Nanlalabong mga mata. Mabigat na ulo. Iyon ang pakiramdam ni Janella ng imulat niya ang kanyang mga mata. Malabo man ay tanaw niya sa di kalayuan ang likod ng isang lalaki na tila may kausap sa kanyang telepono. Inaaninag niya ito ng may nakangiting mukha ang humarang sa paningin niya. Iwinagayway pa nito ang kamay sa mukha ni Janella.
“Hi” Bati ng lalaking nasa harapan nya at mas lumapad pa ang kanyang ngiti.
Umiktad ng upo si Janella sa kama ng mapagtantong hindi pamilyar ang lugar na iyon. She scanned the place at ginapang ng takot ang buong katawan ng mamukhaan ang lalaking nasa pintuan ng balkonahe, nakasandal ang gilid ng braso at nakatingin sa kanya habang nakasalikop ang mga kamay.
“Anitun, ikuha mo sya ng tubig na maiinom.” Utos ni Luan sa lalaking nasa harapan ni Janella. Mabilis naman siyang sinunod ng tinatawag niyang Anitun.
“Ano bang kailangan mo sa akin?” Naiiyak nyang tanong. Nagsimula ng mamula ang mga mata nito.
“I called your boss and he gave you an early out today.” Panimula ni Luan saka tumingin sa kanyang relo. “Wala akong kailangan sayo. Ikaw ang may kailangan sa akin.” Dugtong pa nya. Dumating naman si Anitun dala dala ang isang basong tubig. Inabot niya ito kay Janella pero tinabig niya ito ng kamay. Nabasag ang basong tumilapon sa puting sahig.
“Baliw kana!” Iyak nya saka ito bumaba ng kama. Tumakbo ito para sana umalis na pero hindi niya napansin ang bubog sa sahig kaya naman pabagsak itong naupo sa sahig at humagulgol ng iyak, iniinda ang sakit ng paa. Mukhang malalim ang pagkakalubog ng bubog sa paa nito.
Nilapitan siya ni Luan at tumayo sa harapan ng dalaga habang nasa bulsa ang mga kamay. Inis pa itong napabuntong hininga while he rolled his eyes. He kneeled down.
“Kapag hindi ka tumigil sa kakaiyak ay mapipilitan akong patulugin ka ulit.” Banta nya at sinilip ang sugat nito sa talampakan na umaagos ang dugo.
“Anitun, get the first aid kit.” Utos nyang muli sa lalaking kasama. “Don’t worry. Hindi kita sasaktan. Hayaan mo akong gamutin ang sugat mo.” Kalmado nyang wika saka binuhat si Janella pabalik sa kama.
Pigil hininga si Janella nang bunutin ni Luan ang bubog nito sa talampakan.
“Relax.” Aniya ng mapansin ang tensyon sa dalaga. “Mas lalo mo lang mararamdaman ang sakit kung hindi mo irelax ang katawan mo.” Aniya at inilapag ang nakuhang bubog sa maliit na container. “Gusto mo bang malaman kung bakit ko hinahanap ang bakunawa?” Seryoso niyang sabi habang inilalabas ang mga gamot sa box.
Kunot noong tumingin ito kay Luan “Hindi ba nabanggit mo na kanina? Ang sabi mo ay dahil hindi kayo makabalik sa Kaluwalhatian?” Aniya na may pagdududa sa tono.
Tumango naman si Luan. “Partly yes, but my real reason is I want to take my revenge.” Tumunghay ito kay Janella. “Bakunawa eat my mom.” Dugtong nya.
Napanganga si Janella at hindi naproseso sa utak ang narinig. Bata palang siya sobrang fan na siya ng kahit anong bagay basta may design ng buwan. Favorite niya si sailormoon. Yung boarding house na inuupahan niya ay napapalibutan ng ibat ibang decoration na may kinalaman sa buwan. Maging glow in the dark stickers ay mayroon din sya sa kisame. For the love of the moon ay maging mga folklore at mythology ay alam niya. Even Bakunawa ay nabasa na din niya sa libro noon, maging ang mga deity ng buwan dito sa pilipinas.
“Anak ka ni Mayari?” Hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango naman si Luan at sumulyap sa crescent moon na tanaw sa balkonahe. Ganun din ang ginawa ni Janella. “May anak si Mayari?” Sambit niya. “Matatawag din ba akong baliw kapag naniwala ako sa mga sinasabi ng lalaking ito?” Mahina niyang sambit sa sarili.
“Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!” Sigaw niya at malakas na napamura dahil binuhusan ni Luan ng alcohol ang sugat nito. Napatakip naman ng tenga si Anitun. “Bakit mo binuhusan?!” Singhal nya at hinahabol ang hininga.
Seryoso naman itong tumunghay kay Janella. “Kung sasabihin ko ba na bubuhusan ko yan ng alkohol ay papayag ka?” Aniya saka iniangat ang cotton buds na may betadine saka itinaas ang isang kilay. “Take a deep breath.” Utos niya na agad sinunod ni Janella ng nakapikit. Bahagya itong pumitlag ng dumampi ang cotton buds sa kanyang sugat.
"Aray! Sinasadya mo ba?!" maktol nito. Tumunghay sa kanya si Luan.
"Gusto mo bang malaman ang kaibahan sa sinadya at sa hindi? I am very willing to demonstrate it with you." Pang-aasar nitong sabi saka ngumisi. Umirap naman si Janella at hindi na muling nagreklamo. Tiniis na lang nya ang hapdi pero hindi ito kayang itago ng kanyang mukha. Matapos balutan ng gauze ang paa ay tumayo na si Luan at nakapamulsang pinagmasdan ang dalaga.
"Salamat." nahihiya niyang wika.
"Nahimatay ka kanina at hindi ko alam kung saan kita dadalhin kaya nandito ka sa aking bahay." paliwanag nito at hindi inaalis ang tingin sa dalaga. "Ihahatid kita pauwi pagkatapos nating maghapunan." He added at tumingin kay Anitun. "Maari mo bang dalhan ng makakain ang ating bisita?" hindi ito tanong kundi utos.
"Opo panginoong Luan." Nakayuko niyang sagot saka ito lumabas ng silid.
"Panginoong Luan?" sambit ni Janella sapat lang para marinig ng binata. "Ikaw na ba ngayon ang Diyos ng mga buwan at hindi na si Mayari?" Naguguluhan na tanong. Konti na lang ay maniniwala na siya.
Tumango si Luan. "Like what I've said, kinain ng bakunawa ang aking ina matapos ang araw ng paglipat sa akin ng trono." kwento niya
"P-Pero… ayon sa libro na nabasa ko ay bago pa tuluyang makain ng bakunawa ang ika pitong buwan na si mayari ay ikinulong na siya ni bathala sa kailaliman ng dagat." wika ni Janella at nakakunot ang noo ngayon dahil nahihiwagaan siya sa sinasabi ni Luan. He crossed his arms and smirked.
"You love reading huh? So ano pa ang alam mo?" curious niyang tanong.
"Paano nakatakas ulit ang bakunawa? Wala iyon sa mga libro." kunot noo nyang tanong.
"None of your business, human." seryosong naman nitong sagot. Parehong napalingon si Luan at Janella ng bumukas ang pinto at pumasok si Anitun dala ang mga pagkain na lumulutang sa ere na parang may sariling buhay at lumapag din ito ng kusa sa ibabaw ng bilog na lamesa. Mangha iyong pinanood ni Janella na bahagyang nakabuka ang bibig saka tumingin kay Anitun.
"Enjoy your dinner Ms. Janella." Nakangiti nitong sabi.
"Salamat Anitun. You can now leave us." utos muli ni Luan kaya nakayuko na itong lumabas ng silid. Tumingin si Janella sa binata.
"Anitun? As in Anitun Tabu?" mangha niyang tanong. Marahan namang tumango si Luan. "wow!" Ngayon ay naniniwala na sya sa mga pinagsasabi nito. Naeexcite tuloy siyang makita ang iba pang diyosa at diyos sa nababasa lang niya sa libro.
Tipid ang bawat subo ni Janella sa mga pagkain na inihanda para sa kanila ni Anitun. Masarap naman ito. Naiilang lang kasi siya sa gwapong lalaking nasa harapan niya na tahimik na kumakain na para bang hindi ito nag eexist sa harapan niya. Kung pwede lang i take out niya ang mga ito para naman ma-enjoy niya ang masasarap na pagkain na ngayon lamang niya natikman sa tanang buhay niya. Pagkatapos nilang mag hapunan ay inihatid na siya ni Luan sa kanyang tinitirhang apartment kung saan kasama niyang umuupa doon si Jessa. Dali-dali itong bumaba ng sasakyan ng binata.
“Salamat sa paghatid.” She said and smile saka ito nagmamadaling pumasok sa loob ng building. Tipid na tumango si Luan at pinagmasdan lang ang dalaga mula sa loob ng sasakyan saka ito umalis ng makapasok na sa building si Janella.
Habang tinatahak ni Luan ang daan pauwi ay tumunog ang cellphone nito. Agad nya itong sinagot ng makita ang rumihistrong pangalan.
“Nakauwi na ba si Aman Sinaya?” Agad niyang tanong kay Lakambakod.
“Opo, Panginoong Luan, pero ipinaparating ni Panginoong Aman Sinaya na huwag muna kayong pumunta dito ng hindi niya sinasabi.” Sagot nito. Kumunot ang noo ni Luan dahil hindi nagustuhan ang sinabi ng kausap.
“Bakit?” Mariin nyang tanong.
“Nais muna niyang kausapin ang mga Babaylan at si Lakan Danum at ang iba pang konseho ng tagabantay ng tubig. Maaaring ipatawag kayo sa mga susunod na araw kaya huwag po sana kayong mainip.” Nag Aalinlangan nitong wika. Alam niya kasing maikli ang pasensya ng binata. Hindi naman sumagot si Luan pero ibinato niya ang wireless earphone sa sobrang inis.
Maagang pumasok si Janella sa opisina. Hindi na niya nagawang hintayin ang kaibigan na si Jessa. Tulog na ito noong nakauwi siya kagabi kaya naman hindi pa sila nakakapag-usap. Busy ito sa kanyang computer at di namamalayan ang oras pati na rin ang paglapit nina Jessa, Sarah at Jio sa kanyang desk. Natigilan ito sa pag tatype at tiningala ang mga katrabaho at hilaw na napangiti ng mapansin ang mga titig nito sa kanya na para bang nanunuri at naghihintay ng kung ano. Alam naman niya kung ano ang sadya ng tatlong ito sa kanya.
“Share it ghorl” Ani Sarah. Ngumiwi si Janella at humugot ng malalim na hininga. Paano ba sya mag-uumpisang mag kwento? Teka, dapat nya nga ba itong ikwento pa? Baka naman mapagkamalan din syang may tama sa utak. Umiling ito ng paulit ulit saka tumingin sa tatlo.
“Kaibigan ko lang yun.” Aniya at hilaw na namang napangiti.
“Kailan ka pa nagkaroon ng gwapo at mayaman na kaibigan, Janella?” Mataray na tanong ni Jessa.
“Latest unit yung kotse niya diba? Pinaka mahal na kotse sa buong mundo.” Singit ni Jio kaya napatingin kaming tatlo sa kanya at hindi makapaniwala. “Parang worth a million dollars, if I am not mistaken.” Dugtong pa nya. Nanlaki naman ang mga mata nila saka ibinalik ang tingin kay Janella. Ngumisi si Janella at hindi alam kung paano magpapaliwanag mabuti na lang at may tumawag sa telepono kaya agad itong sinagot ni Janella. Saglit niya itong kinausap saka tumingin sa tatlong katrabaho.
“Tumawag ang PCB Network. Gusto nilang mag book for their 47th company anniversary sa Cebu. Tapos iniinvite si Boss Mike na mag-speech sa isang programa nila na mamaya iso-shoot.” Pormal na wika niya sa mga kasamahan.
“Ikaw na ang magsabi kay boss.” Ani Jessa kay Janella.
“Bakit ako? Ikaw na Jio.” Angil nito at itinuro si Jio. Nanlaki naman ang mga mata ni Jio saka seryosong umiling. At the end si Janella din ang tumawag sa kanilang boss para iparating iyon. Hindi naman ganun kabusy ang boss nila kaya pumayag agad ito pero isinama nga lang siya at si Jio para maassist sya. Jio is the driver.
Habang naghihintay ang dalawa na matapos ang interview shoot ng boss nila ang nagyaya si Jio na sa cafeteria nalang muna sila tumambay kaysa tumunganga sa labas ng studio at agad itong sinang ayunan ni Janella. They ordered coffee at kapwa busy sa kanilang mga cellphone.
“Ooh! Hindi ba si Aine iyon?” Turo ni Jio sa bandang likuran ni Janella at nilingon nya agad ito. Napansin niya ang may pulang buhok na lalaking kasama ng artistang si Aine. Iyon ang masungit na lalaki noon sa meeting na favorite siyang barahin sa kanyang presentation. Bumalik ito ng tingin sa binata at ngumiti.
“Starstruck kana naman.” Biro nito sa kanya. Namilog pa ang mga mata nito ng naglakad papunta sa direksyon nila ang dalawang may pulang buhok. Hindi ito aware na colorful hair ang bagong hype ngayon? Humigop ito sa kanyang mocha frappe at nagpatuloy sa pag scroll sa kanyang f*******:.
Habol habol ng tingin ni Jio ang dalawa na naupo sa kabilang table lang nila. Ngumiti pa ito kay Jio. Napansin ni Janella ang pamumula ni Jio at pagiging uneasy nito kaya napabaling ito sa direksyon ng sinusulyapan ng binata at doon lang niya napagtanto na nasa kabilang table na pala nila ang dalawa kaya ngumisi ito.
“Uy! Abot tanaw na niya.” Biro nito kay Jio sa mahinang boses upang hindi marinig ng nasa kabilang table. Yumuko naman si Jio at humigop ng frappe.
Feeling ni Janella ay may nakatingin sa kanya kaya nag angat ito ng tingin sa kabilang table at halos malaglag ito sa kanyang upuan ng makitang malalim na nakatingin sa kanya si Sol. Naconcious tuloy ito at baka may dumi sa mukha or magulo ba ang buhok niya? Napalunok ito at muling itinuon ang atensyon sa kanyang cellphone pero hindi pa rin niya maiwasang hindi sumulyap kay Sol para tiyakin kung nakatingin pa ba ito sa kanya and yes, he still staring at her.
Nang hindi matagalan ang pagtitig sa kanya ni Sol ay nagpaalam muna ito kay Jio na sa CR muna ito sandali. Doon na lang ito nakahinga ng maluwag at nakakunot ang noo dahil sa weidong pakiramdam. Tumunog ang cellphone nito at unregistered number ang rumihistro sa kanyang screen. Napaisip tuloy ito kung may darating ba siyang delivery na inorder online.
“Hello?” Magalang niyang sagot.
“Meet me outside now.” Utos nito. Tumaas ang isang kilay ni Janella.
“Excuse me? Sino ba ito?” Mataray nitong sagot dahil hindi niya nagustuhan ang tono ng kausap niya na akala mo ay pinapasweldo siya kung umutos.
“Ang panginoon ng buwan.” Seryoso nitong sabi. Halos manlambot naman ang tuhod ni Janella at kinakabahang lumabas ng CR. lumingon-lingon ito para hanapin ang kausap pero hindi niya ito makita.
“Nasaan ka ba?” Tanong nito habang ipinagpatuloy ang pag tingin sa paligid.
“Nandito sa harap ng PCB building. Faster.” Aniya saka pinatay ang tawag. Nagmadali tuloy na bumalik si Janella kay Jio para magpaalam.
Napalingon ito sa kabilang table na ngayon ay busy nang nakikipag kwentuhan sa dalawang babae na nakaupo na din sa table nila Aine at Sol.
Nasa labas na ito ng building at agad na nakita si Luan na nakaupo sa unahan ng kanyang puting sasakyan. Iba ito sa unang sasakyan na dala dala niya noon. Hindi siya pamilyar sa mga sasakyan pero alam niyang BMW ang SUV na iyon base sa logo na nasa unahan.
Luan is wearing white sweater na may kulay gray na polo inside it and black jeans. He crossed his arms and legs at seryosong tumingin kay Janella ng makalapit ito.
“Bakit ang tagal mo?” Simangot nito.
Kumunot ang noo ni Janella. “Halos madapa na nga ako sa paglakad. At saka dalawang minuto ka lang naghintay. Oa huh!.” Pagtataray nito at namewang pa. “Ano ba ang sadya mo?”
“Come with me to Cuenco Island.” Wika nito. Napanganga naman si Janella.
“Bakit ako? Isa pa ay may trabaho ako. Busy akong tao. Humanap ka nalang ng ibang aabalahin mo.” Mariin nitong tanggi. Nakita nito ang pagdilim ng mukha ni Luan at agad nakaramdam ng takot. “Listen. Uhmm… Hindi kasi ako katulad mo na kayang mamuhay ng marangya kahit hindi na kumayod. I have to work hard for almost everything in my life. Kaya sana maintindihan mo na bawat oras ay importante sa akin.” Mahinahon niyang paliwanag. “Katulad ngayon, nandito ako dahil sa trabaho, kaya kung wala ka ng gustong sabihin… uhmm… pwede na ba akong bumalik sa loob?” She added and smiled.
Hindi na sumagot si Luan kaya pumasok na si Janella. Pagbalik nito sa cafeteria ay kasama na ni Jio ang boss nila. Wala na din doon sina Sol at Aine. Habang tinatahak nila ang daan pabalik ng opisina ay nakatanggap ng tawag ang kanilang boss. Kunwari ay natutulog si Janella pero nakikinig ito sa kanyang boss. Sa tingin niya ay may bago itong kliyente dahil masayang masaya ito sa kausap. Napakagalang pa. Hindi tuloy maiwasan ni Janella isipin na sobrang plastic ng boss niya. Ang pagkaka-kilala kasi ng lahat sa boss nila ay feeling entitled. Nagbago na lang nitong mga nakaraan dahil baka nga sinaniban ng kung sinong santo.
Nang makarating sila sa opisina ay agad kinalas ni Janella ang kanyang seatbelt at sabay silang bumaba ni Jio. Pinagbuksan naman ni Jio ng pinto ang kanilang Boss. Pagpasok nila sa opisina ay halos mga nakatingin ang mga ito kay Janella. Lumingon pa ang dalaga kay Jio na nagtataka rin sa malagkit na tingin ng mga katrabaho kay Janella.
“May ginawa ka bang kalokohan?” Bulong ni Jio at agad umiling si Janella. Wala naman siyang maalala na ginawang kalokohan. Patungo na sana si Janella sa desk niya ng tawagin siya ng kanyang boss at pinasunod sa kanyang opisina. Tumingin pa muna ito kay Jio at kay Jessa saka sumunod. Kinakabahan nitong binuksan ang pinto at nakangiting tumingin sa kanyang boss na prenteng nakaupo sa black leather sofa.
“Yes po boss?” Agad nitong turan.
“I want you to meet Mr. Luan, Janella.” Tumayo si Boss at tumingin sa katapat na upuan. Doon lang niya napansin si Luan. Namilog ang mga mata nito at halos hindi na makahinga sa kaba. “Janella, he is my VIP client and he wants to hire you to guide him on Cuenco Island. Dahil taga doon ka naman ay maayos mong maga-guide si Mr. Luan.” Halos mapaupo ito sa sahig sa sinabi ng kanyang boss. Hilaw itong ngumiti at tumango.
“Hi Ms. Janella. Can we go now?” Aniya na mas lalong nagpalaki ng mata niya.
“Now?” Kinakabahan na tanong ni Janella at napalunok ng tumango si Luan.
“Oo Janella. Yung mga iba mong gawain ay ipasa mo nalang kay Sarah. You have to entertain our VIP client and I hope we don’t get any bad feedback gaya ng dati.” Makahulugan nitong sabi. Gustong suntukin ni Janella ang bibig ng boss niya. Kung pwede lang ay nagawa na niya.
“Entertain?” Ulit niya at lihim na napairap.
“So can we go now?” Inip na singit ni Luan. Ngumiti ang boss niya at ganoon din si Janella.
“Pwede ba akong sumaglit sa apartment boss? I need to get my stuff. Ilang days ba tayo sa Cuenco Island, Sir Luan?” Pormal nitong sabi.
“A week or so? It depends.” Maikling sagot ni Luan na nagpanganga kay Janella. “You are highly paid so don’t look at me like that Ms. Janella.” Aniya ng mapansin ang reaksyon ni Janella. Agad namang binawi ni Janella ang mukha at pinilit nalang na ngumiti.
“O-Okay. May kukunin lang ako sa desk ko at kung okay lang sana na dumaan sa apartment?” Hiling nito. Tumango lang si Luan.
Nakaabang naman sina Jessa at Sarah sa labas ng pintuan ng boss nila at matiyagang naghihintay kay Janella. Ngiwi naman ang sinagot ni Janella sa makahulugang tingin ng mga katrabaho. Dumiretso ito sa desk niya ngunit sumunod ang tatlo sa kanya.
“Umamin kana ghorl.” Ani Sarah.
“Umamin saan?” Litong sagot ni Janella habang inilalagay ang ilang gamit sa paperbag.
“Anong relasyon nyo ng gwapong VIP client natin ngayon?” Si Jessa. “Sabi ni Jio nakita niya daw kayo kaninang umaga sa harap ng PCB na nag-uusap.” Natigilan si Janella sa ginagawa at napatingin kay Jio na ngayon ay hilaw na napangiti.
“Nainip ako kanina kaya dumungaw ako sa glass wall ng building at nakita kitang kausap mo yung lalaking nasa loob ng opisina ni Sir.” Paliwanag niya. She took a deep breath at nailing while she continued what she was doing.
“Wala kaming relasyon.” She said ng matapos sa ginagawa. “Totoo.” aniya dahil halata sa mukha ng mga ito na hindi sila naniniwala.
“I doubt.” Jessa scoffed. “Sige. Maglihim ka pa sa akin na kaibigan mo for 6 years.” Tampong dagdag nito.
“Totoo naman kasi.” Ani Janella na gusto ng maiyak sa mga matatalim na tingin ni Jessa.
“He paid one million just to be with you on that Island. Isn't it sweet?” Si Jessa na kinikilig. Janelle scoffed. Napalingon sila ng bumukas ang pinto ng boss nila.
“Aalis na kami. Maniwala kayo. Nagsasabi ako ng totoo. Chat nalang tayo sa GC.” Paalam ni Janella at sumunod na kay Luan patungo sa Parking lot. Habol naman ng tingin ang tatlong kaibigan na parang mga detectives.
“Kung nag-sasabi ng totoo si Janella, ibig sabihin ay baka may gusto si Sir Luan sa kanya?” Ani Jessa na sinang-ayunan ni Sarah. “Haba ng buhok niya kung ganon. Gaganutan ko ang bulbol ng babaeng iyan kapag binasted pa niya.” Murmur ni Jessa. Natawa naman si Jio at tinapik ang dalawa na bumalik sa na kanilang desk.
Luan coughed na para bang nasamid ito. Kunot noo naman siyang tiningnan ni Janella.
“Okay ka lang? Kung masama ang pakiramdam mo pwede namang hindi na tayo tumuloy diba?.” Ngumisi ito.
“May narinig lang akong ikinatayo ng balahibo ko.” Irita nitong sagot saka pinaandar ang sasakyan.
Hindi na muling nagsalita pa si Janella ng makita ang pagbabago ng mukha ni Luan. Mabilis din itong kumuha ng mga ilang importanteng gamit sa apartment para hindi mainip ang kasama. Pagkarating nila ng pier ay may nag-aabang na doong private yacht na kulay puti. Luan’s name printed on the yacht is so dominant at kahit malayo palang ay mapapansin mo na agad ito. Natataranta na inasikaso sila ng mga tauhan ng yate. Hinatid nila si Janella sa kanyang cabin room bitbit ang bag nito. She scanned the place at nangingiting makita ang malambot na kama. Patalon itong nahiga while her arms spread wide open, looking at the ceiling thinking what is Luan up to.
“You must be Janella?” Malamig na tinig ang nagpaiktad ng bangon sa kanya. May babae na nakatayo sa harap niya wearing white dress with blonde hair. Kung hindi siya nagkakamali ay siya yung kasama noon ni Yuan. How come na nakapasok ito sa loob ng hindi niya napansin? Lumingon ito sa pinto na sarado pa rin.
“I teleport.” Paliwanag nito. Tumingin sa kanya si Janella at marahan na tumayo.
“Oo. Ako nga.” Kinakabahan niyang sagot.
“I’m Bituin. Luan’s cousin.” Pakilala nito extending her hand na agad tinanggap ni Janella. Napakalambot noon. Napakakinis at puti din ng kanyang balat. Literal itong dyosa sa kanyang mga mata. Hindi pa man nakakapagsalita ulit si Janella ay bumukas na ang pinto ng kanyang cabin at nakakunot noong pumasok si Luan. He glared at Bituin.
“What the hell are you doing here, Bituin?” Inis na tanong ni Luan. Hinarap naman siya ng pinsan at pinagkrus ang mga kamay. She bent her head, staring at his annoyed cousin. She smirked.
“Sorry for barging in like this. I just really want to meet her.” Malambing nitong wika saka sumulyap kay Janella ng nakangiti. “Might as well Sol and Aine.” Dugtong niya ng nakangisi ng bumalik ng tingin kay Luan. Mas lalong nagdilim ang mukha ng binata. His brow furrowed as he noted the set of her face.
“What are you trying to do?” Seryoso nitong tanong. Litong lito naman na tumitingin si Janella sa dalawa. Kung sino ang nagsasalita ay nandoon ang mga mata at tenga niya. Ramdam din niya ang tensyon sa loob na para bang gusto na lang niya na siya na ang mag adjust at umalis.
“No Luan. What are you trying to do?” Balik na tanong ni Bituin at bakas na sa kanyang boses ang pagkainis. “Nahihibang kana ba? Dinala mo pa talaga ang babaeng iyan?” Mas kumunot ang noo ni Bituin at dahan dahan na lumapit kay Luan. “So anong plano mo? Vacation on Cuenco Island with her while waiting for Aman Sinaya?” Sarkastiko nitong tanong. Nag-igting ang mga panga ni Luan at umiwas ng tingin kay Bituin.
“Enough.” Mahina ngunit may pagbabanta ang boses nito kaya naman tumigil na si Bituin. She took a deep breath at sumulyap muna kay Janella bago ito padabog na lumabas ng cabin. Lumunok naman si Janella ng magtama ang mata nila ni Luan.
“A-Ano ba ang gagawin natin sa Cuenco? Bakit mo pa ako sinama?” Kinakabahan na tanong ni Janella.
Nangibabaw ang katahimikan ng ilang segundo at ng sasagot na si Luan ay may narinig silang malakas na tawanan mula sa labas. Napakagat ng labi si Luan sa inis at walang imik na lumabas ng cabin. Humabol naman si Janella at nagtataka kung sino ang mga nagkakatuwaan sa labas gayong dalawa lang naman sila ni Luan na sumakay sa yate maliban sa tatlong tauhan nito at kay Bituin na din.
“Ow! Here’s Luan.” Sarkastikong anunsyo ni Sol kaya naman natigil ang katuwaan nila. Imbes na kay Luan ang mga ito tumingin ay kay Janella nila nakatuon ang atensyon nilang lahat. Halos lahat ay napawi ang mga ngiti ng makita si Janella na nakatayo sa likuran ni Luan, maliban kay Bituin na talagang inaasahan na niya ang eksenang ito.
“I think I know her.” Kunot noo na sabi ni Aine. Iniisip kung saan nga ba niya ito nakita.
“Mind to explain why you bring a human?” Curious na tanong ni Sol. Napatingin naman si Janella kay Sol. Namilog ang mga mata nito ng namukhaan niya ang lalaking may pulang buhok.
“Why don’t you explain first for barging in here? I can’t remember inviting you all here.” Mariin niyang sabi kay Sol. Mas lalong lumawak ang pag-ngisi ni Sol at naglakad patungo kay Janella. “Alam namin ang plano mo Luan kaya napilitan kaming sumunod sayo at hindi namin inaasahan na may kasama ka palang bisita.” Tukoy nito kay Janella. Masama ang ipinukol na tingin ni Luan kay Bituin na inirapan naman ng dalaga. Alam niya kasing kay Bituin nagmula ang impormasyon na nakarating kayna Sol.
“Luan, bakit kailangan mo pang sumalakay sa mga babaylan? You know how important they are for Aman Sinaya. Ginagawa mo lamang komplikado ang lahat and please don’t hate Bituin for telling us your plan because she just did what is right.” Singit ni Aine. For the first time ay nagawa nitong kampihan ni Bituin na madalas magkapikunan. “Bakit hindi mo na lang hintayin na ipatawag tayo?” She added.
“I can’t wait anymore! I’ve already waited for f*****g 2000 years, Aine!” Galit nitong sabi. “Kailangan kong malaman kung nasaan ang bakunawang iyon! Alam mo kung gaano ko gustong ipaghiganti ang pagkawala ng aking ina.” Dagdag niya. Bakas sa mga mata nito ang galit at lungkot. Sumandal naman si Santelmo sa railings ng yate at nakayukong nakikinig sa pagtatalo nila. Gusto niyang sumangayon kay Luan dahil nais na din nitong makabalik sa Kaluwalhatian ngunit kung isasawika niya iyon ay maaaring ikagalit sa kanya ito ni Aine.
“Bakit mo nga ba ako sinama dito, Luan?” Lakas loob na wika ni Janella. Kinakabahan siya dahil alam niyang hindi mga tao ang mga kasama niya ngayon. Hindi din niya alam kung anong pwedeng gawin sa kanya ng mga ito oras na may masabi siyang hindi maganda. Bituin scoffed. Hindi makapaniwala na tinawag lang ng nilalang na iyon sa pangalan ni Luan ang panginoon ng buwan.
“Oo nga Luan?” Sang-ayon na tanong ni Sol.
Luan clenched his perfect jawline at mariin na tumingin kay Sol. “She’s my bait.” Sagot niya. Napanganga si Janella sa narinig at labis na binalot ng takot. Napaatras ito. Nagbabadyang pumatak ang mga luha at nanginginig sa takot. Seryoso naman na nakatingin sa kanya si Sol.