Kabanata 1-Jake and Rachel Meeting
JAKE POV.
Jake Mahal ko… Jake Mahal ko… Tulong!” Tinig ng isang babae na parang hirap na hirap ng mabuhay.
“Rebecca… Bakit iniwan mo ako!” Habol niyang hininga habang binibigkas niya ito. Naputol lang ang kan'yang panaginip ng may narinig siyang malakas na alarm clock sa tainga niya. Katabi niya kasi ang alarm. Nakapatong 'yon sa kabinet. Pinatay niya iyon sabay na Napapunas siya sa talukap ng kan'yang mga mata. Tapos nga ay nagising na ang diwa niya.
"Hindi pala totoo ang lahat." Nanghihinayang niyang sabi. Nagpunas siya ng pawis sa mukha upang tuyuin ito. Basang-basa kasi s'ya sa pawis. Lagi kasing kumakatok sa panaginip niya ang kasintahan na namatay sa isang car accident. At humihingi ito ng tulong sa kan'ya.
Namatay ang dati niyang Fiancee. Dahil sa isang aksidente. At mula ng maaksidente ito ay palagi nalang siyang dinadalaw ng bangungot. Si Rebecca, na katuwang niya sa kan'yang kumpanya upang pasikatin ang produkto niya. Ang Golden soap. Sa mahabang panahon na ginugol niya kasama ang kasintahan niya ay mas lalong lumago ang kan'yang business.
Nakilala dito sa lugar ng Manila sa Taguig ang kan'yang products, kaya mas lalong tinangkilik iyon ng mga tao. Lumipas ang linggo ay nabalitaan niya na nasawi ang fiancee niya. Labis siyang nanlumo sa nalaman sa news.
"Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko!" Labis niyang pagsisisi.
Lumipas man ang taon ay paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili. Kung hindi dahil sa kan'ya na hanggang ngayon sana 'y buhay pa ang Fiancee niya.
Hindi na rin niya naalis ang pagkakabaero niya. Kaya naiínis siya sa sarili niya kapag naaalala niya ang nakaraan. Kasi siya ang dahilan ng pagkamatay ni Rebecca. Nahuli kasi siya ng kasintahan niya na may kahalikan sa motel na kan'yang ni-rent. At sa problemang ito ang dahilan kung bakit ito nabangga . Napatigil si Jake, sa pag-iisip nang may kumatok mula sa pinto.
“Senyorito Jake. Gising na kayo. Naghihintay sa ibaba sila Madam at Don. Nandoon raw kasi ang Fiance mo, Senyorito," Pakiusap ni Yaya Carmen.
“What?!” Takang tanong niya. Hindi niya napigil ang sarili na tumaas ang tono.
“Who’s is she? Wala akong Fiancee, Yaya. Hindi ako magpapakita! Pagod ako ngayon, puyat pa!" Madiin niyang boses.
“Senyorito, sasabihin ko,” tugon ni Yaya.
Mabilis na bumaba si Yaya patungo sa kinaroroonan ng panauhin. Nang malaman ng mga Magulang ni Jake, ang lahat ay na nagreaksyon ito.
“What! He need on his Fiancee. She is still waiting for now. Sabihin mo kay Senyorito Jake mo na kapag hindi s'ya nagpakita dito ay magdedesisyon kaagad akong magpakasal na silang dalawa!” Mataas na tinig ni Madam. Nagulat ang babaeng nakaupo lamang sa sofa ng tahimik. Nakita ni Madam na nangangatog sa takot ang kamay ng dalaga kaya pinakalma nito ang dalaga.
“Masusunod Madam, Rhodora.” takot na tugon ng Yaya, Carmen. Patakbong tinungo nito ang silid niya.
Kumatok ulit si Yaya Carmen sa kwarto niya. Pinilit siya nang pinilit. Kaya subrang sama ng loob niya. Sa inis niya ay pinilit niyang tumayo sa kama at agad na pinagbukasan ng pinto si Yaya. Nang makita niya ang itsura ni Yaya Carmen, ay naawa siya. Naisip niya na baka masisante kasi ito sa trabaho, kaya sumunod na lang s'ya.
“Okay. Magbibihis muna ako Yaya,” tugon niya. Nakatapis lang siya ng tuwalya na ang kan'yang panbaba lamang ang nakataklob. Nakahubad ang malama-cho niyang abs sa tiyan.
“Senyorito, maraming salamat! Sumunod ka sa 'kin. Baka kasi masisante ako.” Pasalamat ni Yaya. Sumigaw ito sa saya at kasabay nang pagtalikod nito sa kan'ya.
Pumunta si Jake sa sala at umupo siya katabi ng dalaga. Mala-dyosa ang kutis ng balat ng babae at maganda. Per__
Habang kasi na tinitingnan niya ang babae ay namumukhaan niya ito. Naaalala niya 'yong babaeng nakaaway niya sa palengke kaya nakapagreaksyon siya. Napakunot ang noo niya at sabay tumayo. Nakakasiguro siya na 'yun ang babaeng matapang sa palengke.
.“Ikaw!...Ba-kit?” Hindi siya makapaniwala sa tanong niya sa babae. Namilog ang singkit niyang mga mata.
Natahimik ang lahat.
“ Mom and Dad! Ano 'to?! . Ayoko sa kan'ya. Masyado siyang matapang. At gusto nyo ba na magkaroon ako ng kasintahan with asawa na tulad niya! Baka mabali naman ang buto ko d'yan!" Panlalait niya sa babae sabay lingon sa babae.
“Excuse me po Sir and Madam. Pasen’ya na po sa gagawin ko ho…”
Nagulat ang lahat sa ginawang pananampal ng babae sa kanya.
“Senyorito Yabang kung wala lang akong utang na loob sa Mommy at Daddy mo ay hindi ko nais na magpakasal sayo. Yuck! Matanda ka na." Singhal na tugon ng babae sa kan'ya.
Napanganga si Madam at Don sa ginawa ng babae. Pero alam ni madam na masasampal talaga ang anak nila ng babae. Ang Plano ni Madam at Don na magkaroon na ang nag-iisang anak nito ng sariling pamilya, na bago sila pumanaw ay para atang masasayang pa. Nag-isip si Madam ng paraan para mawala ang tensyon ng dalawa.
"Ija. Sorry talaga,"
"Son naman! Pakitaan mo si Rachel ng mabuti. Ako ang may plano ng lahat na maging Fiancee mo siya. Sorry sa desisyon k-oh. Desperado lang ak-o!" Paliwanag nito.
Napailing-iling siya sa kan'yang mga magulang. Desidido talaga si Madam na maikasal sila ni Jake at Rachel at para mabiyayaan na ang Guererra ng apo.
"Anak. You are my only one Son. But it's time to have you a person we should be as your part of your life. Para sa Mommy mo ay kapanan mo lang ang iniisip niya." Paliwanag ni Don, Marco. Mabait naman ito pero kapag ang taong mabait ay inabuso ay masama naman kung magalit.
Pinaupo s'ya ni Don kasi ay nakatayo pa rin s'ya na para bang ayaw niyang humarap sa mga magulang niya.
"Sya ang anak ng katulong natin dito, Son."
Ayaw ni Jake tumingin kay Rachel dahil sa naaasiwa s'ya sa pagmumukha nito.
"Fine. Hindi ko s'yang gustong makilala!" Pambabara niya sa kan'yang magulang.
"Jake! Bastos ka! Wala akong Anak na katulad mo." Usal ni Don, Marco. Halos magtaas na Ito ng boses sa kanya at biglang inambaan siya nito. Nagalit siya kaya umalis siyang may sama ng loob.
Pinagpasyahan ni Madam na ay ihatid ai Rachel sa hospital at bukas ulit.
Inis na binuksan ni Jake ang Cabinet dahil sa muli siyang tumingin sa litarato ng kan'yang Fiancee. Bahagyang napalingon siya sa salamin at tiningnan niya ang balbas niyang humahaba na naman. Pagkatapos niyang magbihis ay nag-ahit siya ng kan’yang bigote at nasugatan tuloy siya dahil may inis ang puso niya. Nakakuyom pa ang mga kamao niya na mukhang gustong manakit. Sumagi kasi sa isip niya ang babaeng dinala rito sa mansyon ng parents niya. Gusto pa ng kan'yang mga magulang na ang babaeng iyon ay maging kan'yang sekretarya. Habang kasi naglalakad siya kanina ay narinig niya iyon mula sa labi ng mom niya. Statwa tuloy siyang nag-iisip sa kawalan. Minabuti niyang wag munang lumabas ng kwarto niya.
Ang ayaw niya ay pinapakeelaman siya sa mga gusto niyang mangyari para sa kan'yang sarili. Pero sadyang makulit ang mga parents niya kaya wala s'yang magawa. "Kainis!"