LIVE 16

1270 Words

“CHEERS!!!” Masayang pinagbangga nina Edward at ng dalawa pa niyang kaibigan na sina Fred at Kyle ang kani-kanilang baso na may lamang alak. Sabay-sabay nilang tinungga ang iyon at ibinaba sa lamesa. Hatinggabi na pero nag-iinuman pa rin ang tatlo sa bahay nina Edward. Wala pa rin ang mga magulang ni Edward kaya nagagawa nila iyon doon. Nasa bakasyon pa rin kasi ang mga ito. Hindi natuloy ang uwi ng mga ito dahil nag-eenjoy pa raw ang mommy niya. Wala ring alam ang mga ito sa nangyaring muntik nang pagkakakulong niya. “Mabuti na lang talaga at wala pa dito ang mommy at daddy mo, Edward! Aba, isang linggo na tayong lasing, a!” Natatawang turan ni Kyle. “Aba, dapat lang! Susulitin natin ang bakasyon. Isang buwan na lang, back to school na naman tayo, e!” ani Edward habang nagsasalin ulit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD