bc

PANGAKONG BASANG-BASA: "ANG MAYAMANG MANGINGISDA AT ANG DALAGANG TAKAS SA KLASE"

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
one-night stand
family
HE
age gap
second chance
friends to lovers
playboy
badboy
kickass heroine
heir/heiress
blue collar
drama
sweet
bxg
lighthearted
serious
kicking
bold
campus
city
small town
cheating
childhood crush
enimies to lovers
lies
rejected
secrets
love at the first sight
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Nagbago ang lahat nang sa isang araw ng kanyang cutting class, sa tabing-dagat pa pumunta, doon siya unang nahuli—hindi ng guro, kundi ng isang pares ng matang hindi niya makalimutan. Sa tuwing tumatakas si Daniela, siya rin ang palaging natatagpuan ni Anton?At bakit sa bawat pag-iwas ni Anton, lalo siyang hinihila pauwi ng dalagang pasaway?

chap-preview
Free preview
TAKAS SA KLASE, HULI SA DAGAT
Mainit ang araw sa probinsyang iyon, ‘yung tipong kapag lumabas ka ng bahay ay malulusaw ang utak mo sa init. Pero si Daniela Guspe, nakasuot ng oversized sunglasses at white crop top, naka-mini skirt pa kahit tanghaling tapat, hindi iniinda ang sikat ng araw. Hindi rin niya iniinda ang klase niyang 10 AM sa Business Management. Ayaw niya pumasok...ULI. At kahit sigaw nang sigaw si Samanta, ang kanyang kaibigan at kaklase, habang naglalakad siya paalis ng campus, hindi iyon naging dahilan para tumigil siya. “Dan! Hoy, Dan! Saan ka na naman pupunta?!” sigaw ni Samanta, kinakawayan siya habang pawis na pawis sa paghabol. Hindi lumingon si Daniela. “I’m not in the mood, Sam. Kapag pinilit mo akong pumasok, magtatampo ako sa’yo for one week,” sagot niya, sabay taas ng kilay at hawak sa baywang, sakto sa attitude niyang "rich brat on vacation." “Hala siya, nagbabanta pa,” bulong ni Samanta pero humabol pa rin ito. Nang marating nila ang gate, ngumiti si Daniela, yung ngiti ng babaeng determinado sa misyon niyang pag-iwas sa klase. “Tara na,” sabi niya. “Tatawag si Miss Forres nito mamaya,” pangamba ni Samanta. “Bahala siya sa buhay niya,” sagot ni Daniela sabay irap. Pero ang totoo, may isa siyang gustong takasan, hindi ang teacher niya, hindi ang subject niya. Kundi ang sariling buhay. Ang pamilya niya, bawat galaw niya may nakabantay. Ang pangarap niyang mag-aral sa States, palaging kinokontra ng mga magulang. Gusto niya sanang bumalik doon para sundan ang lalaking iniwan niya, ang unang lalaking “tota” niya, gaya ng tawag ng mga pinsan niya noon. Hindi masama ang pamilya niya, pero masyado silang nakakahon. At doon nagsimula ang pagiging rebelde niya. At doon nagsimula ang madalas na cutting class niyang ito. “Tanghali na, Dan. Saan na naman tayo?” tanong ni Sam. “Sa dagat. Gusto ko ng hangin. Gusto ko ng tunog ng alon. Gusto ko ng freedom.” “Freedom? Parang tumakas ka na nga kahapon, ah?” “Freedom ulit,” sagot niya sabay tawa. At pagdating nila sa daan papuntang dalampasigan, huminto si Samanta. “Dan… I can’t go with you today. May quiz ako kay Miss Forres doon sa kabilang section. Baka pagbintangan tayong gumagawa ng kulto sa pag-cutting.” Nagkibit-balikat si Daniela. “Fine. I’ll go alone.” “Sure ka?” “Sam, I’ve been doing this since week one. Kaya ko.” Iniwan niya ang kaibigan at naglakad mag-isa pababa sa tabing-dagat. Dinama niya ang hangin, malamig, maalat, at malaya. Ito ang gusto niya. Dito siya nakakahinga. Pero hindi niya inaasahan… na may makakasalubong siya. Isang lalaki. Tahimik. Malalim ang tingin. Basang-basa ang buhok at shirt, halatang kagagaling lang sa dagat. Nakasabit sa balikat nito ang isang lambat. At malaki ang braso. As in, malaki. Parang kontrabida sa teleserye na biglang bumait. Napatigil si Daniela. Sh*t. Ang pogiiii... Pero hindi iyon ang unang kumalabog sa dibdib niya. Kundi ang titig ng lalaki, yung uri ng tingin na parang nakikita ang totoong ikaw, hindi ‘yung persona niyang pasaway at bratty. At sa ilang segundo, nagkasalubong ang mga mata nila. Siya ang nauna sa pag-iwas. Hindi niya alam kung bakit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
309.1K
bc

Too Late for Regret

read
280.8K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
137.0K
bc

The Lost Pack

read
387.3K
bc

Revenge, served in a black dress

read
146.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook