KABANATA 14

1650 Words
Betty's POV... Nagising ako na medyo magaan ang pakiramdam ko. May panghihina pero ramdam ko ang gaan sa pakiramdam. Nahulog ang basang towel sa aking noo pagkagalaw ko. Doon ko lang naalala na nasa bahay ko nga pala si Alejandro. Infairness, umepekto ang gamot. Tiningnan ko ang oras at nakita kong dapit hapon na. Tumayo ako at inipitan ang aking mahabang buhok. Medyo nahilo ako saglit kaya hindi muna ako naglakad. Nang maayos na ang paningin, tsaka lang ako lumabas ng kwarto. Bumungad sa aking paningin ang malinis kong bahay. As in. Parang hindi akin itong bahay sa linis. Organisado ang mga gamit. Nilapitan ko pa ang isang patungan ng mga kaunting pandisplay at paghagod ng daliri ko ay walang ni isang sentimo ng alikabok. "Gising ka na pala Lalabs!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likudan ko. "Putang!na naman Alejandro!" Napahawak ako sa dibdib sa gulat. "Kalma. Ako lang ito" tumatawa niyang sambit bago hinipo ang aking leeg. "Ayan, bumaba na lagnat mo. Gusto mo na kumain? Iinom ka ulit gamot—" "Teka" medyo nakakawindang pa ako sa nangyayari. Inalis ko ang kamay niya sa leeg ko bago lumibot ulit ang tingin ko sa buong bahay ko. Tumingin ako kay Alejandro. "Nilinis mo?" "Oo. Ayos ba?" Taas noo niyang sambit. "Sabi ko sa'yo care taker ako ng isang bahay kaya basic 'to" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Sa sobrang busy ko kasi, hindi ko talaga masiyado naaasikaso ang bahay. Pero teka...parang may nawawala. Nilibot ko pa ng isang beses 'yong bahay hanggang sa mapagtanto ko kung ano 'yong nawawala. "'Yong mga damit na idedeliver ko" sad ko. Tumingin ako kay Alejandro. "Nasaan 'yong mga idedeliver kong damit?" "Ah? Iyon ba?" Ngumiti siya ng malawak. "Na-deliver ko na" "H-ha? Ni-deliver mo?" Hindi ako makapaniwala. "Oo. Ano? Ayos ba?" Hindi ako makapaniwala. Ang gagong ito? Kayang maglinis ng bahay? Tapos nagdeliver pa? "A-ayos" nauutal kong sambit. Parang gumaan 'yong pakiramdam ko kasi atleast nabawasan 'yong workload ko ngayong araw. "Ayos lang?" Pumunta siya sa harapan ko bago sinugod ang distansiya namin. Napa-atras ako at tumama ako sa maliit na divider. Gumalaw iyon kaya ipinatong ni Alejandro ang kamay niya doon, kaya ang ending, parang kinulong niya ako sa kaniyang bisig. Doon ko lang napansin ang gayak ni Alejandro. Nakahubad baro siya at nangingintab ang pawis sa kaniyang katawan. Magulo ang buhok ngunit bumagay sa features ng kaniyang mukhang halos perpekto ang pagkakahulma. Shuta. Hindi ko talaga mapagkakaila na may itsura siya. Wala nga lang pera. "Paano ba 'yan? Inalagaan kita, nilinis ko ang bahay mo tapos nagdeliver pa ako" binigyan niya ako ng nakakatakot na ngisi. "Paano ba 'yan? Wala ba akong reward?" Napalunok ako kahit inasahan ko na ito. Alam kong sisingilin niya ako sa mga ginawa niya. "Sige. Ano bang gusto mo?" Tanong ko. Tutal ayaw ko naman magkaroon ng utang na loob sa kaniya. Atleast mayroon akong maibalik para walang sumbat. "Date tayo" Natigilan ako sa sinagot ni Alejandro. Nasa isip ko na na hihingi siya ng s3x mula sa akin. Hindi ko inasahan ang sasabihin niya. "Ano?" Gusto kong siguraduhin. "Mag-date tayo sa friday" ulit niya. Hindi pa ako nakakasagot nang muli siyang magsalita. "Bawal humindi" banta niya pa. Tinikom ko na lang ang bibig at tumango.Mukhang wala naman akong magagawa. "Sige" pagpayag ko. "Yes!!!" Tuwang tuwa siyang tumalon sa harapan ko na para siyang nanalo sa lotto. Hmm..akala naman niya nanalo siya? Ginusto niya ito diba? What if pag-tripan ko lang ng kaunti? "Gusto kong date sa mamahaling restaurant. Gusto ko ng steak" aking sambit dahilan para mawala ang saya sa mukha ni Alejandro. "Hindi ba pwedeng kanto chicken na lang hehe?" Napakamot siya ng batok at nakikita ko ng namomroblema siya. Ngumisi ako. Lihim akong natawa. "Papayag lang ako makipag-date kung dadalhin mo ako sa isang steakhouse" Nanahimik si Alejandro. Halatang nag-iisip ito ng seryoso. Sinasabunutan pa nito ang buhok. Medyo nakokonsensiya na ako. Wala naman akong pakielam kung saan basta may kapalit 'yong ginawa niya dito sa bahay ko habang may sakit ako. Sasabihin ko na sana na joke lang kaso bigla niya akong hinawakan sa balikat. "Sige. Bigyan mo ako ng isang linggo ganda. Dadalhin kita sa Steakhouse" Hindi na ako nakaimik pa lalo na't nagmamadali nitong kinuha ang t-shirt sa may upuan ko bago dire-diretsyong umalis. Seryoso ba 'yon? Joke nga lang e! Maayos na ang pakiramdam ko at nakakagalaw na ako kaya tamang tama lang ang alis ni Alejandro sa bahay. Ang anak ko pala? Nasaan? Sakto, pumasok si Kokoy na pawisan at may dalang baril-barilan. Late na niyang naitago 'yong laruan dahil nakita ko na. "N-nay!" Nauutal niyang tawag sa akin. "Ano 'yan? Kanino galing 'yan?" Turo ko sa baril-barilan na hawak niya. Hindi ko kasi siya binibilhan ng mga laruang pwedeng makapanakit tulad na lang ng baril. Pwera na lang kung may bumili... "Kay Alejandro ba 'yan?" Masungit kong tanong. "Nay magaling ka na?" Sinubukan niyang ibahin ang topic pero masama pa rin ang titig ko. "Ibigay mo na sa akin 'yan" nilahad ko ang mga kamay sa kaniyang harapan. Umiling si Kokoy. Nagmamatigas nitong tinago ang laruang baril. "Gusto mo pa ako magkasakit?" Binantaan ko ang boses. "Ayaw ko ibigay nay. Bigay 'to ni Utol ko e" Mariin akong pumikit. "Anong sinabi ko sa'yo?" Mas lalo siyang ngumuso at nagmamatigas pa din. Ano bang ginawa ng lalaking 'yon sa anak ko. "Oh siya. Pwede 'yan pero...maging responsable ka ah?" Kaagad siyang ngumiti at sumugod payakap sa akin. "Thank you nay. Mahal kita" Bumuntong hininga ako dahil mabilis nawala ang pasusungit ko sa batang ito. Hirap maging masungit kapag anak ang nanlambing. "Oo nga pala nay, sabi ni utol, kapag gumising ka na, sabi niya kumain ka daw po tapos uminom ng gamot tapos sabi niya tabihan daw kita" Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Wow. May silbi naman pala ang gagong iyon. "Talaga? Alagaan mo si Nanay?" Tumango siya ng mabilis. "Opo nanay" "Asus" umupo ako at tinaas ang kili-kili niya at inamoy. "Ang baho mo na. What if maligo ka muna?" "Nay naman e!" Kaagad niyang iniwas ang kamay bago dumiretsyo patakbo sa cr. Napailing na lang ako bago ko hinanap ang pitaka ko. Titingnan ko lang kung magkano nagastos nila sa pera ko. "Anak nasaan ang pitaka ko?!" Sigaw ko. "Nasa tabi po ng tv!" Sigaw ni Kokoy. Dumiretsyo ang tingin ko sa lagayan ng tv namin at naando'n nga ang pitaka ko. May mga nakakalat pang ilang barya sa labas. Kinuha ko iyon bago ko tiningnan ang laman ng pitaka ko. "Puta..bakit isang 750 na lang ito?!" Bulyaw ko sa sarili. 1,500 lang ito kanina ah? Magkano ang nagastos ng kumag na iyon?! Akmang tatanungin ko si Kokoy nang may malaglag na isang puting papel. Binuklat ko iyon at nakita ko ang pangit na sulat ni Alejandro. Nakalista doon ang nagastos katulad na lang ng gamot, prutas at pagkain tapos mayroon pang note sa ilalim. Ps. Hiramin ko muna 'yong sukli lalabs. Bayaran ko na lang hehe. Nagmamahal: Pogi mong Lalabs. Napasinghal ako habang binabasa ang letter. Napakalakas magyaya ng date, wala naman palang pera. _______________ Lumipas ang sumunod na araw, wala na rin akong sakit. Bumalik ako sa pag-o-online selling at minsan nang-aalok na rin ako sa mga kapithahay ng mga matitipuhan nilang damit. Sa mga araw na iyon, walang nagpakitang Alejandro. Parang bigla itong naglaho na parang bula. Miski si Kokoy ay wala ring balita sa 'utol' niya kuno. Medyo nahiwagaan tuloy ako. Ang kulit kulit niya no'ng nakaraan. "Teka nga pala anak, anong pinag-usapan niyo habang tulog ako?" tanong ko sa aking anak habang papunta kami ng school. Ngayon ko lang ito naalala itanong sapagkat naging busy na ako ulit dahil nagpagaling pa ako. "Nino po?" "No'ng utol mo" sagot ko. Baka mamaya kung ano-ano na pinag-uusapan nila e. "Ah...wala naman nanay. Tinuruan niya lang po ako maglaro no'ng baril na regalo niya sa akin. Ang astig niya nga po nay e. Natatamaan niya lahat ng target! Ang cool niya" Hangang hanga na sambit ni Kokoy. Napasapo ako ng noo. Mukhang iniidolo pa nga ni Kokoy 'yong kumag na iyon. "Huwag ka masiyadong magsama doon ah? Hindi siya magandang impluwensiya" Pangaral ko. "Nay naman, ang bait nga ni Utol e. Inalagaan niya kayo tapos ipinagtanggol niya po ako" Depensa naman ng anak ko. Napailing na lang ako. Mukhang iba ang tingin ni Kokoy kay Alejandro. "Pero huwag ka masiyadong magsama sama. Huwag mo kausapin kasi loko-loko 'yon" "S-sige" Tila labas sa ilong niyang sagot. Mukhang tutol siya doon. Nakarating na kami sa school niya kaya nagpaalam na ako. Nag-wave lang ng kamay si Kokoy bago ito dire-diretsyong pumasok. Nang makita kong nakapasok na siya, tsaka lang ako umalis. Sa paglalakad, napansin ko 'yong isang pamilyar na lalaking kasama ni Alejandro noong isang araw. Ano nga pangalan nito? Jepoy? Jepot? Ewan ko. Parang katunog ng Ipot e. "Uy!" giit nito nang magtama ang tingin namin. May dala siyang sako, mukhang bote at mga lata ang laman. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hindi kaya siya na ang lumapit. "Ikaw 'yong nililigawan ni Alejandro" giit niya sa akin at tinuro pa ako nang makalapit sa amin. "Ako nga" bumuntong hininga ako para malaman niyang hindi ako pabor doon. "Si Alejandro pala?" "Uy, bakit hinahanap?" mapang-asar niyang sambit. Medyo nahiya ako doon kaya tumikhim ako. "May utang siya sa akin. Kailangan ko siya mahanap" Dahilan ko. "Ah...gano'n ba? Busy ang tropa e" "Saan?" Kumunot ang noo ko. Parang nakaraan e free na free siya. "Hindi mo ba alam? Sumasideline si Alejandro ngayon" Natigilan ako. "Ha?" "Sumasideline siya sa palengke tapos sa pagmemekaniko sa hapon kaya ilang araw ng hindi nakakainom. Ang alam ko, nag-iipon e" Kumabog ng malakas ang puso ko dahil alam ko ang dahilan kung bakit niya iyon ginagawa. Tang!na. Seryoso ba siya sa mamahaling date na 'yon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD