KABANATA 10

1756 Words
Hindi ako mapakali. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawa? Panay ang tingin ko sa labas. Nasa gilid lang sila ng isang poste, doon sila nag-uusap. Nakikita ko sa aking gawi si Alejandro na nakapameywang at nagkakamot ng ulo. Para siyang laging may kuto. Hmm...totoo ba 'yong sinasabi ni Rica na...siga pa sa siga si Alejandro? Tapos anong pagmamay-ari? Uupakan ko 'yon kapag nagkita kami ulit. "Betty!" "Ay palaka!" Muntikan na akong mapaso sa kaldero ng mainit na sabaw sa gulat. "Lola Lotlot naman!" Napatingin ako sa isa sa mga suki namin. "Kanina pa ako nag-uusap. Nasaan ba ang mga mata mo ah?" Mataray niyang sambit. "Sorry naman la. May tiningnan lang" ngumiti ako ng matamis. "Ano po ba ang gusto niyo?" "Luto na ba ang sinigang?" "Opo. Isang order po ba?" "Oo. Nagugutom na ako. Iinom pa ako ng gamot" "Sige po. Coming up! Dagdagan natin isang manok" bulong ko ng mahina. "Ayan ang gusto ko sa'yo Betty. Salamat" Kaagad kong ginawa ang order niya. Dito 'yan kakain kaya naghanda agad ako ng platito sa ulam tsaka isang order ng kanin. Habang nagsasandok ng kanin ay muli akong tumingin sa kanilang gawi. Nakita ko na wala na sila doon. Luh? Nasaan na 'yong dalawa. Hahanapin pa sana ng mata ko nang makitang pumasok si Rica na matamlay. "Anong nangyari?" Tanong ko bago ko sinerve kay Lola Lotlot ang order niya. Tumingin siya sa akin. "Nag-sorry siya sa akin" Natigilan ako. "Totoo?" "Oo. Sabi niya...sorry kasi ginagamit niya lang daw ako" nagsimula siyang umiyak ng mahina. Napatingin ako kay Lola Lotlot. Buti na lang, mahina pandinig neto. Kahit medyo takot, lumapit ako at tinapik ang kaniyang likudan. "Okay lang 'yan Rica—" "Hindi okay teee. Bakit siya mag-so-sorry? Okay lang naman na gamitin niya ako" putol niya sa akin. Napailing ako. Ako na naaawa para kay Rica. Hindi ko akalaing ganito siya ka-desperada sa pag-ibig. "Maghanap ka ng lalaking magpapahalaga sa'yo. Huwag mong hayaang i-take advantage ka" "Asus Betty, nasasabi mo 'yan kasi babae ka. Eh ako? Bading ako! Walang magpapahalaga sa akin" "Mayroon 'yan. Gusto mo hanapan kita?" "Lokaret. Baka sa'yo lang magkagusto" "Hindi!" Pamimilit ko pa. "Hahanapan kita ka-blind date" Sumilip siya sa akin at mataray akong natitigan. "Tss. Gusto mo lang ako mabaling sa iba kasi sa'yo may gusto ang bebeluvs ko" Ngumiwi ako. "Walang gusto sa akin si Alejandro" "Asus. Hindi naman niya ako lalayuan kung wala siyang babaeng...gusto. Mang-aagaw ka luka!" Hinila niya ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit sa talukap. "Aray ko naman Baccla" "Last na trabaho mo na dito ngayong araw" malamig niyang sambit. "Teka lang naman Rica—" "Final na. Ayaw kita makita" muli itong umiyak bago naglabas ng wallet. Ibinigay niya ang sahod ko sa isang buwan. "Ayan na ang huling sahod mo!" Giit niya bago siya umalis. Napatanga na lang ako at hindi nakaimik. Katulad ng sabi ni Rica, tatanggalin na niya ako sa trabaho. Wala na akong magagawa doon. Isa pa, may plano na rin naman ako. Napaaaga nga lang. Bumuntong hininga na lang ako bago ako bumalik sa pagtatrabaho. ______________ Alejandro's POV... "Bebe luvs. Na-miss kita" Sinunggaban ako ng yakap ni Rica. Ngumiwi ako. Nararamdaman ang disgusto at ilang sa pakiramdam. Tinitiis ko ito noon pero ngayon hindi na talaga. Mahina ko siyang tinulak palayo sa akin. "Mainit hehe" kumamot ako ng batok. "Sensiya na!" Kaagad naman siyang bumitaw at nagpunas ng luha. Inipit nito ang takas na buhok bago pabebeng tumingin sa akin. "Bakit hindi ka na nag-message ha? Kamusta ka? Nangangayayat ka!" Hinawakan niya pa ang braso at tiyan ko kaya ako lumayo. Tsansing. "Ah...okay lang ako. Diet!" Tumawa ako ng nakakailang. Puta. Bakit ko nga ba ito ginawa ulit? Napatingin ako sa gawi ng karinderya. Nakita ko si Betty, natingin sa aming gawi. Ngumisi ako. Chismosa. "Uy Alejandro!" Muli akong napalingon kay Rica na nakangiti ng bongga. "Gusto mo ba mag-date tayo? Libre ko!" Offer pa niya. Mabilis akong umiling. "Huwag na. Saglit lang 'to. May sasabihin lang ako" "Ano 'yon?" Kita ko ang pagkislap ng takot sa mata niya. "Pwede bang...huwag mo na ako kulitin?" "H-ha?" Minasahe ko ang batok. "Sa totoo lang, alam mo naman sigurong hinuhuthutan lang kita di ba?" Natigilan si Rica bago mas lalong ngumiti. "Okay lang naman ah? Alejandro—" "Hindi okay. Hindi ko talaga gusto na hinahawakan mo ako" Kita ko ang sakit na bumalatay sa mata niya. Sanay na ako manakit. Marami na rin akong nasaktang mga babae pero bakit parang kinokonsensiya ata ngayon. Bakit napagtanto ko na ang laki ko pala talagang gag0? "Hindi talaga gusto. Alam mo naman 'yon hindi ba?" "Bakit mo ito sinasabi bebe luvs?" "Gusto ko lang na humingi ng pasensiya. Gago ako e" mariin akong pumikit. Bakit ang cringe? "Hindi mo kailangan humingi ng pasensiya. Naiintindihan ko naman e" Umiling ako. "Hindi. Ginamit kita talaga kaya pasensiya. Sorry talaga. Sana hindi mo na ako kulitin. Wala na rin akong tatanggapin na kahit ano mula sa'yo" "Bakit? Pwede mo naman akong gamitin—" "Ako na ang problema. Hindi ikaw. Tigilan mo na ako ah? Salamat pare..." sinapo ko ang noo. "Este...mare" Tinapik ko ang balikat niya bago ako tumalikod at umalis. Narinig ko ang pag-iyak niya bago ko nasilayan ang pagbalik nito sa karinderya. Tahimik akong nagtago at sinilayan ang karinderya. Nakita ko na nag-uusap silang dalawa. Ano kayang pinag-uusapan nila? Sana naman okay na sila ano? Okay na siya tss. Nakita ko na may inabot si Rica bago ito umalis. Saan 'yon pupunta? Ayos na kaya? Baka sisihin na naman niya ako sa pagmamalupit ng amo niyang bading. Ngumisi ako. Makabalita kaya? Nang makitang wala na, tsaka ako nagmamadaling lumapit. "Hello Bettywaps!" Kaagad itong napatigil. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Betty nang makita ako. Nakaipit ang mahaba nitong buhok. May suot siyang apron at walang ka-make-up pero... Maganda pa rin. Umupo ako doon sa may counter nila. Itinukod ko ang braso doon. "Ano? Kamusta sinabi sa'yo ni Rica?" Panigurado matutuwa na siya ngayon kasi sinunod ko siya ano— "Oorder ka ba o hindi? Hindi ito oras para makipagchismisan" Kaagad naglaho ang aking mga ngiti sa kaniyang sinabi at sa paraan ng kaniyang titig. Aba, sinasamaan ako ng tingin. "Luh. Bakit ba ang sungit mo na naman?" Pinaningkitan niya ako ng mata. "Ano? Oorder ka ba?" Teka. Hindi ito ang inaasahang reaksyon niya. "Chill ka ganda. Papangit ka niyan" pagbibiro ko pa. Baka masama lang ang gising niya— "Lumayas ka na kung wala kang bibilhin!" Inis niyang sambit. "Luh" napahawak ako aking dibdib, naguguluhan. "Anong ginawa kong masama sa'yo?" Mali pa ba 'yong pagso-sorry ko kay Rica ah? Mahirap ba talaga siyang pangitiin? Gusto ko ulit makita 'yong ngiti niya no'ng sa hospital. Tinaasan niya ako ng kilay. "O-oorder o hindi?" "Oh siya. Oorder" kumunot ang noo ko bago umupo ako ng ayos. "Ale, isa nga pong order ng kanin tsaka crispy pata" diniinan ko pa 'yong salitang 'Ale'. Para siyang matandang dalagang virgin na ang sungit-sungit. Kulang siguro siya sa isang round. Sabi