Alejandro's POV...
"Kilala mo ba kung sino anak niya?" Iyon ang tanong ni Jepot sa akin.
Nasa may tapat kami ng junkshop kung saan nagtatrabaho si Jepot. Kasalukuyan akong nakaupo sa tambak na mga kariton habang kumakain ng mani.
"Oo. Nakita ko" sagot ko.
Nakita ko ang itsura ng anak ni Betty sa hospital. Isang batang lalaki.
"Kung ganoon, madali mo na pala siya mahahanap"
"Oo. Gagamitin ko ang anak niya" ngumisi ako.
Base sa mga napagtanungan ko at pati na rin sa mga informant ko sa bawat baranggay, napag-alaman ko kung saan nag-aaral 'yong bata.
Kaso iniisip ko kung paano ko lalapitan.
"Kailangan may pangsuhol ka para makuha mo loob ng bata"
Napakamot ako ng batok. "Wala nga akong pera e. Pwede na kaya dos do'n?"
"Laruan pare?"
"Wala ngang pang-softdrinks, laruan pa"
Namumulubi na ako ah? Haist. Paano ako gugustuhin ni Betty nito?
Ang mahal kasi makaisa sa kaniya e.
"Eh paano kung kidnapin natin 'yong bata?" Suhestiyon ni Jepot. Humarap siya sa akin bago tuwang tuwa sa naisip. "Gawin nating pain 'yong bata para maaya mo mag-date 'yong nililigawan mo. Tapos ganito sasabihin mo" tumikhim si Jepot bago nilaliman ang salita. "Kung gusto mo mabawi ang anak mo, kitain mo ako. Magda-date tayo"
"Hmm...magandang ideya"
Mas lumapad pa ang ngiti niya. "Talino ko talaga ano?" Nameywang pa siya sa harapan ko.
"Oo nga e? Payakap nga pare" ngumiti ako.
"Walang anuman pare—aray ko naman!"
Binatukan ko nga.
"Talino mo talaga sa kalokohan ano?!" Singhal ko. "Gusto mo ba akong masapak ni Betty? Kapag kinidnap ko anak niya, panigurado papatayin ako no'n" hinawakan ko ang dibdib ko. "Papatayin niya ang puso kong patay na patay sa kaniya"
"Eh ano bang dapat gawin?" Minasahe ni Jepot ang batok.
"Ako na bahala Jepot! Mapapalambot ko din si Betty"
Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na rin ako.
Mga dapit hapon, nagsuot ako ng magandang damit.
Sinuot ko 'yong shirt ni Eduardo na imported. Galing america pa ito kaya panigurado makukuha ko loob no'ng anak ni Betty.
Kailangan hindi ako mukhang masamang loob.
Tumingin ako sa salamin.
Bahagya akong nagulat sa nakita ko.
"Uy, si Daniel Padilla ba 'to?" Turo ko sa salamin.
Napatigil ako saglit bago ko napagtanto na ako lang pala 'yon.
Pagkabihis ko ay nagtungo ako sa may bayan. Bibili ako ng laruan. Nag-stick na lang ako sa plano na 'yon kahit pa paubos na pera ko.
Balikan ko ba si Rica?
Napailing ako.
Hindi maaari.
Mukhang kailangan ko humanap ng sideline ah?
Nakakatamad.
Naglakad ako papuntang bayan dahil sayang pamasahe.
Habang naglalakad palabas ng kanto namin, may biglang batang bumangga sa akin. Para hindi kami parehas matumba, sinalo ko siya ng katawan ko.
"Oh bata! Mag-ingat ka!" Suway ko.
Tumingin ako sa bata at muntikan na akong magpasalamat sa diyos nang makita ko kung sino 'yon.
Anak ni Betty!
"Uy Anak ni Bet—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang lumayo at nagtago sa likuran ko.
"Itago niyo po ako Manong" giit ng batang lalaki.
Hindi ko maintindihan kung bakit pero nang makita ko ang apat na mga batang lalaki na tumatakbo patungo sa akin ay napagtanto ko kung anong nangyayari.
"Hoy! Kokoy hindi pa tayo tapos ah!" Giit ng isang batang lalaki na payatot. Nakatirik pa ang buhok.
Sinilip niya si Kokoy sa likuran ko pero kaagad kong hinarang ang katawan.
"Hoy, anong problema mga bata?" Tanong ko. Pinasiga ko ang boses.
"Huwag ka po mangielam kuya. May atraso sa amin 'yan!" Giit naman ng isang uhugin na bata.
"Wala akong atraso sa inyo. Kayo ang nagsimula!" Giit ng batang nasa likod ko.
"Anong kami? Kinalmot mo itong si Bato e" pinakita no'ng tirik na buhok 'yong kalbo niyang kaibigan na mayroong sugat sa braso. Parang kalmot iyon.
"Sus parang kalmot!" Giit ko naman. "Ang weak niyo naman. Tama bang pagtulungan niyo dahil sa simpleng kalmot"
"Pake mo ba Kuya!", giit no'ng nakatirik ang buhok. "Huwag kang makisali!"
Aba. Ang tapang ah.
"Manong nauna sila. Sabi nila wala daw ako tatay" paliwanag pa ng anak ni Betty sa akin.
"Kayo naman pala nauna e" sinamaan ko ng tingin ang apat na bata. "Foul kayo. Bakit niyo naman sasabihan ng walang tatay 'tong utol ko?"
"Totoo naman e! Wala 'yang tatay" tumawa pa 'yong nakatirik ang buhok.
"Anong sabi mo?!" Akmang susugod ang anak ni Betty nang pumagitna ako at ako mismo ang tumulak doon sa bata.
Mahina lang naman.
"Aray!" Giit nito kahit hindi naman talaga nasaktan. "Bakit mo ako tinulak?" Tanong nito.
"Deserve. Bleee" binelatan ko siya. "Pangit mo!"
"Susumbong kita kay tatay" lumukot ang kaniyang mukha.
"Edi isumbong mo sa tatay mong pangit" binelatan ko ulit siya.
Narinig ko ang pagtawa ng anak ni Betty sa likuran ko.
Aba. Loko din 'to ah.
"Susuntukin ka ng tatay ko! Tingnan mo!"
"Sabihin mo magkita kami sa kanto mamaya. Panoorin mo akong patumbahin tatay mong panget" binelatan ko ulit siya.
"Isusumbong talaga kita" paluha na 'yong bata.
"Gawin mo! Sige!" Lumapit pa ako sa kanila. Binigyan ko sila ng kasindak sindak na itsura.
Kaagad na umiyak 'yong bata bago sila nagsitakbuhan.
"Susumbong kita!" Pahabol pa ni alyas tirik bago sila umalis.
"Bye Loser. Bleeee!" Kumaway pa ako habang tumatawa.
Tangina. Hindi ko akalaing papatol ako sa bata.
Pero nakaka-miss.
Lumingon ako sa likuran ko at mahina pa ring tumatawa ang anak ni Betty.
"Ano? Ayos ba pare?" Aking tanong. "Sa susunod, huwag mo takbuhan. Suntukin mo! Huwag ka duwag!"
"Dami kasi nila e!" Ngumuso siya.
"Tss. Ako kahit marami sila kaya kong patumbahin" pagmamayabang ko pa.
"Kaso sabi ni nanay huwag daw ako makipag-away"
Ngumiwi ako. Medyo nawala yabang ko doon ah. "Oo sundin mo nanay mo"
"Mapipingot ako no'n kapag hindi" kita ko 'yong takot sa mga mata niya.
"Oo nga. Nakakatakot nanay mo! Nakakatakot" mabasted niya.
"Ano pala pangalan mo?"
"Ako po si Koby pero tawag nila sa akin Kokoy"
"Hmm alam mo ba na ang pogi mo? Mana ka sa nanay mo" ngumiti ako ng matamis.
Kailangan charming.
"Oo naman po. Maganda nanay ko e—kilala mo nanay ko?"
Nawala ang ngiti ko. "Ha? Hindi. Tingin ko lang hehe. Tingin ko nga masarap din e"
"Hindi pagkain nanay ko!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Joke lang. Tao nanay mo pero masarap"
"Ha? Tingin ko baliw ka na" umiling ito.
"Oo baliw na ako sa nanay mo"
"Ano po?!"
Umiling ako. "Wala tol. Sabi ko baka hinahanap ka na ng nanay mo. Bakit nasa galaan ka pa? Lagot ka do'n sige"
"Tama. May pinabibili pa pala 'yon sa akin lagot! Sige po mauna na ako!"
Hindi ko na siya napigilan dahil bigla itong kumaripas ng takbo.
Mariin akong napapikit bago ako lihim na napangiti.
It's my lucky day.
Talagang jockpot ah! Akalain mo makikilala ko ng ganitong kabilis ang anak ni Betty.
________________________
Betty's POV...
"Nasaan na kaya 'yong batang iyon?"
Hindi ako makapagluto ng hapunan gawa't pinabibili ko ng bawang at suka. Balak ko sanang mag-adobo.
Saglit ko lang inutusan 'yong anak ko pero parang saang lupalop pa pumunta.
Magpupunta pa ako mamaya kina Jevie para mag-online.
30 minutes na lumipas pero wala pa rin. Saan na kaya napunta 'yon?
Kung ano-ano na ang iniisip ko kung kaya lumabas na ako ng bahay. Hahanapin ko na sana siya palabas nang makita ko ang aking anak na tumatakbo.
"Nay!" Sigaw ni Kokoy habang dala ang isang sachet ng suka at bawang.
Inilagay ko ang mga kamay sa bewang. "Saan ka galing!" Sigaw ko
"Wait lang nay. Huwag mo akong paluin. Kagagaling ko lang sa sakit"
Natatakot itong tumigil sa pagtakbo at mabagal na lumapit sa akin.
"Huwag mong idahilan 'yang sakit mo"
Lumakad ako palapit sa kaniya kaso maliksi niyang iniwas ang katawan bago ako matagumpay na nalampasan.
Dali-dali siyang pumasok ng bahay.
Bumuntong hininga ako at sumunod rin papasok.
Nakita ko si Kokoy na nakangiti habang naka-peace sign.
"Saan ka galing?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit ang tagal mo?"
"Nay! Magpapaliwanag muna ako okay?" Malumanay niyang sambit.
Pinagkrus ko ang braso sa dibdib. "Sige ano 'yon?"
"Kasi may nang-asar sa akin kanina" umiwas siya ng tingin.
"Tapos?"
"Sinabihan nila ako na walang tatay"
Natigilan ako. Kaagad napawi ang sama ng tingin ko sa kaniya.
"Tapos? Nakipag-away ka? Sinabi ko na sa'yo na huwag ka makikipag-away?"
"Makulit sila nay" giit ni Kokoy. "Pinapatigil ko sila kaso ang kulit. Nakalmot ko 'yong isa kaya ayon...sinugod nila ako"
Mabilis ko siyang nilapitan at ni-check kung may sugat ba siya.
"Jusko. Wala bang masakit? Nasaktan ka ba nila?" Bigla tuloy akong nabalot ng pag-aalala.
"Wala naman nay. Magaling ako tumakbo tsaka—"
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Sorry anak. Sorry kung wala kang ama ah?"
Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko naman ginusto na walang ama si Kokoy e. Sadyang iniwan lang niya kami.
Naaawa ako sa anak ko dahil dapat hindi niya ito nararanasan.
"Ano ka ba nay, okay lang!" Masuyo niyang sambit. Tinapik ni Kokoy ang aking likuran.
Idinistansiya ko ang sarili. "Basta huwag mo na sila pansinin ah? Paano kung masaktan ka ah? Mag-aalala si Nanay"
"Oo na nanay. Minsan kasi nakakabwisit e" ngumuso ang aking anak pero muli itong ngumiti. "Oo nga pala nay, may nakilala akong lalaki. Ang astig niya! Pinagtanggol niya ako doon sa mga bata"
"Oh? Bata din?"
"Hindi nay. Malaki na siya!"
"Oh? Pinatulan niya 'yong mga bata?"
"Oo. Cool niya nga e. Tinulak niya si Tope" tumawa pa ang aking anak na natural na pilyo.
"Huwag mo tutularan 'yon. Isip bata naman niyan"
"Hindi nay. Astig niya nga e. Pinaiyak niya si Tope" mas lalo itong tumawa. "Sa susunod kapag nagkita kami nay, ipapakilala kita"
"Nako. Huwag ka maglalapit sa mga gano'n. Isip bata" umirap ako.
Pinagpalit ko na siya ng damit habang ako ay nagluto. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa sobrang busy. Masakit sa ulo ang magbenta ng ilang oras sa live tapos nagdedeliver pa ako.
Wala pa akong nahahanap na maaaring magdeliver e kaya tinatiyaga ko muna.
"Sana huwag naman ako magkasakit" sambit ko sa sarili.
Ngunit hindi ako dininig.
Gumising ako na sobrang nanginginig at mabigat ang aking katawan. Bagama't parang nilalamig, labis din akong pagpawisan.
Shuta. Natuluyan na nga ako.
May mga deliveries pa ako. Bakit pa ako ngayon nagkasakit?
"Nay! Nay! Nay!" Narinig ko si Kokoy na tinatawag ako.
Minulat ko ang mga mata at nakita kong medyo maluha-luha siya.
"Ang init mo nay! Ano gagawin ko?" Natataranta niyang sambit.
"Si T-tita Jevie mo. T-tawagin mo ..."
"Sige po nay!"
Dali-dali siyang bumaba sa kama bago nagmamadaling umalis. Napahinga naman ako ng malalim at dahan-dahang pumikit.