Nang makaalis na si Eloiza ay naiwan sina Uly at Pisces sa mesa. Muli na namang binalot ng katahimikan ang puwesto nila. Kahit pa maingay ang paligid nila dahil sa tugtog ay hindi nila ito naririnig. Tanging mga t***k ng puso lang nila ang naririnig nila. Lalo na ang t***k ng puso ni Pisces. Tila ba biglang humaba ang gabi na hindi nila alam kung ano ang pag-uusapan nila. "Thank you..." hinawakan ni Uly ang kamay ni Pisces na nakapatong sa may mesa. Walang salitang namutawi sa labi ng binata. Tanging ang mga mata lang nitong nangungusap na nakatitig sa kanya. "For what?" tanong naman ni Pisces sa binata na ikinalito ng dalaga. "Because you accepted my love. And you agreed to be my girlfriend." pasimple namang umarko ang kilay ni Pisces. "Did I?" maang niya sa sinabi ng binata. Hindi ni

