"Ate please wag mong sabihin kila tita, please!" ungot ni Sandy na panay ang ikot habang isinasayaw ni Hailey ang anak na buhat-buhat. "Ayokong mag sinungaling kila Mama." "Pero diba nga sinabi ko naman sa'yo hindi naman ako pinilit ni Kuya." mahinang bulong ni Sandy, na ikinalingon ni Hailey. "Sumunod ka ba rito sa bahay para lang itikom ko ang bibig ko? Pauwi ka ng Taysan ngayon diba bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo at mag sumbong ka ng ginagawa ng Kuya para mapanagutan ka." giit naman ni Hailey. "Ayoko te," "Ayaw mo pero natutulala ka na sa kakaisip baka ikaw ang mapapasok ng totoo sa mental sa kakaisip mo sa ginawa ni Kuya." napakamot ng ulo si Sandy. "Mas mababaliw ako kung mag papakasal kami ng kuya mo tapos hindi naman niya ako mahal at yung ex pa rin niya ang mahal ni

