Xia's POV
"Nandyan na si sir!" sigaw ng isa sa mga kaklase namin; kasunod niyang pumasok si Sir Navaro.
Pagkakita ko sa kanya naalala ko muli ang nakita ko kahapon. Dahil doon hindi rin ako nakatulog nang maayos. Sino mag-aakalang ang gwapong guro namin ay isa palang ng bampira? Siguro hindi ko alam na dati pa akong may nakakasamang bampira. Hindi ko lang sila napapansin.
"Tignan niyo si Ynna. Kanina pa yan tulala. Ayos lang kaya siya?" sabi ng kaklase ko sa likod.
Lumingon ako kay Ynna. Kanina ko pa nga siya nakikitang nakatulala sa blackboard. Pati mga kaibigan niya hindi kinakausap. Para bang katawan lang niya ang nandito pero ang isip niya wala.
"XIA!"
"Oh?" sambit ko dahil sa gulat. Sinamaan ko ng tingin si Jason dahil nakapagsalita nanaman ako nang hindi oras. Bakit kasi bigla niya ako tinatawag?
"Tulala ka nanaman diyan. Nakaalis na si sir."
"Huh?"
Tumingin ako sa harap. Ayun! Wala na nga si Mr. Navarro. Hindi ko man lang alam na tapos na pala ang klase. Wala nga ako maalala sa tinuro niya. Masyado yata napalalim ang pag-iisip ko tungkol kay Ynna.
Napatayo ako nang mapansin kong palabas si Ynna ng room.
"Xia, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Jason pero hindi ko siya sinagot.
Nagmadali akong lumabas para sundan si Ynna. Pumasok siya sa cr at dumiretso sa pinakadulong cubicle. Tumayo ako sa tapat ng salamin habang pasimple siyang hinihintay lumabas.
"Xia, malapit na mag-umpisa ang klase. Wala ka bang balak pumasok?" tanong ni Bliss sabay pasok sa loob.
"Amoy dugo," sambit ni Claudine. Naglakad siya sa cubicle na pinasukan ni Ynna. Tumingin ito sa sahig kaya sinundan ko din ito ng tingin.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong may dugong umagos mula sa loob.
"Si Ynna!" sigaw ko. Tumakbo ako palapit kay Claudine para buksan yung pinto pero nakalock ito.
"Bliss, humingi ka ng tulong," utos ni Claudine saka ako pinaatras.
Bumalik si Bliss kasama sila Zander. Nilapitan nila ang pinto saka ito sinungkit upang mabuksan. Pagbukas, bumungad sa amin ang duguang katawan ni Ynna. Hawak pa niya ang kutsilyo habang nakasaksak ito sa puso.
Napatakip ako ng ilong at bibig saka lumabas. Kahapon lang ayos siya. Bakit bigla na lang siya nagpakamatay?
"Ano nangyayari dito?" napatingin ako kay Mr. Navarro nang marinig ko ang boses niya. Kausap niya ang mga istudyante na nakikisilip sa labas ng cr.
"Sir, may nagpakamatay po sa loob," tugon ng isa sa kanila.
Pumasok si Sir Navarro sa cr kaya bumalik ako ulit upang bantayan siya. Malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagpapakamatay ni Ynna.
"Buhay pa siya. Kailangan niya madala sa ospital agad," sabi ni Trevor.
Kinuha ni Bliss ang cellphone niya para siguro humingi ng tulong. Nakamasid lang ako sa kanila nang hawakan ako ni Zander sa kamay. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko man lang siya napansin sa tabi ko.
"Bakit?" tanong ko dahil sa pagtitig niya sa mata ko. Tumingin siya kay Sir Navarro bago ako hinila palabas.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta tuloy lang siya paglalakad hanggang sa mapadpad kami sa wala masyadong tao. Sinandal niya ako sa pader at nilagay ang mga kamay niya sa kabilaang gilid ng ulo ko.
"Bakit hindi mo sinabi?" tanong niya.
Natulala ako sa kanya dahil sa kinilos niya at sa takot na din. Parang galit kasi siya. Idagdap pa na nakakatakot siyang tumingin. Napalunok na lang ako ng laway.
Third Person's POV
Pagkadating ng ambulansya agad na isinugod sa ospital si Ynna.
"May nagpakamatay nanaman," komento ng isang babaeng istudyante.
"Bakit kaya ginawa ni Ynna yun? Ayos naman siya kahapon," sabi ng kaibigan ni Ynna.
"Kanina pa siya tulala. Baka may problema siya?"
"Bumalik na kayo sa mga klase niyo," utos ng isang guro.
Wala nagawa ang ib kundi bumalik dahil mag-uumpisa na ang sunod na klase. Huli nang bumalik sila Xia at Zander. Parehong walang umiimik sa kanila habang naglalakad.
"Saan kayo galing?" tanong ng guro nila. Ngunit walang sumagot sa kanila. "Oras ng klase nagliligawan kayo? Mga kabataan nga naman ngayon. Umupo na kayo."
Namula si Xia dahil sa sinabi nito. Mukha ba kaming nagliligawan? Ma'am, galing lang kami sa labas.
Hindi alam ng dalaga na kanina pa binabasa ni Zander ang isip niya. Ngumisi ito saka naglakad pabalik sa upuan habang si Xia nakayukong sumunod sa kanya.
"Xia, dadaan kang sementeryo?" tanong ni Bliss. Umiling ang dalaga bilang tugon saka sumunod sa kanila.
Habang naglalakad sila, nakita ni Xia si Stella na kausap si Mr. Navarro. Nagkasalubong ang kilay ng dalaga habang iniisip kung bakit sila magkausap.
"Gusto mo ba kausapin si Stella?" tanong ni Bliss.
"Sandali lang," sulat niya saka lumapit kila Stella. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-aalala sa kaibigan niya dahil sa nangyari kay Ynna. Baka matulad siya dito kung makikipag-usap siya sa kanilang guro. Alam niya na wala siyang sapat na ebidensya pero malakas talaga ang hinala niya na may kinalaman ito sa nangyayari. Natatakot din siya na baka siya din ang nasa likod ng suicide incident sa paaralan.
"Xia? Bakit mo ko hinila? Nag-uusap pa kami ni sir," tanong ni Stella.
"...."
Hindi alam ng kung ano isasagot niya. Natatakot siya na baka hindit ito maniwala kung sasabihin niya na bampira si Sir Navarro. Maaring pagtawanan lang siya nito o sabihang baliw. Napabuntong hininga ang dalaga bago biatawan si Stella at bumalik sa tabi nila Bliss.
Naiwang naguguluhan si Stella habang nakatingin kay Xia na naglalakad nang palayo.
"Stella, uuwi ka na ba? Sabay na tayo," sabi ni Jason nang makita siya sa daan.
"Mauna ka na. Pupuntahan ko pa si Sir Navarro. May ipapagawa daw siya sa akin."
"Sige. Ingat ka," sabi ni Jason sabay ngiti pero nawala din ito nang makalayo na si Stella.
Sa sasakyan...
"May gusto ka bang sabihin?" tanong ni Claudine kay Xia nang mapansin niyang pasulyap-sulyap ito sa kanila.
Agad na nagsulat ang dalaga sa whiteboard.
"Sabi niyo sa akin noon murder case yung nangyayari sa school."
"Oo, bakit?" tugon ni Trevor.
"Biktima din ba si Ynna?"
"Yeah. Kasama din siya doon."
"Paano naging murder case yun?"
"Lahat ng biktima may kagat ng bampira sa leeg. Nagpapakamatay sila hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil may nag-utos sa kanila o may kumokontrol kanila."
Napatingin si Xia kay Zander nang maalala nito ang galit na mukha nito. Saktong tumingin sa kanya ang binata.
"....."
Xia's POV
Maaga ako nagpaalam kila Bliss na matutulog na. Pagkahiga ko, muli ko nanaman naalala si Ynna. Pinilit ko siyang alisin sa isip ko para makatulog ako. Subalit lalo lang ako napaisip. Bumangon na lang ako nagresearch tungkol sa bampira. Pero wala din akong nakuhang matinong impormasyon.
Lumabas ako ng kwarto para magtimpla ng gatas.
"Bakit gising ka pa?"
"Ay multo!" sambit ko sabay bitaw sa kutsara dahil sa gulat. Pagtingin ko sa likod, nakita ko si Zander. Pinulot niya ang kutsara at nilagay sa hugasan saka ito kumuha ng bago.
"Hindi ka makatulog?" tanong niya habang inaabot sa akin ang kutsara.
Tumango ako bilang tugon saka hinalo ang gatas. Nakatayo lang siya sa tabi ko habang inuubos ko ang gatas.
"May gatas ka pa," aniya sabay punas sa gilid ng labi ko.
Bumilis nanaman ang t***k ng puso ko, lalo na nang dumikit ang kamay niya sa mismong labi ko.
"S-salamat."
Tinuon ko na lang sa paghuhugas ng mga ginamit ko habang hinihintay na kumalma ang puso ko.
"Tulog na ako. Good Night," sabi ko sa bago bumalik ng kwarto.
"Sweet dreams," sagot niya. Napangiti ako bigla dahil akala ko hindi siya sasagot sa good night ko. Sa hindi malamang dahilan natuwa ako sa sinabi niya.
Kinabukasan, sabay na pumasok sina Stella at Mr. Navarro. Bakit sabay sila? Magkasama ba sila kanina?
Kapansin-pansin ang mga ngiti ni Stella sa labi habang naglalakad ito. Gusto ko sana siyang kausapin tungkol kay Sir pero baka hindi siya maniwala. Babantayan ko na lang siya ng palihim.
Kumuha ako ng papel saka sumulat.
"Pwedeng pabor?" sulat ko sabay abot ng papel kay Jason. Binasa niya ito saka nagsulat doon.
"Sige, basta ikaw. Ano ba yun?" basa ko sa sulat niya.
"Pwede mo bang bantayan si Stella para sa akin?"
"Okay."
"Thank you."
"Welcome."
Pagkabalik niya ng papel sa akin. Nilukot ko ito at nilagay sa bag.
"Ms. Delos Reyes, pumunta ka sa faculty mamaya bago ka umuwi. May ipapagawa ako sayo," utos ni Sir Navarro.
"Yes Sir," tugon ni Stella.
Napakunot ang noo ko. Ano ipapagawa ni Sir sa kanya? Bakit hindi na lang niya dito sabihin? Kailangan pa pumunta ni Stella sa faculty. Hindi ito pwede. Baka ano gawin niya kay Stella.
"Hindi ako makakasabay sa inyo pag-uwi. May gagawin pa ako. Una na kayo," sulat ko sa whiteboard pagkatapos ng klase.
"Ano gagawin mo?" tanong ni Bliss nang mabasa niya ito.
"May pupuntahan kami," sagot ni Jason sabay akbay sa akin. Medyo nagulat pa ako sa pagsulpot niya. Hindi ko rin inaasahan na tutulungan niya ako.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Trevor habang salubong ang kilay.
"Date," tugon ni Jason. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Magpapaliwanag na sana ako ngunit tinakpan ni Jason ang bibig ko saka ako ningitian.
"Sige. Ingat kayo," sambit ni Trevor bago ito tumingin sa akin. "Tawagan mo kami kung kailangan mo ng tulong. Mag-iingat ka sa daan. Wag kang masyado magpagabi."
Tumango naman ako bilang tugon. Nang makaalis sila, hinila ko agad si Jason papunta sa faculty. Hinawakan ko ang pintuan at tulad noon, nakita ko ang nangyayari sa loob. Nakaupo si sir habang nakatayo lang sa harap niya si Stella. May sinasabi sila pero hindi ko ito marinig. Mas ako kinabahan nang mapansin ko na dalawa lang silang nasa loob.
Tumayo si Mr. Navarro upang lapitan si Stella. Tinaas niya ang kamay para hawakan sa mukha si Stella. Sa takot ko na baka kagatin niya si Stella, kumatok ako sa pinto.
Nang makita ko si Sir na papunta sa pinto, hinila ko si Jason para magtago.
"Bakit tayo nagtago?" bulong niya. Sumenyas ako na wag siya maingay habang hinihintay kong bumukas ang pinto.
Lumabas si Mr. Navarro. Tumingin ito sa kaliwa't kanan hanggang sa mapalingin siya paanan niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko doon ang marker ko. Hindi ko ito napansin na nahulog kanina. Pinulot ito ni Sir Navarro. Ano gagawin ko? Paano kung malaman niya na gamit ko yun?
"Ms. Delos Reyes, bukas na lang tayo mag-usap. Gabi na. Baka mapaano ka sa labas," sabi nito habang nasa labas pa rin. Bakit pakiramdam ko sinadya niya lakasan ang boses niya para marinig namin?
"Sige po Sir. Alis na po ako."
Pagkaalis ni Stella, sinundan namin siya hanggang sa makauwi ito. Gusto ko makasigurado na walang masamang mangyayari sa kanya.
"Bakit ba natin siya sinundan? Wala ka naman balak kausapin siya," tanong ni Jason habang nakatanaw ako sa bahay nila Stella.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba kay Mr. Navarro?" tanong ko.
"Wala naman. Bakit?"
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko din pwede sabihin sa kanya ang lahat.
"Wala. Tara uwi na tayo."
Kailangan ko malaman ang tungkol kay Mr. Navarro. Kung tama ako may kinalaman sa pagkokontrol ng tao ang kapangyarihan niya.
"Salamat."
Bumaba na ako ng sasakyan. Pagkasara ko ng pinto, nagsalita bigla si Jason.
"Walang anuman. Ingat ka sa kinikilos mo. Baka ayan pa ang ikapahamak mo."
Napakunot ang noo ko. Ingat saan? Ano ibig niyang sabihin? Tatanungin ko sana siya pero nakaalis na ito.
Itutuloy...