Xia's POV
Maaga ako umalis ng bahay kaya ito ako ngayon naglalakad mag-isa. Mamaya pa kasi ang papasok sila Trevor. Sinabihan niya nga ako na sumabay na lang sa kanila pero gusto ko muna mapag-isa sa silid-aralan.
"Good Morning," bati sa akin ng guard. Ningitian ko siya at inangat ang whiteboard ko na may nakasulat na 'Good Morning' bago tumuloy sa pagpasok.
Katulad ng inaasahan ko, tahimik ang paligid. Buti na lang bukas na ang ilaw sa building namin. Dumiretso ako sa silid at binuksan ang nakapatay na ilaw.
Pagbukas ng ilaw isang katawan ng babae ang bumungad sa akin. Nakabitin ito sa kisame habang may lubid sa leeg. Napatakbo ako pabalik kay manong guard.
"Guard! May p-patay s-sa r-room," nauutal na sabi ko habang hinihingal.
"Saang room mo?" tanong niya at dali-dali itong tumayo. Dinala ko siya sa silid. Pagkakita niya ng bangkay, agad siya tumawag ng pulis at inalis ito sa pagkakabigti.
"Xia!" tawag sa akin ni Trevor. "Ayos ka lang? Ano nangyari?"
"May namatay nanaman," tugon ko. Tumingin ako sa taas kung saan ko nakitang nakabitin ang kaklase kong si Cristine. Kahit wala na ito dito, parang nakikita ko pa rin siyang nakabitin.
"Nanginginig ka. Kumalma ka lang," sabi ni Zander habang hawak ang kamay ko. Tumango ako bilang tugon at sinubukang hilain ang kamay ko subalit hindi niya ito binitawan.
"....."
Umupo siya sa tabi ko. Gusto ko sana sa kanya sabihin na pwede na niya ako bitawan pero hindi ko maiwasang matulala sa kanya. Hindi alam kung bakit ganito ako, basta parang may kung ano akong nararamdaman sa kanya. Lalo na kapag hinahawakan niya ako, lumulundag ang puso ko. Para itong nasasabik sa paglapit niya o masaya tuwing hinawakan niya ako. Panadalian kong nakalimutan ang nangyari, kundi lang ako tinawag ng pulis upang hingian ng statement, baka nakatulala pa din ako sa kanya.
"CR lang ako," paalam ko sa kanila. Paglabas ko may naamoy akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano yun, basta naakit ako sa amoy. Nakaramdam ako ng uhaw bigla kaya napalunok na lang ako ng laway.
Hindi ko na lang ito pinansin at tinuloy ang paglalakad hanggang sa sumakit ang puso ko. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Pinilit kong makatayo upang bumalik sa room para kunin ang gamot ko. Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang mapaupo ako.
"Xia!" tawag sa akin ni Jason. Nilapitan niya ako para tulungan.
"Jason... yung ga..mot... ko... sa... bag."
"Sandali lang. Kukunin ko."
Pagkalabas ni Jason kasunod na niya sila Zander. Binigay niya sa akin ang gamot ko. Kumuha ako doon at binalik sa kanya yung lalagyan.
"Ito tubig," sabi ni Bliss. Binigay niya sa akin ang dala niyang tubig. Kinuha ko ito at saka uminom kasabay ng gamot. Nakaupo lang ako sa sahig hanggang sa umayos ang pakiramdam ko.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Jason. Tumango ako bilang tugon.
"Salamat sa inyo."
"Gamot para saan ba ito? Diba naoperahan ka na sa puso?" tanong ni Jason habang titignan ang lalagyan ko ng gamot.
"Oo. Hindi pa daw fully recovered ang puso kaya sumasakit minsan. Binigay nila sa akin yan for maintenance."
Third Person's POV
"May dumi pa ako sa mukha?" tanong ni Xia nang mapansin niya na kanina pa tingin nang tingin sa kanya sila Trevor. Tumigil ito sa pagsubo saka pinagmasdan ang mga kasama niya sa kainan.
"Saang ospital ka naoperahan?" tanong ni Trevor.
"Hayakawa Hospital," sagot ng dalaga.
Natigilan any lahat nang marinig ang pangalan ng ospital.
"May problema?" tanong Xia.
"Wala. Hahaha. Kain ka pa," tugon ni Claude.
Pagkatapos nila kumain, magliligpit na sana si Xia nang pigilan siya ni Bliss.
