“Daddy…” Hindi makapaniwala si Beverly sa nakita niya. Buong akala niya ay mamamasyal lang sila ni Lance noong umaga ring iyon. Hindi niya inakalang makikita niya si Bernard sa lugar na iyon kaya napaisip siya sa mga nangyayari. Bakit parang planado ang lahat? “Anak…” Maluha-luhang lumapit ang anak sa dalaga at yumakap nang napakahigpit. Subalit blangko ang mukha ni Beverly. Wala pa rin siyang ideya kung paano natuklasan ng ama na naroroon siya. Ni hindi nga siya nagbigay ng sagot sa napakahigpit na yakap ng ama sa pagkagulat. “B-Bakit ka nandito?” tanong niya nang mapakawalan siya ng ama. “Ano’ng ibig sabihin nito?” dagdag pa niya. Maraming naging tanong sa kaniyang isipan. Subalit hindi niya iyon masagot dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari noong mga oras ding iyon. Lumin

