Betty's POV...
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba 'yong kaibigan ni Alejandro. Hirap paniwalaan na masiyadong busy ang lalaking iyon e.
Tuloy, kahit hindi ko plano, napapunta ako sa palengke. I-che-check ko kung totoo ba 'yong sinabi no'ng ipot na 'yon.
Nagtungo ako sa palengke. Kusa na akong dinala ng paa ko do'n.
Hinahanap ko kung saan siya sumasideline. Hindi ako nakapagtanong kaya lumilibot ang tingin sa paligid hanggang mapansin ko ang grupo ng kababaihan sa isang tindahan ng mga isda.
"Bili kayo ng isda tapos papahawak ko abs basta may dagdag na bente!" Narinig ko ang sigaw ng pamilyar na lalaking gumugulo sa akin.
"Ako! Isang pirasong bangus tapos pahawak sa abs"
"Ako pwedeng ulo lang ng tilapia? Hahaplos lang!"
"Pabiling galungong. Isang piraso hehe tapos isang trabahante"
Nakipagsiksikan ako sa mga babae doon at nakita ko si Alejandro na nagtitinda ng isda. Hubad baro siya kaya kitang kita ang kaniyang machong katawan sa mga kababaihan dito.
May bimpo na nakatali sa kaniyang ulo habang nasa harapan siya ng isang kahoy na chopping board at naghihiwa ng mga isda.
Giliw na giliw siya habang tumatanggap ng bayad at pinapahawak ang abs niya sa mga babae.
Nakatiklop ang mga 20 pesos sa kaniyang daliri at ang mga barya ay nasa bulsa niya.
Ngumiwi ako sa nakikita.
Paano sila nai-inlab sa katawan niyang ang lagkit sa pawis tapos ang lansa lansa pa ng amoy?
Ito ba ang ginagawa niyang sideline? Akala ko naman matino.
Wala na talaga siyang pag-asa.
Umiling ako. Tatalikod na sana ako nang tumama ang mata sa akin ni Alejandro.
Nanlaki ang kaniyang mga mata at napatigil saglit.
"Lalabs!" Sigaw niya bago ipinakita ang mga tig bebente sa kamay niya na parang nakakabilib siya.
Napairap na lang ako bago ako umalis.
Nagpatuloy ang ginagawa ko. Habang nag-o-online selling, humahanap na din ako pwedeng sideline. Minsan kasi matamlay ang online selling. Hirap rin pala magbenta.
Biyernes ng hapon, muling nagpakita si Alejandro sa tapat ng aking bahay. Maitim ang kaniyang mga kamay, halatang galing sa pagmemekaniko. May uling uling pa siya sa ilong at pisngi. Madungis din ang kaniyang damit.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong.
"Ipapaalala ko lang 'yong date natin sa linggo" aniya. Nameywang pa ito sa aking harapan habang nakangisi.
Hmm...mukhang confident ah.
"May pang-stakehouse ka na?"
"Ako pa?" Taas noo niyang tinuro ang sarili. "Parang steakhouse lang e" kumindat siya.
Wow. Ganoon na kalaki ang kinikita niya.
"Ayaw ko sa puchu-puchu lang" ulit ko.
Gusto ko lang siya makitang mag-alinlangan.
"Siyempre. Mayroon na akong nakita na affordable steak house"
"Affordable?" Sumingkit mata ko. "Sabi ko sa mahal hindi ba?"
"Oo nga. Affordable nga kasi 'AFFORD' ko" puno ng pagyayabang niyang sambit.
"Ah...gano'n?"
Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Tiningnan niya iyon.
"Ano 'yan?"
"'Yong utang mo muna" sumingkit ang mata ko.
Nawala ang yabang sa kaniyang mukha at napaltan iyon ng masuyong eskpresyon. "Ikaw naman. Pwede sa sunod na sahod ko na"
"May tubo 'yon ah? Doble na ang bigay"
Napakamot siya ng batok. "Grabe ka naman lalabs. Lagi kang overprice"
"Aba" pinagkrus ko ang braso. "Sino ba kasing may sabi na kumupit ka sa pitaka ko—"
"Okay na mahal na. Mahal naman kita e" putol niya sa akin bago kumindat.
Napipilan ako. Hindi ako nakasagot sa gulat.
E? Mahal?
"Teka—"
Muli niya akong pinutol nang may kinuha siya sa likod niya. Isa iyong paper bag. Nilahad niya iyon sa akin kaya napatitig ako do'n.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Damit. Suotin mo 'yan sa date natin ah?" Masuyo siyang ngumiti.
Binuksan ko ang paper bag at nilabas ang isang napakagandang kulay asul na bestida.
"Nagustuhan mo?" Tanong ni Alejandro.
Mahina akong tumango habang pinagmamasdan ang bestida.
Nanginang ang aking mga mata. Halatang maganda ang tela ng bestida. Simple ito pero ang bawat detalye ay napakaelegante. Parang hindi babagay sa akin.
"Nakita ko 'yan sa ukay. Tingin ko maganda sa'yo kaya suotin mo lalabs ah?"
Pinigil ko ang sarili na masiyadong maging excited na suotin iyon kaya tinago ko na ulit iyon sa paperbag.
"S-sige" tumango ako.
"Ayon!" Napapitik pa si Alejandro sa aking sinabi bago may nilabas siya ulit na isa pang paperbag.
"Para saan naman 'yan?" Tanong ko.
Siguro sapatos 'yan ano—
"Para kay Kokoy"
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hindi agad ako nakahinga sa gulat.
Tiningnan ko pa si Alejandro kung seryoso siya pero hindi nagbabago ang itsura niya.
"Sabihin mo sa kaniya na suotin niya ito sa date" ngumiti ng malawak si Alejandro.
Napakurap ako. "Kasama ang anak ko?"
"Oo naman. Malamang?" Inosente niyang sambit. Parang clueless pa siya sa tanong ko.
"Hindi lang natin 'to date?" Tanong ko pa ulit.
Kumunot ang noo ni Alejandro. "Ano? Iiwan mo ang anak mo?"
"Siyempre hindi" umiling ako.
"Ayon pala e. Ano ba nasa isip mo ha?" Sumingkit ang mga mata nito habang tinitingnan ako hanggang sa nanlaki ito. Mapaglaro siyang ngumisi. "Uy, gusto ako masolo"
"Hindi ah!" Depensa ko kaagad. Namula ang pisngi ko sa hindi ko alam na dahilan. "Huwag kang assuming!"
"Yiee" sinundot niya pa tagiliran ko.
"Hindi nga!" Iniwas ko ang tagiliran bago ako umiwas ng tingin.
Hindi ko lang inasahan na kasama pala si Kokoy.
Akala ko...ako lang interes niya at gusto niya lang akong....maka-date gano'n para sa laro.
Hindi ko alam na naisip niya si Kokoy.
Tumawa siya ng malakas. "Andiyan na ba si utol?" Sumilip si Alejandro sa loob.
"Wala pa. Nasa school" kumurap ako ng maraming beses para bumalik sa katinuan.
Medyo na-caught off guard ako do'n.
"Ah gusto mo ba sunduin ko na?" Tanong niya.
"H-huwag na. Ako na lang" Tumikhim ako. Bakit ako nauutal?
"Kung ganoon, mauna na ako. Bigay mo kay Kokoy 'yan ah?" Ulit pa niya bago siya tumalikod at lumakad palayo.
___________________
Sumapit ang linggo. Mag-aala sais ng gabi ay nakaayos na ako. Nagpa-make up ako kay Jevie. Pinasimplehan ko lamang para naman hindi ako haggard. Bagay na bagay sa akin ang bestida. Para bang tinahi iyon para sa akin.
"Wow. Mukha kang sosyal" komplimento pa ni Jevie sa aking itsura.
Pinuyod ni Jevie ang buhok ko ng hafbun at nilagyan ng laso na babagay sa damit ko.
"Oo nga. Ang ganda..." ngumiti ako ng matamis habang nakatingin sa salamin ngunit mabilis din iyong naglaho.
Hindi ko maiwasang maging emosyonal.
Akala ko hindi na ako makakapag-ayos ng ganito. Kasi naman noon, noong nakatira pa ako sa mga magulang ko, marami akong make up at beauty products. Nang maging nanay ako, tila napabayaan ko na ang aking sarili.
Pero siguro ganoon talaga.
Dahil lahat ng mga kinikita ko, para sa ikakabuti ni Kokoy.
At masaya naman ako na...nakakaraos kami.
"Saan ba ang punta mo?" Tanong ni Jevie kaya nabaling ang atensyon ko sa ibang bagay.
"Ah...wala. gusto ko lang magpaayos. Nakita ko kasi 'to sa ukayan" pagsisinungaling ko.
Alam ko kasi magagalit siya kapag sinabi kong ka-date ko si Alejandro.
"Akala ko naman may event. Ang anak mo ba? Ayos na?"
Speaking of Kokoy. Lumabas ng cr si Kokoy na sobrang pogi sa suot nitong kulay blue na polo at pantalon.
"Ang pogi ko na ba nanay?" Tanong niya pa.
Lumapit ako sa kaniya at inamoy siya ng maraming beses sa kili-kili at leeg.
"Hmm bango bango ni Kokoy!"
"Nay naman. Nakikiliti ako!" Tumatawa nitong sambit.
Matapos ang preparasyon namin ay nagpaalam na si Jevie dahil mayroon pa siyang trabaho.
Kinuha ko naman ang cellphone para i-message ang gungong na iyon.
To Scammer:
Nasaan ka na?
Saglit lang ay nakita ko na siyang nag-reply.
From Scammer:
Nasa tapat na ng bahay mo lalabs.
Saktong nakarinig ako ng beep beep sa labas.
"Ano 'yon nay?" Nauna pang magbukas ng pinto si Kokoy.
Tumayo naman ako at pinatay ang cellphone at nilagay sa maliit na pouch na meron ako.
Lumabas na rin ako ng bahay at nakita ko si Alejandro na nakasandal sa isang kotse.
Nakakulay blue rin itong long sleeve polo na tinernuhan ng kulay itim na slack at isang leather shoes.
Nakasalamin pa siya na parang tirik na tirik ang araw.
Saglit akong natigilan dahil kung hindi ko siya kilala, mapagkakamalan ko talaga siyang mayaman.
Kagaya no'ng nasa bar.
"Utol!" Sambit ni Kokoy na kaagad na tumakbo palapit kay Alejandro ngunit ang mga mata niya ay nagtungo sa akin.
Napatayo ako ng tuwid at medyo nailang sa pagtitig niya.
Ramdam ko ang hagod niya sa kabuuan ko.
"Hala" kaniyang sambit bago napatakip pa ng bibig.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi bago ako naglakas loob na lumapit.
"Anong hala h-ha?" Nahihiya kong sambit. "Pangit ba?"
Umiling siya ng maraming beses bago tinanggal ang kamay sa bibig. "Ang...ang...ganda mo Betty. Para kang isang anghel na nahulog sa lupa para ibigay sa akin"
Suminghal ako sa kaniyang mga corny na linya.
"Magseryoso ka nga minsan!"
"Seryoso nga lalabs" giit pa niya bago ako muling pasadahan ng tingin. "Sabi na e. Bagay na bagay. Parang tayo, bagay sa isa't isa" inangat niya ang salamin bago kumindat sa akin.
"Pwe" napairap ako.
"Utol!" Tawag ni Kokoy kaya doon na napunta ang tingin ni Alejandro.
"Sorry 'tol ah? Hindi kita napansin. Ganda ng nanay mo e"
"Siyempre. Nanay ko 'yan!" Proud niyang sambit kaya napangiti din ako.
"Tara na oy. Gutom na ako" yaya ko. Tama na itong usap na ito. Gusto ko na lang itong matapos.
"Sige. Tara na. Pasok na kayo" binuksan niya ang kotseng kaniyang sinasandalan.
"Wow! Kotse mo?" Tanong ni Kokoy na halatang ignorante sa kotseng nasa harapan namin.
"Hindi" ngumiwi si Alejandro. "Hiniram ko ito sa isang repair shop kung saan akong na-sideline. Kagagawa ko lang kanina. Ite-test drive ko sana."
"Hindi ba 'yan diskyumpiyado 'yan? Baka maaksidente kami ni Kokoy"
"Ako bahala" pagsisigurado niya sa akin.
Tumango ako. "Oh siya okay na"
Kaagad na pumasok si Kokoy sa backseat. Tumingin naman si Alejandro sa akin bago niya binuksan ang unahang pintuan, katabi ng driver.
Nilahad ni Alejandro ang kamay sa aking harapan. "Tara na?"
Tiningnan ko ang kaniyang kamay bago ko iyon tinanggap.
Ngumiti ng malawak si Alejandro bago niya ako hinila at inalalayan papasok.