"Is it true? T-that you marry my sister?" mausisang tanong ni Nejieh. Hindi pa rin niya tanggap si Pisces bilang kapatid ngunit sa ayaw at sa gusto niya ay half-sister niya ito. Kaya naman wala siyang magagawa kung hindi ay tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanang kapatid niya ito sa ama. Napatanga si Uly. At hindi niya alam ang isasagot sa tanong ni Nejieh. Hindi rin naman niya kailangang sagutin. At siya lang ang magde-desisyon kung sasabihin ba niya rito o hindi. Alam niyang nasasaktan si Nejieh ngayon. Siguradong nasasaktan ito ngayon. Pero kahit anong gawin naman ni Uly ay wala pa rin siyang feelings para rito. Hindi naman mapipilit ang puso. Hindi niya kayang pilitin ang sarili na magustuhan ang taong hindi naman gusto ng puso niya. Ngunit para naman matapos na ang pag-uusisa ni

