Nasa biyahe na sila nang buksan ng driver ang radyo ng saskayan na kumuha ng atensyon ni Nejieh. "News flash report. Nitong nakaraang araw lamang ay pumutok ang balita na ang biyonaryong fashion designer na si Marquese ay naaksidente habang patungo sa event na dadaluhan nito sa Maynila. At ngayon nga ay nakaburol ito sa mansion nito." dinig ni Nejieh na sabi ng report. Hindi niya ito pinansin dahil alam naman niya ang bagay na ito. Ngunit isang kahindik-hindik na balita ang kasunod na sinabi nito. "Napag-alaman na kasintahan nito ang biyonaryong si Sagittarius Orion Arzona na asawa naman ng anak ni Don Ronaldo Montejano sa ibang babae na si Nejieh Ramsey Montejano. Sa kasamaang palad ay natagpuan itong walang malay malapit sa pool kung saan ay katapat ito ng balkonahe. Ayon sa nakasaksi

