"Sige! Titigan mo, namnamin mo." wika ng isang tinig na ikinalingon ni Hailey ng makita ang kuya niya na buhat si Honey. Mauuna na silang umuwi ng anak tutal hindi naman na rin siya nakatulong sa pag aayos bukod kasi sa may cast ang daliri niya na aksidente pa ang anak na binantayan niya. Kailangan din niyang umuwi dahil nag short circuit ang cellphone niya natawag pa naman si Shawn kanina kaso hindi niya nasagot dahil nag garasgas na ang tunog hanggang sa namatay na. Tumalon kasi siya sa pool kanina na hindi na naisip ang cellphone niya. "Sakit ba na makita yung lalaking mahal na mahal mo dati may kalandian ng ibang babae ngayon." tanong pa ni Keil. "Tsk! Kuya." "Sabagay ano nga bang paki-alam mo, mag-aasawa ka nga ng biglaan. Ano pa bang aasahan namin." "Kapag nakilala niyo si Shawn

