Chapter 3. Intramurals

2244 Words
Ngayon ang araw ng Intramurals ng school, busy ang lahat ng mga estudyante siya ay naghahanda narin para sa quiz bee competition. Mamaya narin ang larong basketball nila Marco at Nick ayaw sana niyang manood dahil sa nagseselos parin siya kapag nakikita niyang magkasama ang dalawa. Kaso ang sabi ni Marco ay magagalit ito sa kanya ang sabi pa nito ay hindi siya papansinin ng isang linggo kapag hindi siya nanood ng laro nito. Kilala pa naman niya ang kanyang kaibigan, matampuhin ito pagdating sa mga bagay na importante dito at hindi niya nasunod. Lahat ng mga rules na ginawa nila noon ay taos sa puso bilang matalik na magkaibigan. At bilang matalik na mag kaibigan at sa mga ginawa nila’ng rules ay dapat lagi nilang sinu-sunod iyon maski na anung mangyari. Sobrang mahalaga ito sa kanila ni Marco. Kaya sobrang nagi-guilty na siya sa kaibigan dahil sa dalawang rules na agad ang nalabag niya sa friendship rules na ginawa nilang dalawa. Hindi naman niya pwedeng aminin ang lihim niyang nararadam para sa kaibigan. Ang isang rule na ginawa nila ay dapat lagi silang nagsasabi ng totoo sa isa't isa. Bawal ang magsinungaling kahit anung mangyari ay kailangan magsabi ng totoo. Ito yung rule na sobrang nalabag niya sa kanyang kaibigan. Syempre yung isa pang rules na ginawa niya na sinang-ayunan naman ni Marco. Ang rule na bawal silang mainlove sa isa't isa. Dahil sa rule na ito ay nalabag niya pa ‘yong isa pang rules na dapat nagsasabi ng totoo. Masyado ng nagulo ang mundo niya simula ng may maramdaman siyang lihim na pag-ibig para sa kaibigan. Naglalakad na siya papuntang school at nakasuot siya ng ngayon P.E uniform. Kailangan niyag mag focus ngayon para sa quiz bee mamaya. Malapit na siya sa school ng biglang may umakbay sa kanya. Si Marco na nakasuot ito ng jersey uniform nila sa basketball. "Wow ang pogi natin ngayon Biik, ah." bati niya dito. "Talaga ba pogi ako sa suot ko ha pangit?" habang nagpapa-cute ito nang kanyang muka. "Hindi kana man mabiro oh! Pinapalakas ko lang ang loob mo para sa laban ninyo ng basketball mamaya." Sabi n’ya na nakatawa. Pero ‘yong totoo napaka-gwapo talaga ni Marco. Kahit normal na damit lang ang suot nito. Kaya maraming nagkaka-gusto sa kanyang kaibigan. Pati nga siya na matalik na kaibigan nito ay nahulog sa bitag nitong ka-gwapuhan. Napakaswerte niya dahil kahit papaanu siya ang naging matalik na kaibigan nito. Napakamot ito ng ulo. "Kala ko pa naman ay na ga-gwapuhan kana talaga sa’kin." sabay tadyak nang paa nito na parang bata. Tawang tawa siya sa tinuran nito. "Oo na gwapo ka na Biik. okay?" Ngumiti ito sa kanya. s**t ang gwapo talaga nang mokong nato. "Kailangan lagi akong gwapo sa paningin ni Margarit." anito. Bigla siyang nadismaya, pero hindi siya nagpahalata sa kaibigan. "Choosy pa ba siya niyan." sabay turo ko sa muka n’ya. Sabay kaming tumawa ng malakas. Nasa loob na kami ng campus naglalakad nang may tumawag kay Marco. Si Margaret nakasuot ito ng uniform nila sa cheering squad. Sa totoo lang kung naging lalake siya magkaka-gusto talaga siya sa babaeng ito. Maputi at makinis at ang sexy ng katawan bagay na bagay ang suot nito sa kanyang hubog na katawan. Parang nag-slow motion pa ang paglapit ni Margaret samin ni Marco. Parang sa palabas sa tv kapag magkikita ang bidang lalake at ng bidang babae. Tiningnan ko si Marco na titig na titig sa papalapit na si Margaret. "Hoy BIIK." siniko niya ito sa braso. Kumurap-kurap pa ito ng kanyang mga mata. "Tumutulo na ang laway mo hoy, mahiya ka naman kay Margaret. Para kang na nono sa punso." sabi niya sa kaibigan. "Ang ganda talaga niya." ani Marco. Aray ko po, parang may tumusok na karayom sa dibdib ko. Siya kaya kailan kaya siya nito titingnan bilang isang babae at hindi bilang isang kaibigan. Alam niyang masama ang maiingit sa kapwa. Ngunit hindi niya mapigilan na sana siya nalang ang tinitinan ni Marco nang ganito. Alam naman n’ya sa kanyang sarili na s’ya ang tipo ng babae na hindi magu-gustohan ni Marco sinabi pa nga nito dati na s’ya ang pinaka panget na babae sa buong mundo. kompara naman kay Margaretna parang diyosa sa kagandahan. "Hi..." bati ni Margaret ng tuloyan na itong makalapit sa kanila. "Hello Margaret..." bati ko naman sa kanya. "Ang ganda ganda mo naman bagay sayo ang suot mo." hindi niya napigilan na sabihin ito, dahil yon ang totoo kahit pa nga karibal n’ya ito pagdating kay Marco. "Salamat Elise." mahinhin ang boses na wika nito sa kanya "Bakit hindi ka sumali ng cheer dance?" tanong nito sa kanya. Nagpapatawa ba itong si Margaret? Never kaya siyang sumali sa mga ganyan ngayong Malaki na sila. Noon kasi ay lagi siyang isinasali sa mga contest ng kanyang Mama dahil iyon ang gusto nito wala naman siya magawa noon dahil sa bata pa siya. Pero simula nang pinag sikapan niyang maging top student ay hindi na siya nito pinilit pa na sumali sa mga ganyan. "Hindi ako magaling sumayaw eh. Pang quiz bee lang yata talent ko." sabay tawa. Magkausap na ang dalawa na tila silang dalawa lang ang magkasama mukang kainlangan na niyang umalis. Nakalimutan na yata ng mga ito na nandito pa siya sa tabi. Kaya nagpaalam na siya sa dalawa na pupunta na ng classroom. Para maghanda narin sa quiz bee na gaganapin maya maya. Sana nama'y makasilip si Marco kahit saglit lang mamaya para naman ganahan siya sa pag sagot. Kahit alam niya’ng busy na ito ngayon kay Margarit. Ngunit umaasa parin siya na pupunta ang kaibigan alam niyang mahalaga parin naman s’ya sa kaibigan. Noon pa man ay lagi ng naka-suporta si Marco sa kanya, bestfriend goal nga sila. Sa lahat ng competition niya first time lang ngayon na naging ganito na wala itong oras ngayon para sa kanya. Wala kasi itong binanggit sa kanya kanina na manonood ito mamaya, sobrang naging busy ito kay Margarit. Dati kasi ay excited ito sa mga competition na sinasalihan niya kaya palagi rin siyang nanalo. Iba na kasi ngayon na may nililigawan na si Marco lalo na pag sinagot na ito ni Margarit. Tuluyan ng mawawalan ng oras ang kaibigan sa kanya. Masakit man kailangan niyang maging masaya sa mga natutupad na pangarap nito. Hindi naman siya marter pero bakit ganun wala naman kasi siya ibang choice. Ayaw niyang mawala ang matalik na kaibigan. Naglalakad na siya papunta ng classroom ng makita niya si Nick. Tumatakbo ito papalapit sa kanya. Humahangos pa ito at pagod na pagod nang tuluyan ng makalapit sa kanya. Napakagwapo ni Nick nakasuot din ito ng Jersey. Parang kinilig pa siya ng kunti dahil sa dinami dami ng babae sa campus nila, ay siya lagi ang nilalapitan nito hindi naman siya kagandahan tulad ni Margarit. "Oh Nick, bakit