“Are you sure about this?” may pagdadalawang-isip na tanong ni Beverly sa binata. Paano ba naman, napakaikli ng paldang suot niya at hapit na hapit ang blouse na ipinahiram sa kaniya ng kaibigan ni Lance. Sino ba namang hindi maaasiwa sa ganoong hitsura? Natatawa na lang ang binata habang pinagmamasdan ang kaharap. “Bakit? Bagay naman, ah?” pagbibiro nito. Tumalim ang tingin ng dalaga sa kaniya. “A, talaga ba?” may pag-irap na sambit ng dalaga sabay talikod at naglakad papalayo. Hindi sinasadyang magawi ang mga mata ni Lance sa hita ng dalaga. Napatikhim siya at mabilis na ibinaling sa ibang lugar ang paningin. Tila nag-init ang kaniyang mukhan nang mapagmasdan ang malaporselanang kutis ng dalaga sa suot nito. Noon lang kasi niya napagmasdang ang ibabang parte ng dalaga. Hindi naman ni

