“Paano kung ligawan ka ni Luke? Papayag ka ba?” Sa naging tanong na iyon ni Lance kay Beverly ay sari-saring katanungan kaagad ang pumasok sa kaniyang isipan. Bakit naman bigla siyang naging concern kung liligawan siya ni Luke o hindi? “Bakit naman naitanong mo ‘yan?” baling nito sa binata habang nagsasampay. Abala pa rin ito sa ginagawa kaya hindi niya magawang matingnan nang diretso ang binata. “Kasi… kasi inaya ka niyang makipag-date sa kaniya. Posibleng ligawan ka nga niya,” paliwanag ni Lance. Lumapit ito sa dalaga at tinulungan siya sa ginagawa. Siya ngayon ang nag-abot ng mga damit na isasampay ni Beverly habang nakatungtong ito sa upuan. “Salamat,” wika ni Beverly habang inaabot niya ang mga damit na ibinibigay ni Lance sa kaniya para isampay. Muli siyang bumalik sa tanong ng

