“Okay, Alexis, tumingin ka nang diretso sa harapan mo,” malumanay utos ni Doktora Ericka habang inilawan at sinuri ang mga mata ng batang pasyente. “Very good. Ngayon, sundan mo ang ilaw habang inililipat ko ito nang hindi gumagalaw ang iyong ulo.”
Kumislap ang tingin ni Alexis habang pinapanood niya ang liwanag na gumagalaw sa loob at labas ng limitadong saklaw ng paningin niya. Tumango si Doktora Ericka at bumaling sa kanyang computer at gumawa ng mga tala. Ang tuloy-tuloy na pag-click ng keyboard ay hudyat na natapos na ang check up ng bata. Nanatiling nakaupo si Alexis sa mesa habang ang kanyang Mama ay sabik na naghihintay sa resulta.
“Ano po ang resulta?” Sumenyas si Lynn habang ang doktora ay nag-aalinlangan.
“Para sayong kaalaman Miss Castillo, ang paningin ni Alexis ay mabilis na lumalala,” panimulang saad ng doktora. “Maging tapat ka Alexis, ano talaga ang nakikita ng iyong mga mata?”
“Nakikita ko pa rin ang liwanag kahit may kadiliman,” sagot ni Alexis sabay kibit-balikat. Ganito raw niya natutunton ang liwanag kahit parang lahat ay natatakpan ng kulay-abo. “Sa totoo lang, hindi naman po talaga siya istorbo para sa akin.”
“Lexi…” napabuntonghininga si Lynn, ramdam ang pakiramdam na tila walang pakialam ang anak sa kondisyon niya.
“Alexis, okay lang ba kung mag-usap muna kami ng mama mo sandali?”
“Opo,” sagot ni Alexis, mahinahon at magalang, saka tumayo mula sa mesa.
Kinuha niya ang foldable na tungkod at ginamit iyon para maramdaman ang nasa harapan niya habang patungo sa pinto. Pagkarating niya roon, umalis siya at pumunta sa nurse's station, kung saan inalok siya ng bakanteng upuan.
Nang makaalis na si Alexis, lumingon ang doktora kay Lynn na halatang nag-aalala. Tulad ng iba, nakabuo rin si Dr. Ericka ng sarili niyang hinala tungkol sa kung paano ipinanganak ang mga bata. Pero sa ilang taon na niyang pagkakakilala kay Ava, naisip niyang baka hindi rin totoo ang mga chismis na kumalat tungkol dito.
Alam niyang totoo si Lynn. Mabait ito, responsable, at mahal na mahal ang mga anak. Hindi pinalalagpas ni Lynn ang kahit isang check-up o vaccine appointment ng mga bata. Halatang-halata na ibinuhos niya lahat para sa kalusugan ng mga bata. Bukod sa unti-unting pagkawala ng paningin ni Alexis, ni minsan ay walang nagkasakit nang grabe sa tatlo. Hindi ito tugma sa imahe ng isang babaeng pabaya o “party girl” na madalas ikalat ng iba.
Oo, malinaw na may mas malalim na kwento sa likod ng kapanganakan ng triplets, pero alam ni Dr. Ericka na wala siya sa posisyon para usisain pa ito.
Pagkasara ng pinto, malalim ang buntong-hininga ng doktora bago siya nagsalita. “Miss Castillo, siguro panahon na para maging totoo tayo. Narinig mo si Lexi kanina.”
“Pero… wala na ba talagang pag-asa?” tanong ni Lynn, halos pumapatak na ang luha.
“Progressive ang kondisyon niya. At hindi siya basta-bastang nagagamot,” paliwanag ni Ericka. “Kung tutuusin, mabilis nga ang paglala sa kanya kaysa sa normal. Pero dahil masayahin siya at mukhang okay, hindi mo napapansin. Ganyan talaga ang mga bata minsan, lalaban kahit nahihirapan.”
“Pero... wala na ba talagang ibang paraan?” bulong ni Lynn, halos hindi marinig.
“May mga bagong developments. May isang surgeon na gumagawa ng experimental treatments, at may ilang pasyente na gumaling… mga may kondisyon na katulad ni Lexi. Pero…” Nag-aatubili si Ericka bago ipagpatuloy. “Sobrang mahal. At hindi pa aprubado bilang regular na treatment.”
“Siyempre,” mahinang sabi ni Lynn, bakas ang bigat ng loob.
Alam niyang gagawin niya ang lahat ng kaya niya, magtrabaho, at magsakripisyo pero alam din niyang napakalaki ng halagang kailangan para kay Alexis. Laging parang kulang. Laging parang kasalanan niya.
“Lalaban tayo, Miss Castillo,” sabi ni Ericka, inabot ang isang tissue. “Napalaki mo ang isang matalino, malakas, at kahanga-hangang bata.”
* * *
Umupo si Alexis at malalim na bumuntong-hininga. Alam niyang darating din ang araw na ‘to. Simula pa lang noong anim na taong gulang siya, unti-unti nang lumiit ang kanyang mundo. Paunti-unti ring nawala ang paningin niya hanggang tuluyang maglaho ang paligid. Kaya kapag sinasabi niyang "nakakakita pa rin siya ng liwanag sa dilim," isa lang 'yon sa mga bagay na pinapaniwalaan niya para hindi mabahala si Mama. Marunong siyang magpanggap para lang hindi ito mag-alala.
“Dito po ang daan, mga Sir. Ito ang waiting area para sa mga pasyente. Ang floor na ito ay para sa regular check-ups at initial consultations,” paliwanag ng direktor habang naglalakad kasama ang mga bisita. “Itong specific area na ‘to ay para sa mga pasyenteng may kapansanan.”
“Direktor, sandali lang, paki-check ito,” tawag ng isang nurse na nagmamadaling lumapit.
“Pasensya na po,” sabi ng direktor sa mga bisita niya, pansamantalang lumihis para kausapin ang nars.
Nanatili naman sa nurse’s station ang dalawang bisita. Kahit hindi niya sila nakikita, ramdam ni Alexis ang presensya nila. Dalawa sila. Malalakas ang hakbang, parang sigurado sa bawat galaw. Mga taong sanay makakita ng buong mundo. Amoy niya rin ang mamahaling aftershave lotion na gamit nila. Malayo sa mga mumurahing pabangong masangsang na parang pamatay ng lamok.
Madali niyang tinutukso ang mga kapatid tungkol sa pagiging maarte pagdating sa amoy na para bang kapag mabango, mas matanda. Pero hindi ibig sabihin na mas matalas ang pang-amoy niya. Mas naka-focus lang siya rito dahil wala na siyang paningin. Ganoon din sa pandinig niya.
Ramdam niya sa yabag ng dalawa na baka hindi sila nakasapatos kundi nakasuot ng mabibigat na tsinelas. Ang tunog ng kanilang suot na parang sutla o satin ay nagpapahiwatig na mahal ang kanilang gamit. At dahil wala silang batang kasama, duda siya na sila’y magulang ng pasyente lalo na’t may espesyal na atensyon sa kanila ang direktor. Malamang mga investors o donors ang mga ito.
Naputol ang pag-iisip niya nang may boses ng lalaki ang biglang nagsalita, may halong inis:
“Alam mo bang bastos ang tumitig?”
“Oh? Hindi ko po alam,” mabilis na sagot ni Alexis.
“Excuse me? Sino ka?” tanong ng lalaki, halatang nasopresa.
Napangiti lang si Alexis. Sa tono pa lang nito, halatang sanay itong makuha ang lahat ng gusto. Mas lalo tuloy niyang ginustong inisin ito. Hindi siya natatakot sa mga taong nagmamagaling at may superiority complex. Para sa kanya, mas nakaka-enjoy silang kontrahin.
“Sino ako? Sige, isa-isahin natin. Una, sampung taong gulang ako, so basically, bata pa ako. Pangalawa, nasa children’s hospital tayo, ibig sabihin pasyente ako. Pangatlo, itong kuwarto na ‘to ay para sa mga may visual or hearing impairment. So ‘yung sinabi mong tumititig ako? Medyo off po ‘yun, ‘di ba?”
“Ah... bulag ka...” bulalas ng lalaki habang unti-unting nagsi-sink in ditto ang sinabi niya.
“Exactly. Gets mo na, ‘di naman sobrang hirap ‘no?” Ngumiti si Alexis, at kahit hindi niya alam kung epektibo ito, naramdaman niya ang saglit na pagkabigla ng nasa paligid niya.
Natawa ang kasama ng lalaki. “Matapang ‘to, ha? Kailangan mo siyang bigyan ng premyo, Si.”
“Nasaan ang mga magulang mo?” tanong ng lalaki, sa wakas ay medyo lumambot ang tono.
“Magulang lang, hindi ‘mga’,” sagot ni Alexis. Hindi na niya kinailangang ipaliwanag na wala siyang ama. “Ka-meeting ni Mama si Doktora Ericka tungkol sa mga mata ko. Kung pwede pa raw bang maibalik ang paningin ko.”
“Pwede pa ba?” tanong nito, mas mahinahon na Kang boses.
“Kung may paraan man, sigurado akong sobrang mahal ‘yon,” kibit-balikat niya. “Ayos lang naman ako.”
Sa totoo lang, matagal na niyang tinanggap ang pagkawala ng paningin niya. Hindi ibig sabihin na wala siyang naaalala tulad ng mukha ng Mama niya o ng mga kapatid. Sa isip niya, malinaw pa rin ang huling imahe ng mga ito. Pero parang larawan na nakalagay sa time capsule. Hindi na ito magbabago. Sa isipan lang sila patuloy na tumatanda.
“Pasensya na sa paghihintay, mga Sir. Oh, Lexi, nandito ka ba para sa appointment mo?” bungad ng direktor nang makabalik ito.
“Opo, andito ako para sa three-thousand-mile check-up ko,” biro niya, sabay ngiti sa direksyon ng boses nito.
“Kumusta ang Mama mo?”
“Mabuti po. Ka-meeting lang niya si Doktora Ericka.”
“Mabuti, mabuti,” pero parang biglang nag-iba ang tono ng boses ng direktor. “Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga nurse.”
“Sige po,” sagot niya sabay saludong may halong biro.
Alam niya kung anong klaseng tao ang direktor. Isa ito sa maraming nag-aakala na ang Mama niya ay parang isang babaeng mababa ang lipad sa lipunan. At hindi lingid kay Alexis na minsan, humingi pa ito ng date sa Mama niya kahit may na asawa ito. Mabilis ding tinapos ni Lynn ang usapan at pinaalis si Alexis noon. Simula noon, hindi na siya nagtaka kung bakit mukhang laging “extra friendly” ang direktor sa kanila. Kung sosobra ito, siguradong may maglalabas na ng sikreto nito.
“Maaari na po tayong pumasok, Sirs.”
“Paalam, munting binibini,” pagpapaalam ng lalaking kinausap niya kanina.
“Sige po, matandang binata,” sagot niya na may bahagyang ngiti.
* * *
“Mr. Uy?” tanong ni Direktor Winston habang nag-aalangan ang isa.
Umiling-iling na binitawan ni Silas ang kanyang sagot at sumunod sa direktor.Nasa tabi niya si Thomas, ang kanyang kanang kamay at matalik na kaibigan, na tumatawa.
“Bakit?” tanong ni Silas at sumulyap sa kanya ngunit hindi natakot si Thomas.
“Kahit kailan ay hindi ko nakita si Mister Big Bad Executive na tinakot ng isang bata.”
Ngumisi si Silas na walang pagtanggi sa sinabi nito. Ginulat siya ng ugali ng maliit na bata dahil hindi naman siya nagkaroon ng maraming karanasan sa mga bata. Gayunpaman, hindi niya naisip na normal ang maging bastos.
“Sana hindi ka inabala ni Lexi,” saad ni Direktor Winston. “Mabait siyang bata. Lahat sila.”
“Sila?”
“Siya at ang kanyang mga kapatid na lalaki,” tugon ni Winston. “Triplets. Sa katunayan dito sila ipinanganak, sa aming maternity ward.”
“Woah,” sabi ni Thomas.
“Hindi madali ang pagpapalaki ng tatlong anak nang mag-isa pero ang kanilang Mama ay kinakaya ito kahit may medikal na pangangailangan si Lexi.”
“Paano naman ang kanilang ama?”
"Hindi ko pa siya nakikita.” Umiling si Winston.
“Sa palagay mo ay pinabayaan niya ang kanyang pamilya?” tanong ni Thomas nang makarating sila sa elevator. Masugid siya na mambabasa ng misteryo at lahat ng mga palaisipan ay nakakaintriga sa kanya.
“Hindi ko masasabi at wala ako sa lugar upang isipin ang buhay ng aming mga pasyente,” tugon ni Winston.
Tahimik lamang si Silas habang nakikipag-usap si Thomas sa direktor. May bumabagabag pa rin sa kanya tungkol sa batang naging sentro ng kanilang pag-uusap. Hindi tulad ng karaniwang bata, ang saloobin nito ay hindi batid ng isang taong nahihiya sa kanyang kalagayan lalo pa at galing ito sa isang mahirap na pamilya. Ramdam niya ang pagtanggap ni Alexis sa kanyang pagkabulag, at hindi niya nakita ni kaunting lungkot o panghihinayang mula rito.
Maraming tao ang lumalaki sa paniniwalang may utang sa kanila ang mundo dahil sa kanilang mga pinagdaanan, ngunit hindi ganoon si Alexis. May isang bagay, isang bagay na halos pamilyar, kay Alexis na hindi matukoy ni Silas. Parang may sinasabi ang kanyang matingkad na kayumangging mga mata, tila nagmamakaawang maalala niya ang isang bagay na mahalaga.
Habang iniisip niya kung ano ito, nakita niya ang direktor na muling nakikipag-usap sa bata. Pareho lang ang trato ng bata sa direktor kagaya ng trato nito sa kanya: may distansya at may tusong pagkakakilala. Sa hindi malamang dahilan, hindi niya nagustuhan ang ideyang si Alexis ay nakikipagkaibigan sa ibang tao. May kung anong ugali ang direktor na tila kinaiinisan ng bata. Parang malaswa ang dating ng boses nito sa maling paraan. Baka may interes ito sa ina ng bata?
Sigurado si Silas na may asawa na ang direktor, kaya naman naisip niyang baka may relasyon ito sa Mama ni Alexis. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, gumugulo ito sa kanyang isipan. Maaari bang ang direktor ang ama ng batang babae? Hindi. Mabilis niyang itinapon ang ideyang iyon. Hindi niya alam kung bakit siya apektado, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, naiinis siyang isipin na konektado ang direktor kay Alexis.
Kaya naman nanatiling tahimik sina Thomas at ang kanyang panauhin. Pagtapak nila sa elevator, pinipilit ni Silas na alalahanin ang isang bagay. Isang bagay na tila nawawala. Nilingon niya ang labas at nakita si Alexis na nakatayo sa tabi ng isa pang pigura.
Ang bagong dating ay isang babae na maliit at nakasuot ng malaking dyaket na nakapatong sa kanyang uniporme bilang serbidora. Habang si Alexis ay may tuwid na buhok, ang babae ay may natural na wavy na ayos, isinabit sa half-up na hairstyle. Paglapit sa anak, agad siyang yumakap dito at ibinaba ang kanyang ulo. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam si Silas ng matinding pagnanais na puntahan ang mag-ina.
Habang papasara ang pinto ng elevator, tinitigan niya ang dalawa. Nang tuluyan na silang mawala sa kanyang paningin, pilit niyang iwinaksi ang kakaibang pananabik na unti-unting bumalot sa kanyang dibdib. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Wala naman siyang koneksyon sa mag-ina, ‘di ba?
* * *
“Okay ka lang ba, Mama?” tanong ni Alexis, habang mahigpit na nakayakap sa braso ng kanyang ina.
Hindi agad sumagot si Lynn. Pinipilit niyang pigilan ang pag-agos ng kanyang luha. Hindi niya namalayang umaasa pa rin siya na muling maibabalik ang paningin ng kanyang anak. Ngunit malinaw ang sinabi ng doktora: wala na talagang magagawa.
“Okay lang, Mama. Ayos lang ako,” malambing na sabi ni Alexis habang lalo pang humigpit ang yakap. “Tumingin ka sa mas magandang kapalit ng paningin ko.”
“At ano iyon?” mahina ngunit matatag na tanong ni Lynn.
“Ngayon, hindi ko na kailangang makita ang mga mukha ng mga kapatid kong tangengot.”
Napatawa si Lynn. Isang halakhak na sinabayan ng pagtulo ng kanyang luha. Palagi siyang pinapahanga ng kanyang mga anak. Pinunasan niya ang pisngi at saka hinagkan ang tuktok ng ulo ni Alexis.
“Halika, umalis na tayo. Mag-celebrate tayo.”
“Talaga? Ise-celebrate ang ano?”
“Ipagdiwang natin na hindi mo na kailangang makita ang mga mukha ng mga kapatid mo kaya pupunta tayo sa McDonald’s.”
Napahagikhik si Alexis. “Maganda iyan, Mama.”
Habang nakaakbay kay Alexis, tinuro ni Lynn ang daan palabas ng ospital. Hindi pa sila ganap na maayos, at alam ito ni Alexis. Alam niyang nagpapakatatag lang ang kanyang Mama para sa kanya. Ngunit sa paglipas ng panahon, matatanggap din nito ang katotohanan. Si Alexis, kasama ng kanyang mga kapatid, ay nagbabantay sa kanilang ina at iniingatan ito.
At mabuti na lang talaga na hindi alam ng Mama nila ang plano nila sa darating na katapusan ng linggo.