"Ano ba talaga, couz?" hindi na alam ni Eloiza kung anong gagawin niya kay Pisces. Alam niyang matigas ang ulo nito. Hindi ito manunuyo sa kahit kanino. Kahit pa mahal niya ang binata ay titiisin niya. Huwag lang siyang magmakaawa rito. Mugto naman ang mga mata ni Pisces na nakadapa sa kama. Humahagulgol pa rin ito na haplos ni Eloiza ang likod nito. Ngunit ang hindi niya gusto rito ay tinitiis nito ang sariling kaligayahan para sa pride nito. "Alam mo, couz? Para kang ewan. You have to face him. Tell it straight to his face kung ayaw mo sa tao." sermon ni Eloiza. "I can't. Alam na alam mo couz on how I feel about him. But..." muling isinubsob nito ang mukha sa unan. "But what? Did you even confirm from him? Did you even ask him? You're being unfair to him." sermon pa rin ni Eloiza. Ngu

