"Ano virgin lang?" tanong ni Hunter ng makasakay na sila sa motor para umuwi ayaw pumayag ni Hunter na umuwi siyang mag-isa. Ihahatid daw siya nito mag 2 am na ng madaling araw medyo na pasarap sila ni Hunter sa pagtaya sa color game at sa bola. Hindi naman sila nanalo nasayang lang pera niya. Pero buti na lang nanalo si Hunter sa ring the bottle meron siyang stuff toy na maipapasalubong sa anak. "Humawak ka kaya paliliparin ko tong motor." "Tigilan mo nga ako na lang ang uuwi mag-isa." "Tsk! Humawak ka na kasi para ka naman others e." "Paano ako hahawak nakita mong may hawak akong manika." reklamo pa ni Hailey habang nasa pagitan pa nila ang nasabing stuff toy. "Dito mo kasi ilagay yan." ani Hunter na hinila ang manika kasabay ng pag hila din ni Hunter sa braso niya. Kaya naman dum

