bc

Artificial Vampire [Completed]

book_age16+
547
FOLLOW
1.9K
READ
suicide
fated
powerful
drama
bxg
vampire
city
highschool
supernatural
lonely
like
intro-logo
Blurb

Isang experimento ang lihim na isinasagawa tungkol sa paglikha ng bampira sa pamamagitan ng paglagay ng bahagi ng katawan nito sa isang tao. Ngunit wala pang tao ang nabuhay pagkatapos ng operasyon hanggang sa isang dalaga ang hindi namatay pagkatapos nila ito operahan sa puso.

chap-preview
Free preview
Prologue
Isang trahedya ang bumago sa simpleng buhay ni Xia, ang dating masayahing dalaga ay naging isa na lamang tahimik at laging nag-iisa. Sa isang gabi pakiramdam niya nagdilim ang buong mundo niya, wala siya mapuntahan, wala siya malapitan, natatakot siya na oras na lumapit siya sa iba ay mapahamak lamang ito. Bakit? Isang katanungan na kahit siya ay hindi masagot. Isang araw, nagising na lang na may kakaiba na sa kanya, nagkaroon siya ng kakayahang na maaring ikapahamak ng mga taong malapit sa kanya. Natatakot siya kaya mas ginusto niyang mapag-isa, subalit kalungkutan ang bamalot sa kanya. Pagod na siya mabuhay, sawa na siya mag-isa, gusto na niya mamatay at sumunod sa pamilya niya. Para sa kanya mas mabuti nang mamatay siya dahil walang saysay ang buhay niya kung mananatili pa siya. Nagpunta siya sa pinakadulong bahagi ng rooftop at doon tumayo. Huminga siya nang malalim at pumikit. Nagdesisyon siyang magbilang ng sampu bago tumalon. "Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima..." bilang ni Xia habang nakapikit. 'Magkakasama na tayo Mama, Papa, Kuya at Rea.' sa isip niya. "Anim... Pito... Walo... Siyam... Sampu..." Hinanda na niya ang paa niya para tumalon ngunit isang kamay ang pumulupot sa bewang niya. "Siyet! Ano ba ginagawa mo?" galit na sabi ng isang lalaki habang yakap siya nito. Napadilat si Xia at natulala na lang sa hangin. 'Bakit? Bakit lagi na lang ganito? Ilang ulit ko na sinubukang patayin ang sarili ko pero lagi na lang ako hindi natutuluyan? Hindi ba ako welcome sa impyerno?' tanong niya sa kanyang sarili. "Kung magpapakamatay ka wag dito dahil damay ang school," sambit ng lalaki. ​​Nagpumiglas si Xia upang kumawala dito, wala siya ideya na darating ang araw na magiging kaibigan niya ang lalaking pumigil sa kanya at ang grupo nito na tinatawag na Melancholic Knights, binubuo sila ng limang magkakaibigan: Bliss, ang pinakamasayahin sa kanila, madaldal, makulit at nakakatakot kapag nagalit; Claude, ang babaero sa magkakaibigan pero mapagmahal sa kanyang kakambal; Claudine, mataray sa iba pero mabait sa mga malapit sa kanya; Trevor, mabait, maalaga at ang peacemaker ng grupo; at Zander, ang lalaking ilang beses na pumigil sa pagpapakamatay niya, seryoso at may pagkamisteryoso. Nang makikilala ni Xia silang lima ay nagkaroon siya ng rason para mabuhay, unti-unting bumalik ang sigla niya hanggang sa isang lihim ang natuklasan niya. Lihim na nagpabago sa buhay at pagkatao niya. Ano ang lihim na ito? Makakabuti ba ito o makakasama sa kanya? Masisilayan pa ba niya ang liwanag sa kabila ng kadilimang pilit na bumabalot sa kanya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Master and I

read
136.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

SILENCE

read
393.6K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook