"Morning," bati ni Oliver nang makita niya si Xia. "Morning," tugon ni Xia habang tuloy pa rin sa paglalakad, hindi na niya ito nilingon dahil akala niya isa lamang ito sa bantay na palagi siya binabati. Sinabayan siya ni Oliver sa paglalakad. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. Doon lamang siya nilingon ni Xia. "Ikaw pala yan. Sorry, hindi kita agad nakilala," sagot ni Xia sabay tago ng kamay niya sa bulsa ng jacket, ayaw niya na makita ito ni Oliver. "Ayos lang. Naabala ba kita? Nagmamadali ka yata?" tanong ni Oliver. "Hindi naman." Beep! Beep! Beep! Napalingon sila sa kotseng huminto at bumisina sa tabi nila. Bumaba ang bintana nito at nakita nila si Kia sa backseat. "Good morning Ate Xia!" nakangiting bati ni Kia habang kumakaway. "Kia, ano ginagawa niyo dito?" tanong ni Xia

