Trending daw ang wedding proposal sa akin ni Zakarias sabi ni Lavinia. Marami pala ang kumuha ng video at na-i-upload sa kani-kanilang social media account. “Grabe, ante! Hindi ko akalain na aabot ng libo-libong views ang video ni Ankol!” bulalas ng pamangkin ko. “Hindi ana ako magtataka kung isang araw ay may mga taga tv station na magpupunta dito sa atin at hahanapin kayo ni Kuya Zakarias. Naku! Ate, kaliwa't-kanan ang interview niyo kapag nagkataon!” segunda din naman ni Judy. “Ang daming kinilig, ante! Marami ang nanghinayang na bakit hindi ka raw sumagot ng yes. Marami rin ang mga basher, ante,” ani Lavinia na siyang pasimuno ng pagkuha ng video sa aming dalawa ni Zakarias. “Alam niyo naman na napakagulo bg social media pero nag u-upload pa rin kayo ng kung anu-ano. Natural lang