na e. Dapat dinalawa ko na. "Wala kaming pata" masungit niyang saad. "Anong wala?" Tinuro ko 'yong crispy pata na nakadisplay. "Ayan oh" "Naka-reserve na" dahilan niya. "Oh siya menudo na lang" "Wala ng menudo" "Anong wala? Ayan oh" turo ko ulit. "Kaldereta 'yan" "Oh siya Kaldereta" "Hindi pala. Afritada 'yan" "Oh siya kahit ano" naiinis na ako. "Walang available. Sa iba ka na lang kumain" mas lalo niya akong sinamaan ng tingin. Baka masama lang ang pakiramdam. Napakamot na lang ako sa batok. "Sungit mo naman" Naiinis akong tumayo. Aalis na nga lang at aayain ko sina Jepot mag-inom. "Teka lang" napatigil ako sa paglakad. Ngumiti ako ulit bago ako lumingon. "Yes, ganda?" "Mag-usap tayo mamaya" giit ni Betty. Ngumisi ako. "Usap lang?" "Gusto mo sapak?" Tinaas niya ang kamao. Tumawa lang ako bago ako dire-diretsyong umalis. Hmm...ano kaya pag-uusapan namin mamaya? ___________ Betty's POV... Maaga naubos ang mga paninda kaya maaga rin akong nakapaglinis. Bilang pagpapahalaga pa rin sa pagbibigay ni Rica sa akin ng trabaho ay nilinis ko ng masinsinan ang kaniyang karinderya. Mula sa pinakasulok-sulokan ay nilinis ko rin. HAIST. Mami-miss ko din itong karinderya pero siguro ito na ang tamang panahon para lisanin ito. Bye Karinderya. Bagong trabaho naman ang papasukin ko. Habang nagsasalansan ng mga kaldero ay bigla akong may naalala. Kaagad namula ang mukha ko. Bigla kong napagtanto na...may history pala ako ng kalaswaan dito. Sorry Rica. Masarap ang manoy ng bebe luvs mo. Huminga ako ng malalim bago ko tinapos ang lahat ng gawain. Sinigurado kong lock ang pinto at secured bago ako umalis. Hmm...ano kayang mabiling ulam? Siguro bibili na lang ako barbeque diyan sa may bayan. "Bettywaps!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Oo nga pala. Sinabi ko sa kaniya na magkita kami. Hindi ko kasi siya makakausap kanina at naiinis rin ako sa kaniya! "Ano? Anong pag-uusapan?" Humarap siya sa akin habang nakaplastra 'yong nakakainis niyang ngisi. Tumingin ako sa paligid bago ko siya hinawakan sa kamay at hinila. "Asus. Miss mo na naman ba ang manoy ko?" Natatawa niyang sambit nang tumigil kami sa likod ng karinderya. "Hindi noh!" Naiinis kong sambit bago ko siya bitawan. "Huwag ka na pakipot" Napasinghap ako nang bigla niyang hapitin ang aking bewang. "Ano ba!" Tinulak ko siya. "Huwag ka nga tsansing" Tumawa si Alejandro bago niya ako sinandal sa pader. Pininid niya ang isang kamay sa gilid ng ulo ko bago ang isa sa bewang ko. "Bakit ka masungit ah?" Tanong niya. Naramdaman ko ang init ng katawan niya mula sa aming distansiya. Huminga ako ng malalim dahil nararamdaman ko ang pagbigat ng aking paghinga. Inangat ko ang tingin at nakita ko ang tutok na titig niya sa akin. Seryoso ang mukha niya kaya naiilang ako. "Bakit hindi ako magsusungit ah?" Pinilit kong tapangan ang aking sarili kahit nararamdaman ko ang pagpisil niya sa bewang ko. "Bakit nga ba? Dapat maging masaya ka. Nag-sorry na nga ako hindi ba kasi sabi mo mag-sorry ako?" Suminghal ako. "Wow. So nag-sorry ka dahil sa akin? Hanep ka!" Tinulak ko siya ng mahina pero hindi siya gumalaw. Mas lalo pang naging mariin ang titig niya. "Baka nga tama si Rica. Baka nga gusto kita?" Tumigil ang paghinga ko. "A-ano?" Hinagod ni Alejandro ang mga mata mula sa aking mga mata bago sa labi. "Hindi ko din maintindihan sarili ko e. Bakit nga ba ginagawa ko ang gusto mo ganda? Baka nga gusto kita?" Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Shuta naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD