“Pasens’ya ka na sa mga kaibigan ko, ha? Gano’n lang talaga ang mga ‘yon.” Sinsinok-sinok pa si Lance habang sinasabi ang mga katagang iyon kay Beverly na inaalalayan siyang maglakad. Gumegewang-gewang pa ito kanina nang magpaalam sa mga kaibigan. Hindi naman siya p’wedeng pabayaan ni Beverly dahil halos hindi na ito makalakad nang tuwid habang sila ay naglalakad. Medyo madilim na rin nang matapos ang inuman nilang magbabarkada kaya halos matapilok ang dalawa sa paglalakad sa napakadilim at napakakipot na daan. Nasa rooftop lang naman ng apartment building ang tambayan ng mga magbabarkada kaya naman hindi gaanong nahirapan si Beverly na samahan si Lance. Nagiging balakid lang talaga ang mga nakaharang sa daan na gamit ng iba pang nangungupahan sa nasabing apartment. “Lance, ang bigat mo,