ka tumatakbo? " tanong niya. "Na-kita kasi kita kanina pa sa malayo-. May kausap ka, kanina kaya hindi na muna ako lumapit sayo." Sagot nito na tila pagod na pagod parin sa pagtakbo. "Bakit may kailangan ka ba saakin?" "Wala naman, gusto lang kitang i-goodluck. Para mamaya sa quiz bee na sinalihan mo." anito. "Nag abala kapa talaga para sabihin yan napagod ka tuloy kakatakbo." "Okay lang yon basta ikaw." ngumiti ito nang nakakaloko sa kanya. "Goodluck Elise. Kayang kaya mo yan ikaw pa." Anito "Salamat Nick, ikaw din goodluck para sa laban n’yo ng basketball mamaya." "Salamat din sayo. manood ka mamaya ah, hahanapin kita." anito. Nagpaalam na si Nick sa kanya na magtutungo na papunta sa mga ka-team nito. Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdaman niyang bigat sa dibdib. Dahil sa binibigyan siya ng pansin ng isang katulad ni Nick. NAPAPANGITI siya nito. Samantalang si Marco ay mukang nakalimutan pa yung quiz bee competition niya. Ni-goodluck wala man lang sinabi talagang magtatampo na siya sa kanyang kaibigan. Magsisimula na ang quiz bee, ang haba nang kanyang leeg kakatanaw kong naroon si Marco, wala siyang nakita ni anino nang kaibigan. Kailangan na niyang mag pokus nakasalalay sa kanya ang pagka panalo ng kanilang team. Nakita niya si Nick sa malayo nakangiti ito sa kanya at kumaway. Hindi niya akalain na manonood ito napapangiti talaga siya ni Nick. Patapos na ang quiz bee ng Makita niya sina Marco at Margaret sabay pa ang mga itong kumaway sa kanya. Abot tenga ang ngiti ni Marco napakasaya nito dahil mas lamang na siya ng puntos sa kalaban na team. Natapos din ang quiz bee competition at syempre siya ang nanalo. Lumapit sa kanya si Marco at Margaret tuwang tuwang ang dalawa dahil sa pagkapanalo niya. "Ang galing galing talaga ng bestfriend ko." ani Marco. "Congrats ang galing mo kanina." sabi naman ni Margarit. "Salamat, buti naman at nanood kayo. Ang akala ko pa nama’y hindi na kayo pupunta dito." "Pwede ba naman yon nawala ako." ani Marco. Ngumiti siya dito, napaka supportive din talaga nito kahit papaano. Lihim naman siya natuwa, Tumal-bog tal-bog pa kanyang ang puso. Kahit papaano nama’y binibigyan parin naman siya ng importansya at oras nito. Kahit na marami itong pinagkakaabalahan sa ngayon. Maya maya nagpaalam na ang dalawa sa kanya. Magsisimula narin kasi ang cheer dance competition ni Margaret at maghahanda na ito. Inihatid naman ito ni Marco sa pwesto nito. Hinanap niya si Nick kanina hindi na niya ito nakita. Baka naghahanda narin iyon para mamaya sa laro nila. Nakaramdam s’ya nang gutom, pupunta na muna siya ng canteen para bumili ng makakain. bago pumunta sa field kung saan gaganapin ang cheer dance. Malapit na siyang makarating sa canteen ng makasalubong niya si Nick. "Congrats, ikaw ang nanalo kanina ang galing mo. pinanood kita hangang matapos ang laban mo." Kinilig na naman s’ya kay Nick. Naramdaman niyang namula ang kanyang mga pisngi dahil sa mga titig nito sa kanya. "Salamat-, anu kaba, hindi naman masyado. Magaling din naman ‘yong mga kalaban ko." Napansin n’ya na may dala-dala itong plastic bag. "Syanga pala para sayo ‘to banana que." "Alam kung nagugutom kana. dahil sa madugo ang laban mo kanina." "Wow salamat parang reward ko narin ‘to sa pagka panalo ko kanina." Ngumiti ito sa kanya at napasuklay sa buhok nito. "Halika sabayan mo na akong kumain, ‘doon tayo." Aya niya kay Nick sa lilim ng malaking puno ng mangga na maraming mahabang upuan. Habang kumakain sila ni Nick ay tahimik lamang silang nagmamasid sa mga estudyante. Meron din mga taga labas ng school na nanonood ng mga naglalaro ang daming mga tao. Meron naglalaro ng football, sepak takraw at volleyball. Meron din mga nagkekwentohan lang. May mga grupo ng kababaihan na estudyante ang malapit sa kanila. Nagbubulungan at nakatingin sila kay Nick halata niyang gwapong-gwapo ang mga ito sa kasama niya. Tumingin siya kay Nick. Wala itong kaalam-alam na pinag papantasyahan na siya ngayon ng mga kababaihang estudyante. Habang nakatingin lamang ito sa mga naglalaro ng volleyball. Nanonood lamang ito ng tahimik . O’ kaya naman ay sanay na ito na pagkaguluhan ng mga babae sa paligid nito.Parang si Marco lang din pagkasama niya. Maraming napapalingon lagi na mga babae sa kaibigan niya. Nang matapos na silang kumain ay niyaya niya ito’ng manood ng cheer dance. Tumanggi naman ito dahil maghahanda na raw ang team nila para sa laro mamaya. Kaya nagtungo na siya mag-isa papunta sa field. Narinig niya ang malakas na pito hudyat na magsisimula na ang competition. Nakita niya si Marco na nanonood kaya lumapit siya sa kaibigan. Tinapik niya ito sa balikat kaya tumango naman ito sa kanya. Talagang napaka-supportive nito kay Margaret bilang isang manliligaw. Kahit nagsisimula ng maghanda ang team nito para sa larong basketball mamaya ay nandito ito ngayon. Pero kong hindi ito nakapunta at nagpakita sa kanya kanina ay malamang na hindi niya talaga ito papasinin. Magtatampo talaga siya sa kaibigan. "Ayan na Biik, sila Margaret na ang susunod na sasayaw." Excited na sabi niya rito. Tumingin siya kay Marco nakita niya’ng titig na titig ito kay Margaret kahit nasa malayo pa ito. Lumingon- lingon naman si Margaret na animo'y may hinahanap sa maraming tao. Kaya naman kumaway si Marco ng mapadako ito ng tingin sa kanila. Ngumiti ito sa kanila ni Marco, siya naman ay suminyas nang goodluck dito. Maraming ang mga team na magagaling sumasayaw. Ang team ni Margaret ay sobrang magaling din pero may nahulog na isa sa member nila nang inihanagis nila ito. Buti nalang at hindi naman ganon ka taas ang paghagis na ginawa nila kaya mukang okay lang naman ‘yon babae. Pero bawas puntos na ito sa kanilang team. Natapos na ang competition at pangalawa lamang ang team nila Margaret. Lumapit ito sa kanila na mukang pagod na pagod pero maganda parin ito. Nakaabang na agad si Marco kay Margaret at inabot agad nito ang dalang tubig. " Uminom ka muna." anito. Kinuha agad naman nito ang tubig na bigay ni Marco at ngumiti ito ng matamis sa kaibigan. "Sayang naman at may nahulog na isa sa team ninyo, kayo sana ang mananalo." sabi niya kay Margaretna na ng hihinayang. "Oo nga eh." malungkot na sabi nito. "Okay lang ‘yon kayo parin naman ang pangalawa." ani Marco. "Ang galing mong sumayaw kanina." dugtong pa nito habang matamis ang ngiti. Mukang kinilig naman ito’ng si Margaret sa sinabi ni Marco. Pulang pula ang pisngi nito sa sinabi ng kaibigan. Kahit na natalo ang team ni Margaret ay panalo naman siya sa puso ni Marco. Siya ang talo dito pagdating kay Marco... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD