Alejandro's POV....
"Pormang porma ka Alejandro ah?"
Ngumiti ako ng malawak bago ako tumingin kay Ka-Manny, ang gwardiya sa subdivision kung saan ako natuloy.
Muli kong sinuot ang mamahaling damit ni Eduardo para magmukha akong disente. Para level 'yong suot sa kapogian ko.
"Siyempre. Kailangan magpa-pogi points" aking sambit na punong puno ng confidence.
"Sabi nga daw ay nanliligaw ka na?"
"Kayo ah ang chismoso niyo"
"Kalat na kalat e" tumawa ito. "Basted ka daw"
"Hindi naman Ka-Manny, suplada lang 'yon"
May dala-dala akong plastic bag ng laruan. Nakabili ako sa palengke ng murang baril-barilan. Pupunta ako sa bahay ni Betty ngayon kasi utol ko na si Kokoy.
Panigurado, kung ipagtabuyan man ako ni Betty, sasabihin ko na lang na anak niya ang binibisita ko.
Talino ko talaga. Gwapo pa.
"Oh siya. Goodluck sa'yo pare. Sana nga magkaroon ka na ng girlfriend. Baka sakaling tumino ka na"
"Matino naman ako ah?" Depensa ko pa kasi totoo naman.
"Asus" halatang hindi siya agree do'n.
Nagpaalam na rin ako kay KaManny. Masaya akong naglakad patungo sa baranggay nina Betty. Dala-dala ko ang lakas ng loob at kapogian.
Sumisipol lang ako habang naglalakad nang may tumawag sa akin.
"Utol!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Umalpas ang ngiti sa labi ko nang makitang si Kokoy iyon, ang anak ni Betty.
"Utol! Nagkita tayo ulit—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapansin na umiiyak siya. Kaagad akong lumapit sa kaniya at yumuko para lumebel ang aming mukha.
"Anong nangyari sa'yo? Inaway ka na naman ba?" Tanong ko.
Umiling siya. "Hindi. Si nanay kasi"
"Ha?! Anong nangyari sa lalabs ko?" Kaagad kong tanong at nabalot ako ng pag-alala.
"Lalabs?" Tumigil ito sa pag-iyak bago inosenteng nagtatanong na tumingin sa akin.
Kaagad akong nataranta. Hindi pa ako nakakapag-paalam ng ayos sa panliligaw.
"Ah..ano 'yon"
Mas lalo niya akong tinitigan ng mariin.
"Ah nanay 'yon sa e-espanyol!" napakamot ako ng ulo sa dahilan ko.
"Ah..." tumango ang bata. Huminga ako ng malalim.
Shit. Lusot.
"Teka. Ano bang nangyari sa nanay mo?" Tanong ko ulit.
Muli itong naging emosyonal. "Si nanay po kasi may sakit. Hinahanap ko si Tita Jevie kaso wala—"
"Samahan mo ako sa inyo. Kailangan ng tulong ng nanay mo" seryoso kong sambit.
"Okay lang po ba? Hindi ko kasi alam ang gagawin. Sobrang init niya po. Kasalanan ko siguro 'to kasi napag-alala ko siya kagabi—"
"Okay na okay lang. Alagaan natin nanay mo" putol ko na sa kaniya.
Gusto ko na makita kalagayan ni Betty.
"Sige po. Tara po!"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila. Nagpatinaod naman ako habang iniisip ang kalagayan ni Betty.
__________
Betty's POV...
Para akong dinaganan ng hollowblocks sa sobrang bigat ng katawan ko.
Sobra akong pagpawisan. Ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng aking suot na damit.
Nasaan na si Kokoy?
Ang tagal niyaa.
Nilalamig na ako.
"Nay! Nay!"
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang aking anak.
"Dito po tol" rinig ko pang sambit niya.
Parang may kinakausap siya ah?
Si Jevie ba 'yon?
"Lalabs!"
Natigilan ako nang tumama ang mga mata ko sa isang pamilyar na bulto na nagbukas ng pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko.
"A-alejandro.." hindi ko mabigkas ng ayos.
Putangina! Bakit naandito 'to?
Umupo siya sa tabi ng kama ko at nilagay niya ang kamay sa aking leeg. Napamura si Alejandro pagkaalis ng kamay niya sa leeg ko.
"Sobrang taas ng lagnat mo Lalabs. Bakit hindi mo inaalagaan ang sarili mo? Paano na ang future natin? Hindi ko kayang mawala ka" drama-dramahan niya dahilan para mapa-irap ako.
Mas lalo ata akong na-stress.
Mariin akong napatitig sa kaniya. "A-anong ginagawa mo dito?"
"Para alagaan ang future bebe ko" kumindat siya sa akin.
Napamura na lang ako sa aking isipan. Kung mayroon lang talaga akong kakayahan na sapakin siya, gagawin ko.
"Paano ka n-nakapasok?" Tanong ko ulit.
"Malamang. Binuksan ang pinto?" Pilosopo niya pang sagot.
"U-umalis ka na putang!na" giit ko ng pagalit.
Putang!na talaga ng buhay oh.
Tumawa siya ng malakas. "Joke lang naman lalabs. Nanghingi ng tulong ang anak mo"
Kumunot ang noo ko. "Si K-kokoy?"
Tumango si Alejandro. "Oo. Hindi ka na ba updated? Utol ko na anak mo" sinabi niya iyon nang nakataas ang mga baba at proud na proud.
Hindi ako makapaniwala. Paanong nangyari—
"Utol eto pitaka ni nanay!" Pumasok ang anak ko na dala ang wallet ko.
"Sige. Bibili lang ako ng gamot. Bantayan mo nanay mo ah?" Ginulo ni Alejandro ang buhok ni Kokoy.
"Areglado po" Sumaludo pa si Kokoy.
Nanlalaki ang mata ko habang tinitingnan silang dalawa na mag-usap.
Tang-ina talaga.
"Babalik ako kaagad" baling ni Alejandro sa akin. "Huwag mo ako ma-mi-miss agad ah?"
Lihim pa siyang nag-flying kiss bago dumiretsyo palabas.
Hindi ako makapaniwala. Parang kahit inaapoy ako ng lagnat, gusto ko siyang sakalin.
Paglabas ni Alejandro ay kaagad akong bumaling kay Kokoy.
"P-paano mo nakilala 'yon?" Nanghihina kong tanong sa aking anak.
"Siya po 'yong kinukwento ko sa'yo kagabi nay! Siya po 'yong tumulong sa akin! Mabait po 'yon kaya maalalagaan ka talaga niya" Masayang sambit ng aking anak.
Napatigalgal na lang ako. "'Yong isip bata?"
"Hindi nga po sabi nay. Astig siya!"
Napipilan ako at walang masabi.
Wow. Anong ginawa ng lalaking iyon sa anak ko?
Wala akong lakas para pagtabuyan si Alejandro kaya naman wala akong magawa kung hindi patuluyin siya.
Bumalik si Alejandro at kaagad akong pinuntahan sa kwarto dala ang isang instant noodles. Inutusan naman niya si Kokoy na bumili ng yelo.
Nang kami na lang dalawa ang natitira ay kaagad niya akong pinabangon.
Hindi ko pa kaya mag-isa kaya inilalayan niya ako hanggang makasandal ako.
"Bakit ka nagkasakit? Dapat hindi mo pinapabayaan sarili mo. Umiiyak si Kokoy kanina, nag-aalala sa'yo" giit niya.
Napatingin ako ng matagal kay Alejandro habang hinihipan ang noodles na dala niya.
Hindi ko aakalaing....naandito siya sa harapan ko para alagaan ako.
Simula ng ipanganak ko si Kokoy, wala na akong naasahan kung hindi sarili ko lang. Kapag ka may sakit ako, ako gumagamot sa sarili ko.
"Alam kong pogi ako pero baka naman matunaw ako sa lagkit ng titig mo" biro niya kaya mabilis akong mapaiwas ng tingin.
Tumawa siya bago itinapat ang kutsarang may lamang sabaw at noodles.
"Kumain ka na muna para mapainom ka ng gamot"
Wala akong ganang kumain pero alam kong kailangan iyon ng katawan ko kaya bumuka ang bibig ko para tanggapin ang pagkain.
"Very good naman ng lalabs ko" puri niya.
Sinamaan ko siya ng tingin nang pisilin niya ang pisngi ko.
Lagot talaga siya sa akin.
"La-labs ka diyan tss" pagsusuplada ko.
"Lalabs endearment ko sa'yo. Pwede mo akong tawaging lalabs kong pogi" tumaas taas ang kilay niya.
"Nakakadiri k-ka"
"Kinilig ka e" pagbibiro niya pa.
"P-pakainin m-o na ako kaysa p-puro ka dada"
"Oh siya kain na ang bata" muli niya akong sinubuan at kahit nakakasura 'yong mukha niya, tinanggap ko iyon.
Hindi ko naubos ang noodles pero nakalahati ko naman iyon.
Pagkatapos ko kumain ay pinainom ako ni Alejandro ng gamot bago ako muling humiga.
Pinikit ko na ang mga mata dahil gusto ko na matulog kaso maya-maya naramdaman kong may umaalog sa akin.
Minulat ko ang mga mata at nakita ko si Alejandro na may dalang palanggana.
"Punasan muna kita tsaka papaltan ng damit"
"A-anong pupunas‐an?" Nanghihina kong tanong bago ko tinakpan ang aking katawan.
"Huwag ka na umarte sa akin. Nakita ko na naman 'yan e" mapaglaro niyang sambit.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Sabagay. May point.
Wala akong lakas para magpalit.
Pinunasan ni Alejandro ang aking braso bago sa aking leeg.
Kaagad pumasok ang lamig sa aking mainit na katawan.
Ibinangon ako ni Alejandro at pinasandal. Hinawakan niya ang dulo ng aking basa sa pawis na t-shirt.
"Huhubarin ko na" paalam niya sa akin.
Mabagal akong tumango. "H-huwag mo akong tsansingan"
"Pupunasan lang talaga kita. Promise" itinaas pa niya ang kamay na parang nangangako.
Hindi ako naniniwala pero tumango na lang ako. Para matapos na.
Kagat ko ang labi habang dahan-dahan niyang hinubad ang damit ko.
Kita kong napalunok si Alejandro nang tuluyang matanggal ang t-shirt ko.
"Haist. Ang sarap mo talaga ganda" mariing sambit niys bago ako punasan sa dibdib.
Napalunok ako ng mariin dahil first time may magpunas na lalaki sa katawan ko.
Ramdam na ramdam ko 'yong kontrol niya habang nagpupunas.
"Likod naman" tila hirap niyamg sambit.
Napsinghap ako nang hilahin niya ang dalawa kong kamay payakap sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi yumakap habang tumatawid ang kamay niya sa likuran ko.
Nararamdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko habang lumalapat ang lamig sa likod ko.
"Panjama mo naman? Pwede?" Tanong niya ulit pagkatapos niya mapunasan amg likod ko.
"Gawin mo na nga l-lang!" Bulyaw ko.
"Nahihiya ka ba sa akin?" Mahina siyang tumawa.
Mas lalo ko lang naramdaman 'yong init ng pisngi ko.
Inihiga niya ako ulit bago ko tinakpan ng kumot ang pangitaas kong katawan sa lamig.
"Taas puwit" utos niya bago hinawakan ang garter ng aking panjama.
"G-gago ka talaga" giit ko.
Tumawa lang siya bago hinila ang panjama paalis sa akin. Naka-underwear ako habang pinupunasan niya ako. Infairness, hindi naman ako nakaramdam ng pagkabastos.
Pwede naman pala e.
"Ulalam ka talaga ganda" komento niya.
Ah. Manyak pa rin pala.
Pagkatapos niya ako mapunasan ay tinulungan niya akong suotin ang makakapal kong damit.
"Ayan, pwede ka na matulog" giit ni Alejandro matapos maayos ang kumot sa aking katawan.
"Salamat" aking sambit.
Marunong akong mag-appreciate ng tulong.
"Tss. Hindi 'yan libre" kumindat siya sa akin dahilan para kabahan ako.
Ano na naman gusto niya?
"Sa ngayon matulog ka na muna. Kailangan mo ng pahinga" yumukod siya bago ko naramdaman ang kaniyang labi sa aking noo.
Natigilan ako sa kaniyang ginawa.
"Tulog na lalabs ko" bulong niya.