"Alam ko naman na may kasalanan pa ako sa inyo pero kailangan ba idamay ang trabaho sa personal na buhay." ani Efren na galit na inihagis ang dalawang folder sa harapan ni Keil na napataas ang tingin sa kapatid ni Hunter. "Bakit anong ginawa ko?" patay malisyang tanong naman ni Keil kahit ang totoo alam niya ang kinagagalit ni Efren. Dalawang client nila ang meron prenup sa loob ng resort at ang isa naman ay sa 60th birthday party sa kabilang wings ng resort ang tinawagan ni Keil at sinabi na i-rerefund na lang sa mga ito ang dinownpayment dahil nag karoon ng over lapping sa schedule na hindi napansin ng management. Nag rant ang client kanina sa lobby ng resort at todo paliwanag si Efren dahil ito ang nag approved ng booking ng mga ito nung nakaraang buwan pa. Galit na galit si Hunter

