KABANATA 11

1465 Words
"Ako? Gusto mo?" Tinuro ko ang sarili matapos ko maproseso ang sinabi niya. Tumango si Alejandro. "Tingin ko" Napasinghal ako. Hindi ako makapaniwala na bigla siyang aamin. "Tigilan mo ako sa pagbibiro mo" "Hindi ako nagbibiro" tinuro niya ang sarili niya. "Seryoso 'to" "'Yang mukhang 'yan?" Tinuro ko din ang mukha niyang puro katarantaduhan ang mukha. "Oy pogi ko kaya" kumindat siya dahilan para malukot ang mukha ko. "Tigilan mo nga ako uy" Umiling ako bago ko siya tinulak palayo sa akin. Tumatawa siyang lumayo kaya nakawala ako sa pagkakakulong niya sa akin sa kaniyang bisig. "Totoo nga kasi" Mariin akong pumikit tsaka ko minulat ang mga mata ko. "Wala akong pakielam. Magkagusto ka kung gusto mo" "E ikaw? Ayaw mo ba sa akin?" Hinanap niya ng mata niya ang mga mata ko, halatang gusto niya malaman. "Malamang hindi. Gago ka e. Hindi ako basta basta pumipili ng lalaki. Gusto ko 'yong mayaman at maraming pera" "Aw! Saklap" sinapo niya ang dibdib. "Ang sakit mo" "Dapat lang ano" nameywang ako sa harapan niya. "Teka nga lang. Hindi naman iyan ang dahilan kung bakit kita dinala dito" "Ano ba 'yon?" "Natanggal na ako sa trabaho" Nanlaki ang mata ni Alejandro. "Teka. Bakit?" "Anong bakit? Ayaw niya makita mukha ko kasi ako pa rin ang sinisisi niya kung bakit ka tumamlay sa kaniya" "Ikaw pala may kasalanan e" biro pa niya. "Ikaw may dahilan ng lahat ng ito" huminga ako ng malalim. "Sorry na. Magre-request ako kay Rica kung pwede kang ibali—" "Huwag na" putol ko. "Okay lang. May nahanap na naman akong ibang pagkakakitaan tsaka hahanap na lang ako ibang trabaho" "Gusto mo maging bed warmer ko?" Hindi ako makapaniwalang tumitig kay Alejandro. "Kaya mo limang libo?" "Char" tumawa ito ng malakas. "Lugi ako sa'yo. Sa club nga pwede na 250" "Edi doon ka" "Hindi. Sa'yo lang ako ganda" kumindat siya. Halos malukot ang mukha ko sa kadirian. "Pwede ba Alejandro, kahit anong landi mo sa akin, hindi 'yan tatalab—" napatigil ako nang may maalala. "Teka nga pala. Anong sinasabi ni Rica na minarkahan mo daw ako bilang pag-aari mo?" Kaagad siyang napaiwas ng tingin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagka-guilty. "Pinalalahanan ko lang naman sila" Pinagkrus ko ang mga braso sa aking dibdib. "Kailan mo pa ako naging pagma-may ari at tama ba ako ng parinig? Siga ka dito?" "Hindi lang halata pero hari ako ng mga siga" ni-flex niya ang muscle. "Kaya safe ka. Hindi ka babastusin kasi pagmamay-ari kita" "Hindi ako pagmmay-ari ng kung sino Alejandro" seryoso kong sambit. Ibinaba niya ang bukol niyang muscle bago ngumisi. "Paano ba 'yan? Pagmamay-ari na kita. Reyna ka na ng hari dito" Nilapitan ko siya at pinitik ko ang kaniyang noo. "Aray naman" daing niya. "Tigilan mo nga ako Alejandro. Hindi ako magiging Reyna lang ng isang hari-harian dito" "Oh siya slave na lang kita—" Piningot ko siya. "Aray ko!!!! Betty naman! Aray!" "Tigilan mo ako Alejandro ah?" "Paano kung ayaw kong tumigil? Gusto talaga kita e" Suminghal ako sa kapal ng pagmumukha niya. "Kakadiri ka" "Hindi nga seryoso. Liligawan kita" "Bahala ka na. Bye!" Binitawan ko ang kaniyang tainga bago ako dire-diretsyong umalis. ________________________________ Hindi ko alam kung lumuwag ba ang turnilyo sa utak ni Alejandro. Bakit naman bigla iyong umaamin? Anong pumasok sa kakapiranggot niyang utak? Tss. Oo pogi siya. Matikas. Masarap ang performance. Pero hindi ako babaeng easy to get na basta na lang papatol. Nadala na ako sa tatay ng anak ko. "Kilala mo ba si Alejandro?" Tanong ko kay Jevie. Naandito kami sa apartment niya kasi inaayos ko na ang mga ibebenta kong mga damit. Kakarating lang ng mga order ko. Sa kaniyang apartment ako mag-la-live kasi may wifi. "Oo naman. 'Yong poging tambay?" Kaniyang sambit habang tinutulungan ako mag-ayos ng damit. Natawa ako sa katagang 'tambay'. "Oo 'yon nga" "Bakit? Kilala mo?" "Oo. Siya 'yong naging customer ko" "Puta" bumunghalit ng tawa si Jevie sa aking sinabi. "Totoo ba?" Nahihiya akong tumango. "Okay na. Bobo okay?" "Walang pera iyon. Aba alam mo bang sakit ng ulo ng ina 'yon? Pariwara na iyon tapos laging nakikipagbugbogan sa kanto" Napangiwi ako. Kaagad akong umiling sa sarili. Mas lalong No no no. Baka nga nagbibiro lang siya. "Anyway, kamusta naman? Balita ko masarap daw 'yon ah?" Namula ang pisngi ko at hindi nakatakas kay Jevie iyon. "Hmm.. mukhang totoo ang chika. Bet ko din siya talaga kaso gusto ko binabayaran ako e. Hindi ako bubukaka hangga't walang pera" Huminga ako ng malalim. "Binayaran ako" "Weh? Totoo?" Nanlaki ang mata niya. "Oo kaso...umisa" mas lalong namula ang pisngi ko. "Hmm...." sumingkit ang kaniyang mata. "Mukhang ayos sa'yo ang performance ah?" "Ayos" kinagat ko ang labi. "Sabi niya may gusto siya sa akin" "Nako. Huwag mo patulan ah?" Mabilis akong tumango. "Hindi naman talaga" "Goods. Maghanap ka ng matino. 'Yong aalagaan kayo ni Kokoy" "Alam ko naman iyon" Huminga ako ng malalim bago ko pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga ititinda ko. Kinabukasan, maaga ako nagising para sa paghatid kay Kokoy sa school. "Galingan mo sa room ah? Huwag ka pasaway" lagi kong bilin bago ko ibigay 'yong baon niyang pagkain tsaka bente pesos. "Sige nay. Ba-bye!" Kumaway lang si Kokoy bago pumasok sa loob. Nag-stay pa ako saglit doon bago ako dumiretsyo sa palengke para mamili ng lulutuin ko mamayang tanghali. Pagkarating ko sa bahay may isang bulto ng lalaki ang naghihintay sa tapat ng bahay ko. Isang lalaking nakadisente ang suot. Parehas na kasuotan no'ng nakita ko siya sa bar. Kaso ngayon, hindi na ako maloloko pa. "Eto ba talaga 'yon Jepot? Kapag ito mali uupakan kita!" Rinig ko pang sambit niya sa isang kasamahan niya. Tiningnan ko 'yong kasama. Halatang tambay din sa kanto ah? "Oh Betty, may naghahanap sa'yo na pogi" sabi sa akin ni Madam Halley. Siya 'yong land lady ng inuupahan ko. Mukhang narinig iyon ni Alejandro. Mabilis lumihis ang mga mata nito sa direksyon ko. "Betty!" Ang ilang kapitbahay ay napatingin sa akin. Alam ko na ito. Mga usyusero. Napasapo ako ng noo. Paano naman niya nalaman ang bahay ko? "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad. "Kaya naman pala e. Maganda pala" rinig ko pang sabi nong Jepot. Nararamdaman ko ang tingin ng mga kapitbahay namin dahil sa kaniya. Hanep. May mga paparrazi. "Anong ginagawa mo sa bahay ko?" Tanong ko sa masungit na tono. Ngumiti si Alejandro ng matamis bago hinagod ang kaniyang buhok. "Gusto mo ng magic ganda?" Tanong niya bago siya may kinuha sa tainga ko at biglang may hawak na siyang rosas. "Oh for you..." nilahad niya iyon sa akin. "Ayieeeeeeeeeeee" huthot no'ng Jepot. "Ang Alejandro namin, pumapag-ibig na" "Huwag kang ganiyan Jepot" may bakas ng mapaglarong ngisi sa mukha nj Alejandro habang nakalahad pa rin ang rosas sa harap ko. Nanatili aking pokerface. Hindi ako natutuwa. "Wow. Galing mo" sarkisto kong saad. Inirapan ko lang siya bago ko nilampasan at pinagsarhan ng pinto. Nilakasan ko ang pagsara para malaman niyang hindi ako natutuwa. Napasapo ako ng noo. Hindi nga ako ginugulo ni Isko. Mukhang mayroon na namang gugulo sa akin. ______________ Alejandro's POV... "Tigilan mo ako Jepot!" Inis kong sambit habang hinuhubad itong polo ni Eduardo na sobrang init. Sayang pagpapapogi ko. Napagsarhan ng pinto. "Hindi ko mapigilan pare. Nakakatawa kasi..." kanina pa siya humahagalpak ng tawa. Inis akong nagtungo sa sari-sari store ni Flora at umutang ng softdrinks. "Aba. Ang haba-haba na ng listahan mo Alejandro. Bago ka manligaw, baka naman gusto mo magbayad! " masungit na sambit ni Nay Flora. Napahawak ako sa dibdib ko. Sapol na sapol ako ah? "Oo na Nay. Wala na nga pera oh. Hindi na nga ako pinansin oh! Ganiyan ka pa" Sakit sa dibdib. "Jusko. Hindi ka papatulan ni Betty" giit pa nito. "Marami na sumubok diyan. Lahat bokya!" Giit pa niya. Napakamot ako ng buhok. "Huwag kang ganiyan Nay Flora. Sumusubok pa lang e" "Nako. Nako. Nako!" Umiling lang si Nay Flora at hindi na ako inentertain. Paano ko ngayon liligawan si Betty? Gusto niya maraming pera. Kaya ang sungit-sungit niya sa akin e. Bakit kasi sa dami ng babae, sa kaniya pa ako nagka-interes? "Huwag ka mag-alala pare, first move mo pa lang naman. Baka lumambot din" "Haist. Paano ko kaya siya mapapasaakin?" "Edi magpa-impres ka" "Paano nga Jepot?" Simula no'ng malaman kong single mother siya, alam kong hindi na siya basta-bastang babae kaya parang mas gusto ko pa siya habulin e. Basta. Para sa akin, napakainteresante niya. "Kailangan mong mahanap ang kiliti niya" suggest ni Jepot. Kiliti? Natigilan ako nang may napagtanto. "Alam ko na gagawin Jepot!" Napatalon ako sa tuwa. "Wala akong pera. Tanging itsura at masarap lang ang kaya kong ipagmalaki pero may alam kong sandata para sa puso ni Betty" "Ano 'yon?" Lumawak ang aking ngiti. "Ang kaniyang anak"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD