VII.

2867 Words
CHAPTER SEVEN “TJ, WHAT are we doing here?” takang tanong ni Sherin nang dalhin siya ng binata sa pavillion nang dumating ang hapon. Nasa silid niya siya at nagbabasa ng isang pocketbook na hiniram niya mula kay Cielo nang sabihan siya ni TJ. Pagdating nila doon ay may naka-set up na mesa. Actually, hindi siya sigurado kung isa iyong romantic merienda. “Well,” Napahugot ng hininga si TJ bilang pagkuha ng buelo.“You see, I have been thinking of this for quite some time now.” Napakunot-noo si Sherin.“Ano'ng ibig mong sabihin?” Kinuha ni TJ ang mga kamay niya at tinitigan siya sa mga mata.“Mahal mo naman ako, 'di ba?” “Oo naman.” Kaya gayon na lamang niya kagustong malaman kung ano ba ang gusto nitong mangyari. “Hindi ko alam na may kulang pa pala sa buhay ko until I met you. Ang akala ko kapag nakakapagpapasok ako ng malaking pera sa kompanya makukontento na 'ko pero hindi pala.” Hindi alam ni Sherin kung ano ang iri-react kaya naman nanatili lang siyang nakatingin kay TJ kahit na pakiramdam niya ay may humahaplos sa puso niya sa mga sinasabi nito. “I am more than a hundred percent sure na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako, Sherin. And I want to make sure you feel the same.” Pagkatapos ay lumuhod ito sa harap niya. Nanlaki ang mga mata ni Sherin at napaawang ang mga labi niya nang may lumitaw na singsing sa harap niya. Gayon na lamang ang pagbayo ng dibdib niya. “Tell me you want to spend the rest of your life with me. Sherin, marry me.” Napasinghap siya at natutop ang bibig ng isang palad niya. Hindi agad siya nakagalaw at hindi makapagsalita. Alam niyang mahal siya ni TJ pero hindi kailanman pumasok sa isip niya na magpo-propose ito ng kasal sa kanya. “Sherin?” untag ni TJ sa dalaga at hindi maganda ang kutob niya sa hindi pagkibo nito. “T-TJ...” “Pakakasal ka sa 'kin, 'di ba?” Kinuha niya ang kaliwang kamay nito para isuot sa daliri nito ang singsing pero agad iyong binawi ni Sherin. And it stabbed his heart. Sherin began to cry.“A-alam mong hindi ako pwedeng magpakasal sa 'yo, TJ,” mahina niyang sabi pero sapat na para lalong dumagdag sa sakit na nararamdaman ni TJ. “Pero ako ang mahal mo, Sherin,” hindi maitago ang pait sa boses na anang binata. “A-alam mong...alam mo ang pinagdadaanan ko sa pamilya ko, TJ. Hindi ko pwedeng hayaang mawala sa amin ang lahat. Ayokong mawala ang pinaghirapan ng mga magulang ko lalo na ni Lola nang ganoon na lang. Naiintindihan mo naman ako, TJ, 'di ba?” “Pwede naman kitang tulungan sa problema mo, ah?” Tinalikuran ni Sherin ang binata dahil nawalan siya ng lakas na salubungin ang mga mata nito. “Edi parang ginamit lang kita no'n!” “Hindi, Sherin!” Tumayo si TJ at niyakap siya mula sa likuran.“Mahal kita, kahit ano gagawin ko para sa 'yo.” “TJ, ayokong maging unfair sa'yo!” Napasubsob siya sa mga palad niya. TJ just asked her to marry him. It should be tears of joy for her but it's actually the opposite. Kung nasa ibang pagkakataon lang siguro sila, malamang na masayang-masaya sila ngayong dalawa. The universe knew how much she wanted to say yes pero hindi niya pwedeng kalimutang one hundred- forty million ang utang nila. It's either sundin niya ang puso niya o mawawala sa kanila ang lahat-lahat. “Don't do this to me, Sherin.” Lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni TJ at naramdaman niya ang pagbaon ng mukha nito sa buhok niya. “TJ, pinapahirapan mo 'ko sa ginagawa mo.” Mariin siyang napapikit at kumawala dito. “Sherin, please,” TJ begged. Humarap dito si Sherin at pagkuwa'y marahas na pinahid ang mga luha. “I'm sorry, TJ. I... I can't marry you.” Those words both stabbed them on their chests. Hindi na niya hinintay ang magiging reaksiyon ni TJ. Tumakbo siya papasok sa loob ng bahay at tuloy-tuloy na umakyat ng hagdan. Wala na siyang rason para manatili pa doon. Kinuha niya ang bag at inempake ang kaunti niyang gamit habang hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha niya. Hindi niya gustong saktan si TJ pero sadya lang hindi tama ang pagkakataon para sa kanilang dalawa. Nang pababa na siya ng hagdan ay nakita niya itong nakatayo sa paanan pero nakatalikod ang pigura nito sa kanya. Paulit-ulit na pinipiga ang puso niya sa katotohanang sa isang iglap ay naglaho na ang lahat sa kanila. Huminto muna siya nang tuluyang makababa at ilang sandaling tiningnan ang likod ni TJ. Kahapon lang masaya sila pero ngayon, kailangan na nilang maghiwalay. Hindi pala sapat na nagmamahalan ang dalawang tao para magsama habang-buhay. “I'm very sorry, TJ. Alam mong ayaw kitang saktan. Sana mapatawad mo 'ko balang araw.” “SHERIN?” Gayon na lamang ang pagguhit ng concern sa mukha ni Celeste nang pumasok ito sa silid niya at madatnan siyang nasa sahig at nakasandal sa gilid ng kanyang kama habang yakap-yakap ang mga tuhod. Simula nang dumating siya ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. “W-what happened to you? You look miserable!” Inalalayan siya nitong maupo sa gilid ng kama at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. “Lola...Lola, nagsinungaling ako sa inyo. Hindi ko lang basta kaibigan si TJ. Mahal ko siya, Lola. And he asked me to marry him.” Nalalasahan na niya ang mga luha niya. Mapait iyon pero tiyak niyang hindi iyon tinatapatan ng pait na nararamdaman niya. “What happened?” “I turned him down.” Pumiksi siya mula sa hawak ni Celeste at sumubsob sa mga palad niya habang yumuyugyog ang kanyang mga balikat.“Sinaktan ko siya, Lola. Alam kong mahal niya 'ko pero sinaktan ko siya.” “Kung mahal ninyo ang isa't-isa, bakit hindi ka pumayag?” “K-kasi alam kong kapag inuna ko ang sarili kong kaligayahan, mawawala sa atin ang lahat. Mahal ko si TJ pero mahal ko rin kayo. Ayokong mapunta sa wala ang pinaghirapan niyo ni Dad, Lola.” “Pero, Sherin...” Kinabig siya ni Celeste at ikinulong sa mga bisig nito.“Hindi na mahalaga ang kayamanan natin kung hindi ka rin naman magiging masaya. Maiintindihan ko naman kung gusto mong umatras sa kasal niyo ni Aurelio kung si TJ naman ang makakapagpasaya sa 'yo.” Halata sa boses nito na nahihirapan rin ang Lola niya sa pinagdadaanan niya. “Pero ayoko pong maging makasarili, Lola. Pamilya natin ang nakasalalay dito. Sa tingin ko, ito lang ang magagawa ko para makatulong sa pamilyang 'to.” “Sherin, apo...” “Ang kompanya na lang po ang tanging naiwan sa atin ni Dad, Lola. Alam kong ayaw niyong mawala 'yon sa 'tin.” “Pero pa'no ka?” “Kaya ko po ang sarili ko, Lola.” “Ito lang ang pakatatandaan mo, apo. Wala kaming hinangad na hindi makakabuti sa 'yo. Lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita at ang gusto ko, palagi kang makitang masaya. Tandaan mo 'yan, ha? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal. Ikaw ang totoo naming kayamanan.” Yumakap siya rito at lalong humagulgol. “Mahal na mahal din kita, Lola. Kahit ano gagawin ko para sa 'yo, para sa pamilyang 'to.” IYON na rin ang huling pagkakataon na nakita niya si TJ. Pagkatapos niyang umalis ng club house ay wala na siyang narinig na anuman mula dito. Hindi na siya nagtataka kung ayaw na siya nitong makita at maugnay pa sa kanya matapos ng ginawa niya. Pero nasasaktan pa rin siya. Sa tingin niya ay mahihirapan siyang makapagmove on sa nangyaring iyon sa kanila. Ilang araw na nagkulong siya sa silid niya at wala nang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak. She suddenly forgot na may buhay pa siya sa labas ng silid niya at may coffee shop siyang kailangang i-monitor. Hindi kaya sobra-sobra nang pagsubok iyon sa kanya? She already lost her father, lost everything they own and now she'd just lost the man who made her feel special and happy when she was so down. “HOW was she?” Kakabalik lang ni TJ sa sarili niyang opisina matapos ng meeting niya sa board nang makatanggap siya ng tawag mula kay Detective SC Samaniego. Isa ito sa mga katrabaho ng pinsan niyang si Jervey sa agency nito at inatasan niya ito para sa isang personal na motibo. “Negative, TJ. Ilang araw na siyang hindi nagre-report sa coffee shop at ayon sa mga kasambahay nila, hindi umaalis ng mansiyon nila ang subject.” He was referring to Sherin. Kahit hindi na sila nakapag-usap matapos nitong tanggihan ang proposal niya, hindi niya pwedeng ikaila sa sarili niya na nag-aalala pa rin siya rito. “Do you think she's fine?” tanong niya rito sa pormal pa rin na tono. “In some aspects, yes. At tsaka ayon sa mga kasambahay nila, hindi lang siya sa mansiyon nila hindi umaalis, maging sa silid niya.” Kung sa paanong paraan ito nalaman ng detective ay hindi na niya binalak alamin pa. Pero si Sherin hindi raw umaalis sa mansiyon ng mga ito. Bakit naman kaya? Dahil nasasaktan ito sa ginawa nito sa kanya? Nakuyom niya ang kamao. Hindi ba't siya ang sinaktan nito dahil sa pagtanggi nitong alok niya ng kasal? But still, nag-aalala pa rin siya rito. He cleared his throat.“Thanks, SC. Tawagan mo na lang uli ako sakaling may bago ka nang balita sa kanya.” “Got it.” Then he put down his phone. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang assistant niyang si Patricia dala ang iniutos niya. “Here's your lunch, Sir,” anito sabay lapag ng paperbag sa mesa niya. “Thanks, Patty. By the way, nakakuha ka na ba ng response mula sa may-ari ng Falcon Corporation?” “Ay, tungkol nga pala do'n, Sir. I think we are looking forward for a positive result. In fact, nakausap ko na si Attorney Dominguez at tinatanong niya kung kailan ka niya makakausap nang personal.” “Thank you, Patty. Tell him he can come here anytime this afternoon.” “Copy, Sir.” NAPAPISIK si Sherin nang may kumatok mula sa labas ng silid niya. Pangatlong araw na niya ng pagkukulong sa silid niya at wala siyang ibang ginawa kundi ang magmukmok at titigan ang picture frame nilang pamilya. Gaya na lang nang mga sandaling iyon. “Lola, kayo ba 'yan?” tanong niya. “Si Esther po ito, Señorita. Nandito po si Attorney, gustong makausap ang Lola niyo.” “Sandali lang, Yaya.” Tumayo siya ng kama at ipinusod ang buhok niya dahil ilang araw na rin siyang hindi nagsusuklay. Kahit man lang papaano ay magmukha siyang presentable kahit na namumugto pa ang mga mata niya. Lumabas siya ng silid niya at nakita niya ang mayordoma at ang abogado. “Attorney Dominguez.” “Magandang araw, hija. Pumunta na 'ko dito dahil dapat ay magkikita kami ngayong araw ng Lola mo. Ilang beses ko siyang tinawagan pero nagri-ring lang ang telepono niyo. May pinagkakaabalahan ba ngayon ang Lola mo?” “Wala naman po. Ang pagkakaalam ko nasa study lang niya siya. Hindi niya nabanggit na may usapan pala kayo.” Pinuntahan pa nga siya nito sa silid niya para kamustahin ang kalagayan niya. Tinungo niya ang katabing pinto at kumatok. “Lola?” Pero walang sumagot. Sinubukan uli niya pero wala pa ring sumagot. Nang pihitin niya ang door knob ay hindi naman pala naka-lock kaya naman pumasok na siya. Nakita niya ang Lola niya na nasa rocking chair nito habang nakaharap sa bintana. Marahil ay nakatulog ang Lola niya. Nang lapitan niya ito ay yakap-yakap pa nito ang isang family picture nila. “Si Lola talaga, o.” Umuklo siya sa tabi nito at bahagya itong niyugyog sa balikat. “Lola, nandito po si Attorney. Gusto po kayong makausap.” Pero hindi man lang nagising si Celeste. “Lola? Si Attorney po.” Inulit niya nang ilang beses ang pagyugyog at pagtawag dito pero walang nangyari. “Si Lola talaga, o.” Tumayo siya at iniangat ang kamay nito. Nang mahawakan niya ang pulso nito ay wala siyang maramdamang pagpitik. Doon na siya kinabahan. Kinuha niya ang isang kamay ni Celeste at ganoon din, walang pulso. “L-lola?” Inilapit niya ang tenga sa dibdib ni Celeste at wala siyang marinig na pintig ng puso. Mariin siyang napapikit. Bigla niyang nahiling na sana mamatay na rin siya. CARDIAC ARREST ang ikinamatay ng Lola niya. Dahil na rin sa edad nito ay tuluyan na itong bumigay sa karamdan at wala man lang siyang nagawa para rito. Hindi pa nga siya nakakabawi sa sakit na nararamdaman niya sa paghihiwalay nila ni TJ, heto't pati Lola niya iniwan na rin siya. Pakiramdam niya mag-isa na lang siya. Pakiramdam niya wala na siyang rason para mabuhay. Siguro kung nandoon lang si TJ sa tabi niya, marahil ay hindi magiging ganoon. Pero iba ang nangyari. Ngayong wala na ang Lola niya, ano pa ang rason niya para mabuhay? Nang mamatay ang Dad niya noong nakaraang buwan lang, pinilit niyang magpakatatag dahil nasa tabi pa niya ang Lola niya. Ngayong wala na ito, paano na siya ngayon? “Señorita?” Tumabi sa kanya si Esther sa pinakaunahang upuan ng chapel. Kanina pa siya nakaupo lang doon habang nakatulala at yakap-yakap ang litrato ni Celeste. Iyon ang pangatlong araw ng lamay ng Lola niya at pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamalungkot na tatlong araw ng buhay niya. “A-ano 'yon, Yaya?” tanong niya sa paos na boses. “Ibinalita lang ni Attorney na ikinansela muna ang pagbebenta sa kompanya hanggang sa malibing ang Lola mo.” “G-ganun ba? Sige, salamat, Yaya.” “Ikukuha ko lang po kayo ng pagkain niyo, Señorita.” Nang umalis si Esther ay siya namang paglapit ni Aurelio sa tabi niya. “My condolences, Sherin.” “Salamat,” tipid niyang sabi at hindi man lang nag-abalang tapunan ito ng tingin. “I know how it feels to lose someone na kasing importante ng Lola mo. Don't worry, kapag kasal na tayo, ako na ang mag-aalaga sa 'yo.” Parang gustong bumaliktad ng sikmura niya dahil sa pinagsasasabi nito pero nanatili siyang pormal. Nang wala itong nakuhang tugon mula sa kanya ay nagsalita muli ito. “Wala ka bang ibang kailangan? Magsabi ka lang.” “Pwede bang iwan mo muna 'ko? Gusto kong mag-isa,” sabi niya. “Okay, if that's what you want.” Mabuti na lang at hindi naman ito nagdalawang-isip. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong- hininga at pagkuwa'y hinayaan na namang umagos ang masaganang luha mula sa mga mata niya. Hirap pa rin siyang tanggapin na wala na ang Lola niya. Paulit-ulit pa rin niyang tinatanong ang sarili kung papaano na siya kapag nailibing na ang Lola niya? Paano ngayon niya sisimulang muli ang buhay niya? “HALIKA na, Jervey, umalis na tayo.” Nang akmang tatalikod na si TJ ay maagap itong pinigilan ni Jervey sa braso. “Ano'ng aalis? Hindi mo man lang ba lalapitan si Sherin?” “Bakit pa? Wala na 'ko sa buhay niya.” Siyempre, isa lang iyong kasinungalingan. Ang totoo, kaya niya gustong umalis na roon sa lamay ay hindi na niya kayang makita ang pagkamiserable ng dalaga habang nakikita niya ito mula sa isang sulok ng chapel. Ang totoo kanina pa niya gustong lapitan at durugin sa mga yakap niya ang dalaga para maibsan man lang ang lungkot na nararamdaman nito. O hindi naman kaya ay malipat na lang sa kanya ang lahat ng sakit na nagpapahirap dito. Pinipigilan lang niya ang sarili dahil kahit ng mga sandaling iyon ay sariwa pa sa kanya ang pagtanggi nitong pakasalan siya. Such pride of his. “Ako na nga lang ang lalapit,” ani Jervey at naglakad papunta sa direksiyon ni Sherin. “HEY.” Napakurap si Sherin nang umupo sa tabi niya si Jervey. Hindi gaya niya na nakaitim, naka-all white naman ito, making him looked like an angel without wings. Isa lang ang agad na pumasok sa isip pagkakita rito--kung hindi ba nito kasama si TJ. Dahil doon ay nadagdagan ang kirot sa puso niya. “H-hey,” tugon naman niya. “You okay?” “'Yong totoo? Gusto ko na ring mamatay.” “Don't say that. I'm sorry about your Lola. Alam ko ang pakiramdam kasi naranasan ko rin 'yan. My Granny is such a spoiler, you know. Kapag may gusto ako, sa kanya agad ako lumalapit at hindi kay Mama. I actually missed my Granny Fely most of the time.” Napatitig naman siya sa hawak niyang litrato. Celeste was a lot younger in the picture at walang kasing tamis ang ngiti nito. “Pinapalungkot mo naman ako, eh.” “I was just trying to say na kung gusto mo ng yakap, bigyan kitang libre. C'mon, don't be shy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD