LIVE 14

1210 Words

ANG buong akala ni Amara ay nasa loob ng kwarto ng nanay niya si Luna kaya naman agad niyang binuksan ang pinto. Pero wala siyang nakitang Luna doon. Tanging ang nanay lang niya na nakaupo sa gilid ng papag at nakatingin sa kawalan. “Amara, bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok dito?” tanong ng nanay niya. Iginala niya ang tingin sa loob. “Parang… narinig ko po kasi na may kausap kayo,” aniya. “Kausap?” “Parang boses ni Luna…” “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung kausap ko at nandito si Luna, hindi sana ako ganito kalungkot ngayon. Babalik lang ang saya ko kapag bumalik na si Luna, kapag nalaman kong buhay siya.” Marahang naglakad si Amara palapit sa ina at umupo sa tabi nito. Ginagap niya ang kamay nito at masuyong pinisil. “'Andito naman po ako, nanay. Nawala man si Luna, nandito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD