Nakamasid naman si Nejieh na nakatanaw sa kanila habang naglalakad na magkasiklop ang kanilang mga daliri na tila ba nasa isang mall lang ang mga ito at nagdi-date. Hindi naman na napansin ni Uly si Nejieh dahil sa laki ng mansiyon. Tanging si Nejieh lamang ang nakakita sa kanila habang naglalakad sila ni Pisces papunta sa study room ni Don Ronaldo. Nang makarating sa palikong hallway ay dumiretso sila sa isang malaking living room kung saan mayroon ang isang malaki at mataas na hagdan. At sa may gitna ng living room na ito ay naroon ang malaking chandelier na laging naka-on ang ilaw kahit na maaga na at maliwanag naman. Nang akyatin nila ang hagdanan at lumakad sila sa paliko sa pasilyo ay saka nila narating ang study room. Alam ni Pisces na naroon ang kanyang ama katulad ng sabi ng kasa