"Kami na diyan. Magpahinga ka na," sabi ni Bliss.
"Hindi. Ayos lang."
"Kami na dito. Kailangan mo magpahinga. Baka bigla ka nanaman atakihin."
"Ayos la--"
Napalingon si Xia kay Zander nang hawakan siya nito. Kinuha ng binata ang platong hawak niya saka ito binigay kila Bliss.
"Samahan na kita sa kwarto mo," sabi niya kay Xia.
"Huh?"
"Tara na."
Hinila ko niya agad ang dalaga bago pa ito makaangal.
"Hindi mo naman ako kailangan samahan," sabi ni Xia. Umupo siya sa kama saka tinignan ng may pagtataka ang binata dahil sa kinikilos nito.
"Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako."
Lumabas nang kwarto ni Xia si Zander upang bumalik sa kusina. Naabutan niya doon sila Trevir na seryosong nag-uusap.
"Mamaya pupunta tayong Hayakawa Hospital. Hahanapin natin ang files nila tungkol sa operation ni Xia. May kutob ako na si Xia ang kasagutan sa mga tanong natin tungkol sa hospital na yun," sabi ni Trevor.
Samantala sa isang bahay.
"Siya na kaya ang hinahanap ko?" sabi ng isang lalaki habang nakatingin sa larawan ni Xia.
Nasaksihan niya ang buong nangyari kay Xia sa paaralan. Pati na din ang usapan nilang magkakaibigan. Kinuha nito ang jacket niya saka lumabas para nagpunta sa Hayakawa Hospital.
Sa Hayakawa Hospital, mabilis na nagtago ang lalaki nang makita niya sila Zander.
"Paano na gagawin natin? Wala silang balak magsalita," tanong ni Claude.
"May tinatago sila sa atin, at sigurado akong malaki ang maitutulong ng impormasyon na yun para mapatunyan natin ang illegal na gawain nila," sabi ni Trevor.
Tumigil sa paglalakad si Zander nang maramandaman niyang may nakamasid sa kanila. Tumingin siya sa paligid, subalit agad na nakapagtago ang lalaki.
"Zander, tara na," tawag ni Trevor sa kanya nang mapansin niya itong hindi umaalis sa kinatatayuan.
Pagkauwi nila, nagkanya-kanyang tungo na sila sa kanilang kwarto. Habang pabalik si Zander, naalala niya ang gamot na ininom ni Xia. Kaya dumaan muna siya sa kwarto ng dalaga.
Tinignan niya si Xia na natutulog nang mahimbing. Pasimple niya kinuha ang gamot nito at kumuha ng isang pirasong tableta bago ito binalik sa lalagyan. Nilagay niya sa maliit na plastic ang tableta saka siya dahan-dahan lumabas.
Kinabukasan maaga siyang umalis para dumaan kay Mr. Takeshi. Naabutan niya itong nagkakape habang nagbabasa ng mga files. Inilapag ng binata sa harap nito ang gamot na kinuha niya kay Xia.
"Gusto ko malaman kung saan ito gawa at saan ito ginagamit," sabi niya.
Binaba ni Sir. Takeshi ang tasang hawak nita saka kinuha ang gamot. Pagkahawak niya dito nakita na niya agad ang pinanggalingan ng gamot.
"Bakit?" tanong ni Zander nang mapansin niya ang pagbago ng expresyon ni Mr. Takeshi. Sigurado siyang may nakita.
"Wala. Mamayang gabi, daanan mo ko para sa result.
Tumango si Zander saka umalis. Napabuntong hininga si Mr. Takeshi at muling tinignan ang tabletang hawak niya.
Xia's POV
"Nasaan si Zander?" tanong ko nang mapansin kong lima lang kami.
"Hindi ko alam. Wala na siya pagkagising ko. Kayo ba? May sinabi ba siya sa inyo?" tanong ni Trevor sa iba.
"Wala," tugon ni Claude.
Pagkadating namin sa room, nandoon na si Zander. Nakasubsob ang ulo niya sa mesa habang may nakalagay na earphone sa tenga nito.
"Nandito na pala hinahanap mo," sabi ni Claude.
Gusto ko sana siya sagutin ngunit dumating si Sir. Navarro kaya nanahimik na lang ako at umupo. Habang nagtuturo siya kanina ko pa napapansin na patingin-tingin siya sa akin. Tinaas ko na lang ang notebook ko para matakpan ang mukha ko dahil hindi ako komportable sa pagtingin niya.
"Xia, pinapatawag ka ni Sir Navarro sa faculty niya," sabi ni Stella.
Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko. Kinakabahang tinignan ko sila Zander. Ano gagawin ko?
"Samahan ka na namin," sabi ni Trevor saka ako ningitian.
Nagpunta kami sa office ni Sir. Navarro. Habang palapit kami doon lalo ako kinakabahan. Pinagpapawisan na ang mga palad ko sa kaba.
"Hintayin ka na lang namin dito," sabi sa akin ni Trevor. Kumatok ako sa pintuan.
"Wag ka magpapahawak sa kanya at titingin sa mata niya," bulong sa akin ni Zander bago ako pumasok.
"Sir, pinapatawag mo raw ako?" sulat ko sa whiteboard.
Tumayo ito at sinundan ko naman siya ng tingin. Nagtunggo siya sa may pintuan para i-lock ito. Pansin ko laging walang ibang guro dito tuwing magpapunta siya ng istudyante.
"Oo. May itatanong lang ako sayo."
Hahawakan na sana niya ako sa balikat nang umatras ako at pasimpleng lumayo sa kanya.
"...."
"Narinig ko na naoperahan ka daw sa puso?"
Nagsulat ako sa whiteboard para sagutin siya.
"Yes sir."
"Kailan?"
"6 months ago."
"Ganyan ka ba talaga makipag-usap kahit sa mga teacher mo? Pwede ka naman magsalita, bakit gumagamit ka pa ng whiteboard?"
"Personal reason."
Sinubukan niya lumapit sa akin kaya agad ako nagtunggo sa pintuan.
"Alis na po ako sir," sulat ko. Mukha naman wala na siyang tatanungin sa akin. Ngumiti siya sa akin.
"Sige. Mag-iingat ka."
Lumapit siya sa pintuan kaya napaatras nanaman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto ngunit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Baka kasi mamaya hawakan niya ako habang nakatalikod ako. Kakaiba kasi ang ngiti.
"Pwede ka na umuwi," sabi niya kaya kumilos na ako. Dahan- dahan ako naglakad palapit sa kanya. Hindi pa rin kasi siya umaalis sa tabi ng pintuan.
"Sandali," rinig kong sabi niya. Naramdaman ko ang paggalaw niya sa likod ko at dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na ako nakagalaw. Mabuti na lang nahila ako ni Zander at napigilan niya ang kamay nito. Nawala ang ngiti ni Sir Navarro habang nakatingin sa kamay ni Zander.
"Sir, mauna na po kami," sabi ni Trevor.
Binitawan na ni Zander ang kamay niya saka ako inakbayan at sinama sa paglalakad niya. Pagkalayo namin, doon lang ako nakahinga nang maluwag.
"Numumutla ka. Ayos ka lang ba?" tanong ni Trevor.
"Ayos lang ako. Salamat," sagot ko saka ngumiti. Inalis ko na ang pagkakahakbay sa akin ni Zander. "Mauna na kayo umuwi. Dadalawin ko pa sila mama."
"Samahan ka na namin."
Umiling ako saka nagsulat nang mapansin ko na kanina pa ako nagsasalita sa harap nila. Dahil sa kaba ko kanina nawala sa isip ko ang whiteboard ko.
"Salamat pero gusto ko muna mag-isa kasama sila," sulat ko.
"Okay pero hayaan mo sanang ihatid ka namin."
Tumango ako at sumama sa kanila sa sasakyan.
"Salamat," pagpapasalamat ko pagkahatid nila sa akin.
"Sigurado ka bang magpapaiwan ka dito? Pwede ka naman namin hintayin," pamimilit sa ni Bliss.
"Salamat pero kaya ko naman umuwi mag-isa. Wag kayo mag-aalala, mag-iingat ako sa pag-uwi."
"Tawagan mo kami kapag nagbago isip mo. Pwede ka din namin balikan dito," sabi ni Trevor. Ningitian ko naman siya saka tumango.
Hinintay ko muna silang makaalis bago ako nagpunta kila Mama. Nilapag ko ang bulaklak na binili ko kanina. Napangiti ako nang makitang may ibang bulalak na nandoon. Ibig sabihin hindi lang ako ang nag-iisang dumadalaw sa kanila. Kung sino man siya, salamat sa pagdalaw niya kila papa. Kahit papaano masasabi ko na may nakakaalala pa rin sa kanila.
Itutuloy..