Kabanata 3- Jake ' Secretary

1392 Words
Nalaman ni Madam ang naging pagtatalo ni Rachel at Jake. Nagtanong kasi 'to sa assistant ni Harold kaya katakot-takot na sermon ang inabot ni Jake. Halos magtaas ito ng boses sa kan'ya. Napakatinis pa naman ng boses, kaya sa lahat ng makakarinig ay maaring mabingi. Kararating lang niya galing sa trabaho, tapos ganito ang ibubungad sa kan'ya. Naiirita siya kaya napagtaas niya ang boses ang mom niya. "Son?! Ano ba naman ang ginawa mo ang tigas ng ulo mo?! Hindi ka ba talagà makikinig sa 'kin? May mali ba ako sa ginawa ko? Para sa 'yo to Anak," maiyak-iyak na sabi ni Madam. "Yes Mom, Meron!" Bulyaw niya. Nanlaki ang singkit niyang mga mata. "Masaya ka na, Mom? Oo hindi ko kayo sinunod sa gusto mong mangyari. Pwede ba Mom, pahingain nyo muna a-ko__oh!" Sigaw pa niya. "Anak, ang sakit, sakit! Ang sakit sa dibdib ko. Matapos kitang palakihin ay ganyan ang igaganti mo sa 'kin?!" Pagmamakaawa nito. Halos madurog ang puso ni madam. Para kasi sa magulang ay masakit talaga ang pagsalitaan sila ng anak ng mga salitang tagos sa puso. Kasiyahan na para sa kanila ang maging mabuti ang mga anak at makitang magandang ang kinabukasan ng mga anak. 'yan lang ang dahilan kung bakit si Madam nagnanais na magkaroon ng asawa at anak si Jake. Kasi may dahilan ang lahat ng plano ni Madam na bago sila 'y pumanaw ay masilayan nilang mag-asawa ang anak ng kanilang nag-iisang anak. Pero para kay Jake ay mahirap itong intindihin. Sila lamang mag-ina sa mansion. Nasa Hacienda Farm ang kan'yang Dad at abala 'yon rin sa pagpapalago ng hayupan. "Son! Huhuhuhuhu!" Abungal ni Madam. "Sorr_?!" Napapikit si Jake at muling dumilat. Nakita niyang namumugto ang mga mata ng mom niya sa kaiiyak. Mabilis pulahin ang palibot ng mata ni Madam. Pinatahan ni Jake ang kan'yang mom para mas maintindihan nila ang isat-isa. Hinihingi niyang maupo silang dalawa sa kan'yang higaan para makapag-usap. Matapos ng maintindihan ni Jake ang parents niya ay agad niyang tinawagan si Harold para hanapin ang hospital na sinabi ng mom niya. Pupuntahan niya ito at dahil para makahingi siya ng paumanhin. Nagdecide na kasi siya na sundin ang magulang niya. At kailangan na ipakita niya sa babae na totoo ang paghihingi niya ng sorry. Natuwa si Madam sa narinig na salita sa anak, kaya ngumiti 'to sa kan'ya. "Thank you, Son." Sabay yakap nito at masayang nagtungo 'yon sa silid nito. Nainip na si Jake at hindi s'ya mapakali kung ano na ang updates ni Harold kaya paikot-ikot lang siya sa kan'yang silid. Naalarma siya sa pagkakatayo dahil sa tumunog ang cellphone n'ya. "Oh, Ano na? Bungad niyang tanong. "Eh, Sir. Malapit lang pala dito sa office nyo ang hospital. Mga 2 hours byahe bago kayo makadating dito. Nasa tapat ako ng main hospital ng Taguig," aniya nito. Ngumiti siya ng maliit. Makakaganti na rin ako. Pero umiling siya kasi nàgsalita 'yong anghel sa kabila niyang tenga. "'H'wag!" Sa kabilang tenga naman. "Go Lang!" Mabilis siyang umalis para puntahan si Rachel sa hospital. Dumating s'ya pasadong alas-dyes ng Umaga. May meeting sana s'ya ngayon kaso si assistant Harold na ang bahala sa meeting. Naturaan naman niya 'yon dati sa mga tips kung paano magiging confident na leader balang araw. Binilisan ni Jake ang takbo ng maneho hanggang sa narating niya ang hospital. Ang init na ng panahon. Nakita niya si Harold kaya mabilis silang naglakad papuntang silid ng ina ng dalaga. "Nakakainis! pero ngayon kakainin ko muna ang Pride ko!" bulong niya habang patungo sa room ng pasyente. Pagtapat nila sa pinto ay sabay binubuksan niya 'yon. "Hoy! Bakit ka nandito?" Napatayong tanong ni Rachel sa kan'ya. "Ms. Rachel__" "Bakit nga Sir? Anong nakain mo? Nag-iba ata mg direksyon ang utak mo Sir Jake_?" Pang-iinsulto ng dalaga. "Napakunot ang noo ni Jake sa narinig. "Hindi ako pumunta dito para lang makipagtalo__pumun_" Naputol ang sasabihan niya ng magising ang parents ni Rachel. "Ahh eh, Teka lang, Sir__ !" Tarantang sagot niya. "Hello Mama," aniya niya. Nagulat si Rachel sa sinabi ni Jake sa kan'yang ina. "Ijo, sino ka na__man. Boyfriend ka ba ng Anak ko?" Mautal-utal na tanong ni Nanay Griselda. "Nay__ hindi ho. Siya ang magiging boss ko_!" Nakangiti nitong sabi sabay kindat kay Jake. "Parang ganun na nga, Nay," Nakangusong ngisi ni Jake. Senesenyasan siya ng dalaga. Mistulang nakatayo lang si Jake. Naiiling sa inaasta ni Rachel. "Harold, mauna ka na... Ikaw na ang bahala sa mga Business Coordinator ko. Mga VIP members na sila kaya galingan mong hikayatin sila para mag-shares pa ng kanilang interest?" bulong ni Jake. Umalis si Harold kaya naman ay naiwan silang lima. Mga kapatid ata ni Rachel ang kasama nito. " Kuya pasalubong naman d'yan?" Sabi ni Mica. "Hoy! Bata ka. Manahimik nga kayo?" Pagsita ni Rachel sa kapatid. "Ate... Boyfriend mo naman pala siya eh," Singit pa ni Laila. "Hindi nga! Oh bumili na lang kayo sa tindahan sa labas. At maupo muna kayo doon sa labas ng silid ni Nanay." Pagsusungit ni Rachel. Palihim na tumatawa si Jake. " May nakakatawa ba, Sir?" tanong ni Rachel. Hindi si Jake umimik pa. "Please come in," pagyaya niya sa dalaga. Pumayag naman si Rachel sa gusto ni Jake at halata naman sa binata na dapat private lang ang kanilang usapan. Nagpaalam muna si Rachel bago lumabas. Nag-usap sila tungkol sa nabanggit ng mom niya sa dalaga sa kasunduan sa kasal at maging sekretarya niya. Sinabi niya na napilitan lang siyang pumuta rito ng dahil sa kagustuhan ng parents niya. " Sorry pala," Seryosong mga mata at sabi ni Jake. "Huh? Totoo ba 'yan? Totoo ba talaga ang narinig ko. Ang mortal kong kaaway na nagnakaw ng halik sa labi ko ay naging mala-anghel ang tinig?!" sabad nito. Naiínis na si Jake pero pinipilit niyang pigilan ang kan'yang sarili, na kung baka hindi siya makapagpigil ay hahalikan niya muli ito. Tahimik kasi ang dalaga sa gagawin niya. Pero kailangan niyang baguhin ang naiisip niya ngayon. Kailangan niyang makuha ang loob ni Rachel. "Okay__ sige, Sir. Kahit naman hindi kayo magmakaawa ay babalik talaga ako sa mansyon hindi ko sisirain ang kasunduan namin ni Madam." "Kasunduan pero hindi pwedeng pangmatagalan. Kung makasal man tayo ay hindi tayong dalawa na magsisiping. Hindi tayo gagawa ng bagay na makakapukaw ng isat-isa. Isa pa 'y hindi kita gusto para sa magiging anak ko. I most like a woman na Maganda, seksi, at mabait." Pag-papaalala niya. "Oo alam ko," tugon ni Rachel. "May gagawin ako mamaya na listahan ng mga bawal natin gawing dalawa. Kapag kaharap si Mom at Dad ay okay tayo. Pero kapag wala na sila ay kanya-kanya ng ruta huh?" " Oo nga. Basta 'yong maging Sekretarya mo ay tatanggapin ko. Kahit ayoko at labag sa loob kong gawin ito pero hindi ko maaaring sirain. Nagtiwala sa 'kin ang Mommy mo." Naging palagay na ang lóob ni Jake. Mukhang umepekto ang pagiging mabait niya ngayon. Alam niya na magiging maayos lang ang mommy niya kung makukumbinsi niyang maging Sekretarya ito. ________________ ON JAKE, OFFICE "Sir, ayan na... Deal na tayo, maganda ang pirma ko d'yan ! Basta sana 'y maging maayos ang lahat. Sana 'y pasahuran mo 'ko ng Tama?" tanong ni Rachel. Naging prangka na ang dalaga dahil sa pareho naman silang makikinabang sa isat-isa. "Oo, I'm agree," "Pero ang kahilingan ni Madam ay magkaanak tayo pagkatapos ng kasal?" "Hindi! Ayoko." "Pero___" "Ako na ang bahala makunbinsi sila Mom At Dad. Basta ayoko. Ayoko! " Supladong tinig niya. Idinabog nito ang ballpen hawak niya sa lamesa. "Ayy. Tilapia!" usal ni Rachel dahil sa pagkagulat nito. Nilapag kasi ni Jake ang mga nilista niya na "Go or No" Ang Go ay gagawin nila. Ang No naman ay hindi nila dapat gagawin. "Tilapia__? Bakit?" tanong ni Jake. "Wa-la," namumulang tugon ni Rachel. "Hanggang ngàyon ba naman isda pa rin ang nasa isip mo?" dugtong nito. "Sige aalis na 'ko. H'wag sanang malaman ni Nanay ang tungkol sa kasal... Kasi baka magtampo 'yon sa 'kin. Sinabihan niya kasi ako na ang lalaking papakasalan ko ay dapat mahal ako. Tulad ni Tatay ko, mahal na mahal si Nanay." Hindi ni Rachel mapigilan ang sarili na maging emosyonal. Naikwento tuloy ng dalaga ang tungkol sa namayapang tatay nito. Malungkot na umalis si Rachel at naiwan naman si Jake sa office. Bukas ang umpisa ni Rachel bilang kan'yang Sekretarya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD