All of a sudden, Beverly found herself fooled again. Paulit-ulit na lang. Lahat na lang ng mga taong nakapaligid sa kaniya ay gusto lang siyang paikutin at kontrolin hanggang sa makuha ang gusto. Bubuuin na naman niya ang sarili niya. Bubuuin na naman pagkatapos durugin ng mga taong ang tangi niya lang gawin ay mahalin sila. She just opened her eyes the day after she found out that the guy that she loves planned everything to make her life miserable again. Nakahiga pa rin siya sa kama pero hindi kumikibo. Ayaw niyang igalaw ang kahit anong parte ng katawan niya. Para saan pa kung babangon siya mula sa napakalambot na kama? Unti-unting nanikip ang kaniyang dibdib nang sa pagmulat ay muling sumagi sa kaniyang isipan ang mga nangyari kahapon. Ni hindi man lang siya tiningnan ni Lance sa mga

