“Beverly?” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga nang mapagtanto kung sino ang dumating at lumapit sa kinaroroonan nila ni Lance. Tila napako sa kaniyang kinauupuan ang dalaga nang lingunin niya at makita ang dalawa niyang kaibigan — sina Leticia at Hailey. “G-Girls?” Nanginginig na tumayo ang dalaga na hinarap ang dalawa. Maging ang mga ito ay gulat na gulat din sa nakikita. Hindi kasi nila akalaing magkikita-kita ulit silang tatlo matapos ang nangyari. “Oh my God! You’re safe!” Isang mahigpit na yakap kaagad ang ibinigay ni Hailey sa kaibigan. Abot-langit ang pag-aalala ng dalawa sa kaniya. “Thank God, you are safe!” ulit pa nito. “S-Si daddy, kumusta?” unang tanong kaagad ni Beverly nang magbitaw sa pagkakayakap ang dalawa. Kanina pa kasi niya iniisip ang kalagayan ng ama

