MATAMANG nakatingin si Luna sa dalawang babae na lumabas ng mall. Kanina pa siya sa kinatatayuan niya. Sa likod ng malaking poste. Wala siyang pakialam kung masakit na ang mga paa niya sa pagtayo basta masiguro lang niya na makikita niya ang naturang dalawang babae. Eksakto nang mapadaan siya kanina sa lugar na iyon ay nakita niya ang dalawa na bumaba ng sasakyan at pumasok sa mall. Talagang hinintay niya ang paglabas ng dalawa. Naging matiyaga siya kahit inabot na siya ng dilim doon. Walang iba kundi sina Cheska at Violet ang dalawang babae. Ang mga dati niyang kaibigan na inasahan niyang isa sa makakaintindi sa kanya. Umasa siya na hindi siya bibitawan ng dalawa kahit na anong eskandalo ang kumabit sa kanya pero nagkamali siya. Binitiwan siya nina Cheska at Violet kahit na matagal na si

