniya saka naglaho sa likod ni Luan at nasa tabi na ito ngayon ng kaluluwa ng driver. “Oh! Bago ko makalimutan.” Sumulyap muna ito sa walang malay na si Janella saka tumingin kay Luan na may nakakainis na ngiti. “Muling ipinanganak ang Bakunawa 28 years ago. Aman Sinaya knows about it kaya sa kanya mo na tanungin ang ibang detalye.” Wika nito bago tuluyang naglaho na parang bula kasama ang kaluluwa ng truck driver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD