Bloodline 3: The Child from Cursed Family Updated at Sep 3, 2022, 22:04
Cursed Family, ang tingin ng iba sa pamilya nila Zaira dahil sa nagmula sila sa mixed-blood race. Ang pagkakaroon ng mixed-blood ay maaring makalikha ng panibagong nilalang. Katulad na lamang ng: umbra, ito ay nabuo mula sa shadow demon at ibang nilalang; wizard, nagmula sa dragon at human; at eternal child, ang batang nabuo dahil sa pagkakaroon ng apat o higit pa na bloodline.
Noong isinilang ang unang eternal child nagdulot ito ng kaguluhan sa Outlandish dahil nagtataglay ito ng eternal blood, ang dugong nakakapagbigay ng eternal life sa iba. Simula noon ang sinumang pamilyang may eternal child ay itinituring na sinumpang pamilya.
Tinignan ni Zaira ang anak niya habang abot tenga ang ngiti.
Sumpa?
Sa mata ni Zaira, blessing ang anak niya.