Hindi ngayon malaman ni Lance kung paano siya magsisimula muli na wala na si Beverly sa tabi niya. Mulat ang mga matang nakahiga sa kama. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ng dalaga at kahit saan siya tumingin ay mukha ng babaeng pinakamamahal ang kanyang nakikita. Bakit ba nangyayari sa kaniya ang bagay iyon? Hindi niya akalaing ang babaeng nagbigay sa kaniya ng sakit ng ulo ay siya ring nagbibigay sa kaniya ngayon ng pagkabalisa. Huling naramdaman niya ang bagay na iyon ay noong nabubuhay pa si Andrea. Ngayon ay muli na naman niyang nararanasan. Ang hirap pala. Iyon na naman ang litanya niya sa isipan. Nasasaktan na rin ang binata. Paulit-ulit na lang kasi ang ganoong eksena sa buhay niya. Sa gitna ng kaniyang pagmumuni-muni ay nakarinig siya ng pamilyar na boses sa labas. “Lance,

