“ Go Marco!” ani Margaret.
Napapasigaw ito ng malakas kapag si Marco na ang may hawak-hawak nang bola. Magkasama sila ngayong para panuorin at suportahan si Marco, at si Nick dahil narin sa pakiusap nito na manood siya sa laro.
Hindi niya alam kung kanino siya mag magche-cher dahil magkalaban ang team ng dalawa. Kahit pa nga si Marco ang matalik na kaibigan niya, gusto din niyang ipakita kay Nick ang suporta kahit papaano naman ay naging kaibigan na niya ito. Kaya pinili nalang niyang manood nang tahimik samantalang si Margaret ay bigay tudo sa pag cheer sa manliligaw halatang Malaki din ang pag kagusto nito kay Marco.
Ngayon lang niya nalaman na magaling magbasket ball itong si Nick dahil transferee ito sa school nila last year. Hindi pa ito nakapag laro ng nakaraan basketball dahil nagkasakit ito sa mismong araw ng intramurals nila.
Mukang maganda ang laban, nila dahil sobrang lapit lang ng score ng dalawang team na naglalaban. Lamang ang team nila Marco, laging nagkakaroon ng eksena sila Marco at Nick kung saan nag aagawan lagi ang dalawa ng bola. Kung sa pagalingan mag laro ng basketball ay parihas lang ang dalawa.
Sa huli ang team nila Marco ang nanalo. Napakasaya ni Marco na lumapit sa kanya, at sa sobrang excitement nito sa pagkapanalo ay napayakap ito ng mahigpit sa kanya.
Mukang nakalimutan nito na nandito si Margaret sa tabi niya. Tumingin siya sa pwesto ni Margaret at nakita niyang nag-iba ang expresyon ng muka nito dahil sa ginawang pag yakap ni Marco sa kanya. Nakita din niya sa malayo si Nick na nakatingin sa kanila ni Marco at malungkot ang muka nito.
Tinapik niya ang likuran ni Marco para bumitaw na ito sa pag yakap sa kanya. Mukang nahalata naman nito na nasa tabi nila si Margaret kaya bumitaw ito agad sa kanya. Lumapit ito kay Margaret at nag usap na ang dalawa. Siya nama'y pumunta sa pwesto ni Nick na ngayon ay nag aayos nang mga gamit nito.
"U-uwi kana ba?" tanong niya.
"Oo." maikling sagot nito.
"Ang galing mo maglaro kanina, kahit hindi kayo ang nanalo."
Humarap ito sa kanya at ngumiti sabay napahawak ito sa batok.
“ Salamat.”
Lumapit si Marco sa kanya kasama nito si Margaret. Tinanong nito kung sasabay na siyang umuwi sa kanila dahil sa gumagabi na.Tumanggi siya bigla dahil sa naalala niya ang nangyari kanina sa pagitan nilang tatlo. Hindi niya nakalimutan ang expresyon sa muka ni Margaret kanina.
“ Mauna na kayo Marco, may naiwan pa kasi akong gamit sa loob ng classroom, babalikan ko pa iyon.” Pagdadahilan na lamang niya para huwag na itong magpumilit na isabay siya sa pag-uwi.
Baka pag simulan pa ito ng selos ni Margaret sa kanya. Ayaw niyang siya ang maging dahilan para hindi nito sagutin si Marco. Alam niyang malulungkot ng sobra ang kanyang kaibigan. Dahil matagal ng inaasam ni Marco na magustohan ni Margarit at maging kasitahan ito balang araw.
Hindi baling siya nalang ang masaktan huwag lang ang kanyag matalik na kaibigan. Dahil wala naman nakakaalam sa lihim niyang nararamdan para dito.
Paalis na ang mga ito ng biglang magsalita si Nick.
"Congrats Marco, ang ganda ng laro natin kanina." bati ni Nick dito.
" Salamat." maikling sagot nito.
Mukang may inis talaga si Marco kay Nick kilala niya ang kaibigan pero hindi nalang niya iyon pinansin. Nagpaalam ng muli ang dalawa naiwan naman silang dalawa ni Nick.
" Gusto mo bang ihatid na kita sainyo?" tanong nito.
" Naku huwag na Nick, alam kung pagod kana rin sa paglalaro kanina." sagot ko.
Sa huli ay pinilit parin siya nito na maihatid sa bahay niya. Pumayag narin siya dahil sa mapilit ito. Habang naglalakad sila papunta sa bahay ay napag ka-kwentohan nila ang mga naganap kanina sa laro nilang basketball at sa pagkapanalo niya kanina sa quez bee. Kahit na halatang pagod na ito sa paglalaro ay napaka gwapo parin nito.
" Salamat sa paghatid Nick."
" Okay lang yon basta ikaw."
Ngumiti siya dito.
Naalala niya na gusto nga palang makilala ng kanyang Mama ang mga kaklase niya. Dahil palagi nalang daw kami ni Marco ang magkasamang dalawa simula pa noon. Baka mahirapan daw ako mag adjust pag nagka-hiwalay kami ng school pagdating ng kolehiyo. Gusto nito na magkaroon din siya ng iba pang mga kaibigan bukod kay Marco.
" Gusto mo ba pumasok muna sa bahay? Para maipakilala kita kay Mama."
" Naku huwag na Elise, nakakahiya naman sa Mama mo. Baka maka disturbo pa ako sa kanya."
" Huwag kanang mahiya at mabait naman si Mama."
Hinila niya ito papasok ng bahay, naabutan nila ang kanyang Ninong Marla na umiinom ng orange Juice sa sala. kaibigan ito’ng matalik ng kanyang Mama at ninong narin niya sa binyag. Isa itong Adan pero may pusong babae na katulad ng kay Eva nagmamay-ari ito ng sikat na salon sa lugar nila. Marlon ang totoong pangalan nito pero dahil sa pusong babae ay si Marla na ito ngayon.
“ Hi Ninong Marla, andito po pala kayo.” bati niya dito na nakangiti sabay halik sa pisngi at nagmano siya dito.
“ Oo binisita ko naman ang Mama mo. Madalang ng pumunta ng salon eh, busy na masyado sa mga alaga niyang halaman.” malanding sabi nito.
Ipinakilala niya si Nick sa kanyang Ninong Marla.
“ Klasmate ko nga po pala ninong si Nick po.”
Sumenyas ito sa kanya habang kinikilig, nakuha na niya agad ang ibig sabihin nito.
“ Hay Hijo, nililigawan mo ba ang inaanak ko?” tanong nito.
Nilakihan niya nang mata ang kanyang Ninong Marla.
“ Hello po, naku hindi po kaibigan at kaklase lang po ako ni Elise.” Nakangiting nagmano ito sa kanyang ninong.
“ Ninong naman eh, hinatid niya lang po ako hindi po siya nanliligaw saakin.” sagot ko.
Naputol ang pag-uusap nila ng may biglang may tumawag sa cellphone ng kanyang Ninong Marla. Nagpaalam na ito sa kanila dahil maraming kliyente na dumating ngayon sa salon na pagmamay ari nito. At nagmamadali na itong umalis kaya hindi na nakapag paalam sa kanyang Mama.
“ Ma andito na po ako.” tawag niya sa kanyang Mama.
Lumabas ito galing sa kusina nagmano at humalik siya sa kanyang Mama, Ipinaalam narin niya na umuwi na ang kanyang Ninong Marla.
" Ma kaklase ko nga po pala si Nick." Pakilala niya.
" Aba’y napakagwapo naman ng batang ito."
Ngumiti si Nick at nagmano ito sa kanyang Mama.
" Kaklase kalang ba talaga ni Elise o’ nanliligaw ka ba sa kanya?" walang hiya-hiya tanong ng kanyang Mama.
" Mama naman, nakakahiya po kay Nick, hinatid niya lang po ako dito sa bahay."
Napatingin ako kay Nick at nakitang kong pangiti-ngiti ito.
" Ay naku! pasensya kana hijo ha, ang akala ko nama'y manliligaw kana nitong prinsesa namin. Papayag naman ako at mukang mabait na bata ito’ng si Nick at napakagwapo pa."
Napaka dal-dal talaga ng kanyang Mama para na siyang basang sisiw sa sobrang hiya niya kay Nick.
" Naku Mama, nakakahiya na po talaga kay Nick." sabi niya para tumigil na ito sa pagsasalita.
" Okay lang po Tita, malay niyo po isang araw ay ligawan ko itong si Elise." Pabirong sabi naman ni Nick na nakangiti.
Biglang niyang pinandilatan ng mata si Nick.
" Naku Nick, huwag kang magbiro ng ganyan. At baka biglang manilawala sayo si Mama."
" Naku huwag kang mag alala Nick. Kung liligawan mo ang anak ko ay BOTO’NG BOTO talaga ako sayo." nakangiting sabi ng kanyang Mama.
Biglang sumulpot sa loob ng bahay ang Papa niya. Galing ito sa hardware nila sa palengke. Mukang narinig nito ang usapan nila kaya bigla itong nagsalita.
“ Anung botong boto bayan naririnig ko, Ha Josefa? mukang binibenta mo na ang anak natin?” sabi nito na mukang galit pero nakangiti.
“Eliserio! andyan kana pala.” anang Mama niya na nakangiti nagulat ito sa biglaang pag sulpot ng asawa.
Sa Papa niya kinuha ang pangalan na Elise. Joseph naman ang totoo’ng pangalan ng kuya Jef niya.At sa kanyang Mama naman kinuha ang pangalan nito.
Sabay kaming nagmano ni Nick kay Papa. Humalik naman si Mama kay Papa ganito talaga silang dalawa simula pa noon napaka sweet lagi nila sa isa’t isa . Bihira niya lang din itong makitang nag-aaway. Dahil sa kwento ng pagiibigan ng kanyang Papa at Mama naniwala siya na true love wait. Naging magkaibigan din muna ang kanyang mga magulang bago sila naging magkasintahan. Kaya naniniwala parin siya na may pag-asa pa ang lihim niyang pag-ibig para kay Marco.
“Anung pangalan mo Hijo?” tanong ng Papa niya kay Nick.
“ Nick Valdez po Tito.”
“ Sandali, eh kaanu anu mo ba si Nicholas Valdez?
“ Papa ko po.”
“ Kayo ba ang may ari ng Valdez corporation?”
“ Family business po ng angkan namin, sa mga lolo ko pa po sa tuhod nagmula ang corporation. Isa po si Papa sa mga sa shareholder ng corporation.” ani Nick.
“ Isa din kasi ang Valdez corp. sa mga kinukuhanan naming ng mga materyales sa hardware, at masasabi kong maganda ang quality ng mga produkto ninyo.”
“ Maraming salamat naman po, at maganda ang feedback ninyo.”
“ Pero sandali lang Hijo, bago pa kung saan mapunta ang usapan, talaga bang manliligaw ka ng prinsesa namin?!” tanong nito na nakatawa.
“ Papa naman eh, Isa ka pa! Nakakahiya na po talaga kay Nick hinatid niya nga lang po ako dito sa bahay.” saway niya dito.
Napuno nang tawanan ang kanilang bahay. Palabiro talaga ang kanyang mga magulang.
“ Nick dito kana kumain.” anyaya ng kanyang Mama.
“ Maraming salamat po tita, pero hinihintay narin po ako sa bahay. Next time nalang po.” sagot nito.
“ Oh sige Nick mag iingat ka. Pero sandali ihahatid mo ba ulit si Elise dito sa bahay?” tanong ng Mama niya na mukang excited sa isasagot nito.
“ Oo naman po tita, basta si Elise po walang problema.” sagot nito habang nakangiti.
Pinutol na niya ang pag uusap ng dalawa. Dahil baka kung anu pa ang masabi ng kanyang Mama kay Nick. Hinatid na niya ito sa labas ng kanilang gate. Nang makauwi na si Nick ay sabay sabay na silang naghapunan.
" Siya nga pala kamusta kayo ni Marco? Madalas na kayong hindi mag kasama. Magkagalit ba kayong dalawa?” tanong ng kanyang Mama habang kumukuha ng ulam.
“ Hindi po Ma, may nililigawan na po si Marco kaya madalang na kaming magkasama.”
“ Talaga? Mainam narin ang ganyan anak. Kaya siguro walang nanliligaw sayo. Dahil lagi mo kasama si Marco lagi kayong napagkakamalang may relasyon na dalawa.”
“ Anu ka ba naman Josefa labing anim na taong gulang palang si Elise. Hayaan mo munang mag enjoy siya sa pagiging buhay dalaga niya.” anang kanyang Papa.
“ Gusto ko lang naman kasi na magkaroon siya ng inspirasyon. Para mag ayos ng sarili niya tingnan mo nga yang anak mo laging nakasuot ng damit ng kuya Jef niya nagpapag kamalan na tuloy tomboy.”
“ Hayaan muna kong anung gusto niya. magbabago din naman iyang si Elise balang araw.”
“ Kailan pa eh, magkokolehiyo na iyan next year. Pangarap ko pa naman na magsuot siya ng mga damit pambabae kaya lagi ko siyang binibilhan kahit hindi niya iyon sinusuot.”
Nagkatinginan na lamang sila ng kanyang Papa. Kapag ganito na ang usapan ay tahimik nalang siya maski narin ang kanyang Papa. Para hindi narin mauwi sa tampuhan ang usapan nila. Dahil panigurado na magtatampo na naman ito sa kanya. Lagi iyon ang kinagagalit ng Mama niya dahil sa hindi niya pag aayos ng kanyang sarili.
Nakahiga na siya sa kanyang malambot na kama. Naalala niya ang mga naganap kanina ang pag yakap sa kanya ni Marco. Nakakailang pala talaga kapag ganoon ang eksena nilang tatlo isang kaibigan na lihim na umi-ibig kumpara sa babaing gusto nito.
Naalala niya ang mga ‘Friendship Rules’ nila ni Marco. Hindi niya akalain noong bata pa sila na magkakagusto siya ngayon sa matalik na kaibigan. Dahil sa bata pa sila noon ay daig pa nila kong ituring na magkapatid ang isa’t isat. Lagi niya itong pinagtatangol noon sa mga nambu-bully na kapwa nila bata.
Simula ng maging inspirasyon nito si Margarit ay nagsimula na itong magpapayat. Kahit nga nahihirapan ito dahil sa gustong gusto nitong kumain. Ilang taon din iyon pag dye-dyeta ni Marco. Siya naman ay nakasuporta lagi sa kaibigan niya. Nakita niya ang malaking pagbabago sa katawan ni Marco naging napaka gwapo nito.
Doon na siguro nagsimula na mahulog ang loob niya sa matalik na kaibigan dati akala niya ay na attract lang siya dahil sa bagong anyo nito pero habang tumatagal ay patindi ng patindi ang kanyang nararamdaman at namalayan nalang niya isang araw na in love na siya sa best friend niyang si Marco.
Sobrang na gi-guilty siya kapag naalala niya ang ginawa nilang rules ni Marco. Bumangon siya sa pagkakahiga at pumunta siya sa kanyang study table. Kinuha niya sa drawer ang papel kong saan nakasulat ang kanilang ginawang ‘Frienship Rules’ tiningnan niya ito.
Nakakatuwa ang mga ginawa nilang rules ni Marco at sobra nila itong pinahahalagahan. Kaya natatakot siya na magtapat dito ng kanyang lihim na pag-ibig. Dahil panigurado niya na magagalit ito sa kanya at lumayo. Paulit ulit itong pumapasok sa isip niya tuwing mag isa lang siya.
Tumunog bigla ang cellphone niya sa loob ng kanyang bag. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang nagtext si Marco.
Tina-tanong siya nito kung gising pa ba siya. Nagreply naman siya agad anu naman kaya ang kailangan ng kaibigan niya. Mag a-alas dyes na ng gabi ay gising pa ito. Tumunog ulit ang kanyang cellphone ang sabi nito ay nasa labas ito ng bahay nila. Kung pwede raw ba siyang lumabas at may mahalaga itong sasabihin sa kanya. Anu naman kaya iyon at hindi na nito ipinagpa bukas pa ang sasabihin lumabas siya para makita ito.
Masayang masaya ito ng salubungin siya pagkalabas niya ng gate.
“ Oh anu ba ang sasabihin mo Biik? At ganitong oras ay gising ka parin? Talagang pumunta kapa dito ng ganitong dis oras na ng gabi.”
“ Gusto ko kasi na ikaw ang unang makaalam Panget, kita niya angpag ning-ning sa mga mata nito.
Sana hindi ito yong kinakatakot niyang sabihin nito, at mukang nahuhulaan na niya ang gusto nitong sabihin sa kanya.
“ Anu ba yun?” Kinakabahan siya, pero kailangan niyang kumalma para hindi siya nito mahalata.
Nakangiti ito at ilang sandaling katahimikan. Pinabibitin pa nito ang sasabihin sa kanya kaya parang naririnig na niya ang kabog ng kanyang dibdib habang tumatagal ay palakas na ito ng palakas.
Parang iniisip pa nito ang magiging reaksyon niya siya naman ay sobrang kabado na.
“ Sinagot na ako ni Margarit kanina.” anito na masayang masaya.
Matagal siya bago makasagot, parang may kung anung tumusok sa kanyang dibdib. Alam niyang tuloyan ng mawawalan ng oras ang kanyang matalik na kaibigan sa kanya. Para na siyang maiiyak pero kailangan niyang magpakatatag sa harap nito. Wala na talagang siyang pag asang mahalin ni Marco hindi bilang kaibigan kundi bilang isang babae na mamahalin nito.
“ Talaga Biik? tanong niya na parang hindi parin makapaniwala.
“ Oo kanina lang ng hinatid ko siya sa bahay nila.”
“Ito na yon matagal mo nang gusto diba.” sabi niya rito na pilit pinapatatag ang boses.
“ Ako na yata ang pinaka maswerting lalaki Panget.”
At ako naman ang pinaka malas na babae sabi niya sa kanyang sarili.
“ Masaya ako para sayo Biik. Natupad muna sa wakas ang matagal mo ng pangarap na maging kayo ni Margaret.”
“ Salamat sayo Panget, napakaswerti ko din sayo dahil meron akong kaibigan na katulad mo.”
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito sa kanya na uuwi na. Pagkapasok niya palang ng kwarto ay doon na tuluyang lumabas ang kanyang mga luha. Kanina niya pa ito pinipigilan na tumulo dahil ayaw niyang mapansin ito ni Marco.
Napakasakit pala talaga na mabigo ng dahil sa pag-ibig. Ang matindi pa ay sa matalik na kaibigan pa siya umibig wala tuloy siyang mapagsabihan ngayon ng kanyang nararamdaman. Umiyak siya ng umiyak magdamag para na siyang magkakasakit sa puso dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ganito pala talaga kasakit ang masaktan…
***