Chapter 7

2581 Words
“Mr. Uy.”   Nagmamadali si Silas ngunit huminto siya nang makita niya ang kanyang mga tauhan na nagmamadaling habulin siya.   Dalawang araw na mula nang ipadala niya si Thomas upang hanapin ang dalaga at nagsisimula na siyang maubusan ng pasensya. Sinubukan naman niya hangga't maaari na panatilihin ang kanyang nararamdaman at kontrol ang kanyang sarili na dahan-dahan ng nawawala. Ngunit hindi maaaring mawala ang kanyang pasensya sa trabaho. Sa ngayon kailangan niyang panatilihin na walang kakaibang nangyayari.   “Sir… Nakipag-ugnayan na po ba kayo sa mga Tan tungkol sa Buenaventura?”   “Oo naman. Tiniyak niya sa akin na hindi sila interesado sa Buenaventura Tech.”   “Kung gayon, dapat nabawasan na ang kakompitensya para sa bid nito.”     Tumango lang si Silas na hindi na interesado pa para magpaliwanag. Habang ang anumang stocks ay pwedeng palaguin ang kanyang kumpanya sa mga bagong mercado, ang Buenaventura ay isang maliit na bahagi lamang kung magtagumpay man sila. At mayroon siyang mas malaking alalahanin. Kailan kaya magmamadali si Thomas para hanapin ang pinapahanap niya? Kailangan niya malalaman ang katotohanan? Nasa loob ba ng silid na iyon si Ava? Sa kanya ba talaga ang mga bata?   “Mister Uy.”   Lumingon si Silas at nakita si Thomas na lumalapit. Bumulong si Thomas, “Narito siya.”   “Sandali lamang.” Pinaalis ni Silas kanyang unang abogado at sinundan si Thomas nang walang ibang salita na sinasambit.   Nauna si Thomas sa kanyang opisina at binaba ang mga blinds para sa kanilang privacy. Dinala niya si Silas sa kung saan nakaupo sa isa sa mga sopa ang isang babae na may medyo malusog na pangangatawan. Nakasuot ito ng uniporme ng chambermaid na kulay abo. Ang kanyang mahaba at tuwid na itim na buhok ay nakatali sa likuran ng kanyang ulo at nakalugay sa kanyang likuran. Malikot siya sa kanyang upuan at patuloy niyang sinusulyapan ang lalaking nakatayo sa tabi ng sopa. Nakatayo roon ang lalaki upang bantayan siya at pigilan siyang umalis bago pa niya makausap ang kanilang amo.   Tumaas ang kilay ni Silas. Ang kanyang alaala mula sampung taon na ang nakalipas ay malabo na, pero sigurado siya na ang babae sa kanyang kama noon ay may kulot na buhok. O baka naman nilalaro lang siya ng kanyang isipan dahil yun ang gusto niyang isipin? Sumulyap siya kay Thomas bago naglakad papunta sa upuan. Tumayo nang tuwid ang bantay nang tumango si Thomas sa kanya. Pumihit ang dalaga sa kanyang upuan para mas mapanood ang paglapit nito.   Umupo si Silas sa harapan ng dalaga para suriin ang kanyang bisita. Iwas ang kanyang mga mata, tila sanay na siya sa hindi pagkuha ng atensyon at hindi komportable sa ilalim ng masusing tingin. Malambot ang kanyang balat at base sa kanyang pangalan, mukhang taga-probinsya siya. Pero para kay Silas, hindi ito mahalaga habang tahimik niyang inihahambing ang kanyang alaala. Halos magkasing taas sila, pero yun na yun. Kahit ilang ulit siyang tumingin, hindi talaga tugma ang babae sa kanyang alaala.   “Miss Lopez,” sabi ni Silas na nagdulot sa kanya upang mapaatras. “May ideya ka ba kung bakit ka nandito?”   “Wala po,” umiling-iling siya. Nagsalita siya sa malinaw na Tagalog ngunit nagpapahiwatig na mayroon siyang punto. Dahil doon nakakasigurado si Silas sa pag-aakala na hindi ito taga-probinsiya.   “Sampung taon na ang nakaraan ay nagtrabaho ka sa Heritage. Natatandaan mo ba?”   “Nagtrabaho po ako sa maraming mga hotel.”   Hindi ito tungkol sa pagmamayabang o pag-iwas. Ito ay isang simpleng katotohanan na ang mga tao ay nagtatrabaho sa mga posisyon na laging nasa panganib. Isang reklamo mula sa kustomer, kahit totoo o hindi, ay maaaring magdulot ng pagkawala ng trabaho at kita. Ang mga taong may malinaw na katangian ng taga-probinsiya ay kadalasang target ng mga demanding na kustomer, at si Natalie ay hindi naiiba, kaya't matatagalan bago nila suriin ang kanyang resume. Hindi niya masasabing wala siyang pagkakamali, ngunit mahirap talunin ang mga inaasahan ng mga tao na hindi nakikita ang katotohanan at ang mga bagay na hindi posible.   “Sa isang bagay lang ako interesado. Hayaan mong i-refresh ko ang iyong memorya,” sabi ni Silas habang inilagay ni Thomas ang isang folder sa kanyang kamay at hinila ang isang kopya ng tseke na kanyang isinulat.   “Sampung taon na ang nakalipas. Natatandaan mo kung saan mo nakuha ito?”   Napalunok nang husto si Natalie, “Pasensya na. May sakit ang Mama ko noon. Kailangan namin ng pera. Natagpuan ko ito sa silid...at saka wala namang naghanap dito.”   “Hinay-hinay ka lang. Natagpuan mo ito sa silid?” tanong ni Silas. Nasa gilid na siya ng upuan.   “Oo! Naglilinis ako noon at may isang babae ang nagmamadaling lumabas ng silid. Umiiyak siya. Pumasok ako pagkatapos niyang umalis at natagpuan ko ang tseke. Itinago ko muna ito ngunit walang naghanap nito...at kailangan namin ng pera noon. Ba…babayaran po kita.”   “Hindi na kailangan,” umiling-iling si Silas. Kahit papaano, hindi na siya nagulat sa balitang ito ngunit nakaramdam siya ng pagkalungkot dahil ang ibig sabihin nito... “Wala akong pakialam sa pera. Gusto kong malaman ang tungkol sa babae. May naaalala ka ba tungkol sa kanya?”   “Hindi ko nakita nang malinaw ang kanyang mukha,” tugon ni Natalie. “pero maliit siya. Itim ang kulay ng buhok na medyo kulot. Sa tingin ko...maganda siya.”   “Magagawa mo bang makilala siya kung makakita ka ng isang larawan?”   “Siguro? Hindi ako sigurado. Ilang sandali ko lang siya nakita.”    “Kung gayon, ano sa tingin mo tungkol sa mga ito?”   Ikinalat ni Silas ang apat na larawan na inihanda ni Thomas. Ang isa ay nagtampok kay Ava at ang iba pang tatlo ay mga random na kuha ng babae na may katulad na mga tampok.  Lahat ay mga kuha sa kalye. Sumandal si Natalie na kinagat ang kanyang labi. Umiling-iling siya habang pinag-iisipan niyang mabuti. Sa wakas ay pinaghiwalay niya ang dalawang larawan at pinag-aralan nang mabuti ang mga ito.    “Sa palagay ko...marahil ito siya?” Pumili siya ng litrato.   Sinubukan ni Silas na itago ang kanyang reaksyon nang makita niya ang napili nito, si Ava. Sa kabila ng kanyang pag-aalangan ay hindi niya maiwasang gawin ito bilang kumpirmasyon sa kanyang mga hinala. Isang mababaw na hukay ang nagbukas sa kanyang tiyan. Ano ang nagawa niya?   “Ihahatid ka na ni James,” saad ni Silas.   “Salamat.” Nalilito ang babae ngunit hindi niya ito masisisi. Hindi araw-araw may isang taong pinapalagpas lamang ang halagang Php100,000 na utang.   “Oh, Miss Lopez... kamusta na ang Nanay mo ngayon?” Tanong ni Silas.   “Magaling na po siya.”   “Mabuti. James.”   Ang taong nagbabantay sa kanya ay magalang na kinuha siya. Umupo si Silas sa kanyang upuan na pilit sinusubukan na kontrolin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ava...si Ava nga talaga...ang babaeng gusto niya at matagal na niyang hinahanap...at pinalayas niya ito ng kanyang sariling mga salita.   “Hindi ko alam kung maaari siyang ituring na isang maaasahang saksi...ngunit ngayon ay nalaman natin na hindi siya ang nasa silid,” saad ni Thomas na pinapanood siya sa malapit.   “Si Ava...” bulong ni Silas. “My God, si Ava pala iyon...”   “Nakakatawa na hindi man lang niya sinubukan na makipag-ugnayan sa’yo,” puna ni Thomas. “Hindi madali ang pagpapalaki ng tatlong bata lalo na kung ang isa ay may komplikadong pangangailangang medikal.”   “Hindi niya gagawin iyon matapos ang sinabi ko sa kanya.” Tumayo si Silas sa bintana at tinanaw ang kabuuan ng lungsod. Hinaplos ng kanyang kamay ang kanyang buhok.   Siya ay isang ama na...ama ng tatlong bata. Sampung taon siyang naghanap para sa babaeng kanyang pinapangarap at nasa malapit lang pala ito buong oras at ang mas masahol pa, siya ang nagpalayas sa kanya. Paanong hindi niya ito nakilala? Ava!   “Silas? Silas!” Kumilos si Thomas upang makuha ang kanyang pansin. “Ano ang balak mong gawin ngayon?”   “Binabantayan pa rin ba siya ng mga tauhan natin?”   “Oo. Naglagay ako ng isang yunit sa kanya at isa sa mga bata.”   “Sabihin mong steady lang sila sa kanilang mga binabantayan.”   “Sige.”   Naikuyom ni Silas ang kanyang mga kamay na nais na manuntok ng isang bagay ngunit wala siyang ibang masisisi kundi ang kanyang sarili. Kasalanan niya ang lahat ng ito.   Sampung taon na ang nakalipas mula nang mawala si Avalynn Sy. May mga tsismis na siya ay naipit sa gitna ng isang iskandalo ngunit agad na binalewala ito ni Silas. Si Ava ay hindi ganoong klase ng babae... ang kanyang kapatid na babae siguro...ngunit hindi si Ava. Sa kabila ng lahat ng mga kasalanan ni Marilynn ay nagpatuloy siya bilang mapagmahal na anak ng mga Sy. Bakit nga ba pinalayas si Ava? Wala siyang maisip na dahilan.   Hindi niya naisip na magpapalit ng pangalan si Ava at ito rin ang ginagamit na mga pangalan ng tatlong bata. Nasa malapit lang siya, wala pang isang milya mula sa kanya at hindi niya ito nakilala.   Ava…   “Ano ang kalagayan ng mata ni Alexis na nagpapahirap sa kanya?”   “Hindi niya sinabi. Sa palagay ko, hindi siya ipinanganak nang ganon kaya malamang na mula iyon sa isang masamang kalagayan at lumala iyon sa paglipas ng panahon,” tugon ni Thomas kahit na hula lang niya iyon. Pribado ang mga medical records kaya hindi sila nagkaroon at nakakuha ng impormasyon tungkol dito maliban kung aangkinin ni Silas ang kanyang mga karapatan sa kustodiya para sa mga bata...kung legal ang pag-uusapan.   “Pwede tayong magsimula roon. Alamin mo ito. Kung may paraan upang maibalik ang paningin ng aking anak na babae, nais kong malaman ang tungkol dito.”   “Wala man lang tayong paternity test...sigurado ka bang ayos lang na angkinin mong sila bilang mga anak mo?”   “Nagdududa ka ba na sa akin nga sila?”   “Bukod sa katotohanan na ang mga batang lalaki ay kamukha mo...ang batang babaeng iyon...sigurado rin na anak mo nga siya dahil triplets sila. Hindi, hindi ako nagdududa.”   “Kailangan ko silang maiuwi sa bahay...ngunit paano? Ano ang sasabihin ko sa kanya o sa kanila sa kabila ng mga ginawa ko?”     * * * Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Silas habang nakaupo sa upuan ng kanyang opisina sa bahay at saka niya niluwagan ang kanyang kurbata. Kung lasinggero lang siya ay tiyak na lasing na siya ngayon. Hindi pa rin siya makapaniwala, natatakot siya na paniwalaan ito. Sa wakas ay natagpuan na niya si Ava. Ngunit hindi ito nag-iisa. Siya ay isang ina ng tatlong mga bata...at siya ang ama ng mga ito. Hindi ito imposible. Sampung taon… Sampung taon na siyang wala sa kanilang buhay. Sampung taon na siya ay wala roon. Pinalaki sila ni Ava nang walang suporta at walang tulong pinansyal mula sa kanya. Nanginig ang kanyang mga kamay sa pag-iisip lamang ng kanilang kalagayan. Dapat nandoon siya upang alagaan sila. Hindi niya maisip kung anong klase ng takot mayroon si Ava para sa kanya na ni minsan ay hindi ito humingi ng tulong sa kanya. Ginawa nito nang mag-isa ang pagpapalaki sa mga bata kaya naman gagawin niya ang lahat para lang mapatawad siya ni Ava.    Tumunog ang kanyang computer na nagsasabing mayroon siyang natanggap na isang bagong mensahe. Nagtaas ng kilay si Silas. Iniisip na maaaring si Thomas iyon at may balita na ito tungkol sa kalagayan ni Alexis. Sumandal siya at agad binuksan ang mensahe, ni hindi na tiningnan kung sino ang nagpadala. Maikli lang ito, pero napatayo siya sa galit. Dinampot niya ang telepono at agad tinawagan si Thomas, mainit ang kanyang ulo habang walang tiyagang naghihintay na sagutin ito ng lalaking iyon.   “Sir?” Napabuntonghininga na sagot ni Thomas sa kabilang linya.    “Pumunta ka dito sa condo, ngayon na!”   “Ano...” nabibigla na tugon ni Thomas pero naputol ang sasabihin niya dahil ibinaba agad ni Silas ang tawag at nakatitig sa mensahe na nais nitong baguhin. Kung sino man ang nagpadala niyon, mukhang sawa na sa buhay ng mga ito kung iniisip nilang makakatakas sila matapos takutin ang mga anak niya.     Ilang minuto lang ang lumipas bago makarating si Thomas sa condo ni Silas. Ilang palapag lang naman ang pagitan nila, pero halata sa basang buhok niya na naliligo pa siya nang tawagan siya nito. Pagpasok niya sa nakakabahalang tahimik na unit, agad siyang tumawag, “Silas?”   “Dito!”   Sinundan ni Thomas ang boses niya papunta sa study. Doon niya nakita si Silas, nakatayo at halatang galit na galit. Isang bihirang eksena sa buong tagal ng pagkakaibigan nila. Nanlamig ang aura ni Silas, at tinitigan siya nito nang masama, parang hindi sila matagal nang magkaibigan.   “Ipaliwanag mo ‘to!”   Napaatras si Thomas bago tuluyang lumapit. Sumandal siya sa mesa, binasa ang mensahe, at napakunot-noo. “Anong kalokohan ‘to?”   “Iyan din ang gusto kong malaman,” sagot ni Silas. “Sino ang nagpadala nito?”   Tiningnan ni Thomas kung sino ang nagpadala. Hindi ito isang random na string ng mga numero gaya ng inaasahan niya. Ang pangalan ng domain ang nagpaestatwa sa kanya saglit. Hindi man siya IT expert, pero alam niya agad: galing ito sa loob ng kumpanya.   Ibig bang sabihin, may taong nasa loob lang ng kumpanya na may alam tungkol sa mga bata? Iniisip ba nila na kaya nilang takutin si Silas? At bakit Php500,000 lang ang hinihingi? Sa totoo lang, ang ganitong klaseng tsismis sa mga gossip column ay mas mahal pa. Mga triple ang presyo kumpara sa hinihingi ng sender.   “Mukhang galing ‘to sa company email,” sabi ni Thomas, halos pabulong matapos ang ilang segundong pagkabigla. “Nag-iingat naman tayo, pero posible pa rin na may naka-pick up ng info... lalo na nung dinala natin si Miss Lopez sa opisina.”   Huminga nang malalim si Silas. Iniwan niya ang detalye kay Thomas. Alam niyang kaya niya itong resolbahin ang problema. Pero may mga tanong na naglalaro sa isipan niya: may iba bang nakapansin sa ginagawa nila? Sinusundan na ba nila si Ava at ang mga bata?   “500K lang ang hinihingi nila. Kung iniisip nilang alam na nila ang buong kuwento, nagkakamali sila.”   Dahan-dahan siyang kumalma. Posibleng iniisip ng mga ito na si Miss Lopez ay isang babaeng nagpapanggap na may alam, kahit wala naman talaga. Wala siyang nabanggit na pangalan ni Ava o anumang detalye tungkol sa mga bata. Kahit magaling ang manghuhula, walang sapat na clue para ma-link siya kay Avalynn Sy.   “Ano'ng plano mo?” tanong ni Thomas. “Hindi ba natin papansin? O haharapin natin sila?”   “Hindi. Gusto ko silang makilala. Gusto kong malaman kung ano talaga ang alam nila. Kung 500K lang ang halaga ng pananahimik nila, bayaran natin.”   “Sige, ako na ang bahala sa pera.”   Tumango si Silas, pero halatang hindi pa rin siya lubusang mapanatag. Kahit pa hindi direktang alam ng taong 'yon ang tungkol sa mga bata, hindi naman siya nag-iisa sa mga dumalo sa music competition.   May posibilidad na may isang taong mabilis makakabit ng mga piraso. Nakilala si Alexis at naikonketa kay Ava. Sa itsura pa lang nilang mag-ina, mahirap nang hindi mapansin ang pagkakahawig nila. At ‘yung paraan ng pagtugtog ni Alexis? Masyadong halata na kaistilo niya si Ava.   Kailangan niyang makaisip ng paraan para maprotektahan sila. Ayaw na niyang maulit ang mga nangyari noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD