Pauwi na ako ng bahay galing sa pagtitinda ng maabutan kong nagsasara na rin ng kanyang talyer si Zakarias. Napakadumi ng pantalon niya na punong-puno ng grasa gayundin ang damit niya. Kung tutuusin ay wala rin sa mukha ni Zakarias ang edad niya. Parang nasa twenties pa rin dahil wala rin naman siyang dapat ikatanda ng itsura. Kung binayaran niya lang ang babaeng kasama niya sa baguio ay wlala ba talaga siyang girlfriend? Kasi kung meron naman siyang kasintahan ay malamang na hindi niya na kailangan pa na magsayanh ng pera para lang ipamukha sa akin na masaya siya sa lovelife niya. Bakit ba sa tagal na rin ng panahon ay hindi ko na siya magawa pang ituring o pakisamahan kung paano ko siya pakisamahan ng katulad ng dati? Siguro dahil mga masyado akong nasaktan? Masakit naman talaga

