KABANATA 24

2029 Words
Sobrang galit ako sa mga paasa na lalaki. Sa una lang talaga sila magaling. Ang daming mga pinapatunayan tapos kapag magaan na ang loob mo, tsaka naman silang magloloko. Hindi na ako natuto. "Lalabs. Mag-usap muna tayo!" Narinig ko ang malakas na pagkatok niya sa pinto. Maging si Kokoy ay naguguluhan at hindi alam kung anong nangyayari. Kinuha ko ang ilang gamit ni Alejandro sa bahay. Nakikiligo kasi siya dito minsan tapos minsan nga natigil siya sa bahay kasi kumakain ng hapunan at minsan nakikipaglaro kay Kokoy. Kinuha ko 'yong bag niya at nilagay doon lahat ng gamit niya. Tinanggal ko din ang mga products na binebenta ko sa istante na gawa niya bago ko buksan ang pinto. Nakita ko si Alejandro na nakasecurity guard pa rin kaya mas lalo kong naaalala 'yong lampungan nila. "Lalabs mag-usap tayo—" Binato ko sa kaniya 'yong bag niya na kaagad niyang sinalo. "Kunin mo itong istante" malamig ang aking pagkakasabi. Umiling siya bago siya pumasok ng bahay para lapitan ako pero umatras ako. "Pakinggan mo muna ako. Bakit mo ako agad pinapalayas?" "Ilabas mo 'yang istante o ibato ko sa'yo?!" "Edi ibato mo. Hindi ako aalis dito!" Pagmamatigas niya. "Ah gano'n ah?" Lumapit ako sa istante at ready na 'yong ibagsak sa kaniya nang pumunta siya sa pwesto ni Kokoy. Aba ang gago nagtago pa sa likudan ng anak ko. "Utol! Sabihin mo nga sa nanay mo huwag ako awayin" "Ah...e..." hindi alam ni Kokoy ang gagawin habang pabalik-balik ang tingin sa amin" Suminghal ako. "Umalis ka diyan. Huwag mo hawakan ang anak ko!" "Bakit ka kasi nagagalit?" Magkasalubong ang kilay ni Alejandro. "Bakit hindi? Kitang kita ng mata ko 'yong mga kalokohan mo!" "Eh mali naman kasi nasa isip mo. Tuloy kung ano-anong ginawa mo. Nawalan pa ako ng trabaho" "Ah ganoon ah! Ako pa mali!" Mas lalong uminit ang aking ulo. "Hindi ko sinabing mali ka" "Ganoon ang pinapalabas mo. So kasalanan ko pa na natanggal ka sa trabaho? E ikaw nga itong...umeemerut sa boss mo!" "Hindi kasi ako umeeemerut emerut kung ano pa 'yan" "Bakit ka kasi lumuhod?! Sinabi ko bang lumuhod ka ah?" "Wow. Ako na nga itong umayos e" "Eh bakit ka kasi nagagalit na nawalan ng trabaho? Bakit? Nanghihimayang ka na hindi mo na makakasama 'yang boss mo!" "Hindi nga!" "Anong hindi? Hindi mo nga tinataboy e. Gusto mo papaya niya gano'n?" "Ayoko ng papaya. Gusto ko ng kamatis" Napatitig ako sa dibdib ko. Napaawang ang bibig ko. "Anong kamatis! Walang hiya ka talaga!" "Hindi nga kasi gano'n 'yon! Kung sana nakinig ka muna" "E bakit ka nag-sinungaling sa akin no'ng nakaraan?" "Eh iba naman kasi 'yon e" "Anong iba?! Pare-parehas kayong mga lalaki kayo. Dapat sa inyo hindi pinapasok sa buhay namin" "Tss. Wala nga kasi akong babae. Ikaw lang naman ang bebe ko" giit niya. "Kasalanan ko bang gwapo ako at gusto ako ng mga babae?" Napasinghal ako sa sobrang hangin ng lalaking ito. "Pambihira ka talaga! Lakas ng apog mo!" Tumingin ako kay Kokoy na halatang hindi na alam kung saan kakampi. Halatang litong lito siya sa mga nangyayari. Mamaya ko na lang ipapaliwanag. "Lumabas ka muna Kokoy dali!" Utos ko. "Huwag mo ako iiwan dito utol. Halimaw ang nanay mo" pigil pa ni Alejandro sa anak ko. Tumaas ang kilay ko. "Anong halimaw!" "Tumigil na kayong dalawa!" Si Kokoy na ang sumigaw kaya tinikom ko ang bibig. Ganoon din si Alejandro. "Huwag na po kayo mag-away!" Ngumuso siya. "Para kayong mga bata!" Dire-diretsyong umalis ang anak ko palabas ng bahay at malakas pa kaming sinaraduhan ng pinto. Wow. Ang anak ko pa talaga nag-walk out. Pagkalabas ng anak ko ay biglang tumahimik ang paligid at nakatulong iyon para kumalma ako ng kaunti. Tumingin ako kay Alejandro na nakabaluktot sa upuan tapos may dala pa siyang throwpillow at nakasangga sa katawan niya. "Umalis ka na Alejandro hangga't nagtitimpi pa ako" giit ko. Pinigilan ko pa 'yong gigil ko. "Ayaw ko. Hindi ako aalis dito" "Basted ka na. Hindi na kita sasagutin kailanman" "Huwag naman ganiyanan. Wala naman akong ginawang masama" Umalis siya sa inuupuan bago lumapit sa akin. "Sorry na kasi lalabs" "Anong sorry sorry? Nagsinungaling ka sa akin Alejandro at ano? May babae ka pang kalumpungan" Nararamdaman ko na namang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. "Palibhasa ang galing galing niyo lang sa una tapos ano? Pagkatapos no'n kapag nakuha niyo na 'yong loob kampante na kayo gawin ang gusto niyo" "Sorry na lalabs" mahinang sambit ni Alejandro bago sumakop ang mainit niyang braso sa katawan ko. "Hindi ko naman gagawin sa'yo 'yon e. Hindi talaga ako nambabae. Promise" "Tss. Sinungaling ka Alejandro. Wala kang pinagkaiba sa ama ni Kokoy" Sinubsob ko ang mukha sa dibdib niya bago ako umiyak ng mahina. Oa na kung oa. Pero ayaw ko sa sinungaling. Ayaw ko sa...nakita ko kanina. Galit ako sa mga lalaking paasa. "Sorry lalabs. Hindi ko sinasadya na magsinungaling sa'yo. Nag-inuman kami nina Kula at Jepot kasi....hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo pa ako sinasagot" Tumigil ako sa paghikbi bago ko inangat ang tingin sa kaniya. So tama si Jevie. "Kaya lumandi ka na ng iba kasi naiinip ka na?" Umiling-iling siya. "Hindi ah!" Sumingkit ang mga mata ko. "Edi ano 'yong nakita ko?" "Sabi ko sa'yo, pogi ako. Lapitin talaga ng babae—ARAY!" Kinurot ko 'yong abs niya. "Huwag kang mahangin!" "Totoo lang kasi—ARAY KO PO!" Mapino ko siya ulit na kinurot kaya napalayo na siya sa akin. "Umalis ka na. Hindi kita mapapatawad—" "Sorry na lalabs!" Lumuhod siya bigla sa harapan ko bago yumakap sa mga tuhod ko. "Parang awa mo na lalabs. Hayaan mo akong pumasok sa kipay mo" "ANO?!" "Este sa buhay mo!" Napailing ako bago ko ginalaw-galaw ang tuhod ko. "Tumayo ka nga" "Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako napapatawad tsaka hindi ko nga 'yon nilandi" "Asus. Mukhang saya-saya ka pa nga" "Hindi ah? Maganda ka pa do'n tsaka hindi ko alam na natitipuhan niya ako. Nagustuhan niya ata ako dahil tinulungan ko siya" "Dapat hindi mo na tinulungan. Hayaan mong ma-holdap!" "Kung alam ko lang lalabs na ganoon, hahayaan ko na lang siya" Bumuntong hininga ako at pinunasan ang basa kong mga mata. "Tumayo ka na diyan Alejandro" "Ayaw ko. Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi na napatawad mo na ako" "Kapag hindi ka tumayo, hinding hindi na talaga kita patatawarin kailanman" Mabilis siyang tumayo na parang takot na takot. "Eto na.." masuyo niyang sambit. Pinagkrus ko ang mga braso. "Umuwi ka na muna please?" Umiling siya. "Ayaw" Minasahe ko ang ulo ko. "Kung nagmamadali ka ng sagutin, hindi ako ang dapat niligawan mo. May trauma ako sa lalaki. Mahirap para sa akin ang magpapasok ng buo. 'Yong kaninang nakita ko at 'yong pagsisinungaling mo, natakot ulit ako magtiwala. Sana maintindihan mo Alejandro" Siya naman 'yong bumuntong hininga at bumagsak ang balikat. Halatang sising sisi 'yong mukha niya. "Sige. Sorry ulit. Sana mapatawad mo pa ako" yumuko siya bago tumalikod at naglakad palabas ng bahay. Sinapo ko ang noo bago ko iyon ng minasahe. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng nangyari. Nakita ko na nag-message si Jevie sa akin at nakikibalita pero panigurado, nakarating na sa kaniya. Ang daming nakikiusyoso dito sa amin e. Tsaka gusto ko din siyang kaltukan. Siya ang may dahilan nito kung bakit ako nag-overthink. Hindi naman pala babae e. "Ano nay? Okay na kayo ni utol?" Iyon ang tanong sa akin ni Kokoy pag-uwi niya ng bahay. Naghahanda na ako ng hapunan namin dahil maggagabi na rin pala. Sobrang dami pang gagawin. Hindi pa nakapunta kina Jevie kasi wala ako sa mood. "Ewan ko Kokoy. Nagsinungaling kasi sa akin 'yang utol mo e" hindi ko na sinabi na may babae si Alejandro. Ipinaliwanag naman niya na hindi niya iyon babae. Pero nakakainis pa rin. "Kaya pala nag-iinuman sila sa tindahan ni Ka-ising. Kumakanta ng 'pusong bato' " Kanina ko pa nga naririnig 'yang videoke na 'yan. Hindi ko alam na siya pala ang kumakanta. Pusong bato? Ano ibig sabihin no'n? Pusong bato ako gano'n? Tapos bakit nag-iinom siya ulit? "Nay..." yumakap sa hita ko ang aking anak dahilan para bumaba ang tingin ko sa kaniya. "Huwag na kayo mag-away please?" Parang may nakaharang sa lalamunan ko sa pakiusap na iyon. "Ayaw kong nag-aaway kayo e" giit pa niya. Naramdaman ko ang pagkabasa ng hita ko kaya mas lalo akong napalunok. "H-hindi na po ba pupunta si utol d-dito? Hindi ka na niya...l-liligawan po?" Tanong pa niya. Pinatay ko ang stove bago ako lumuhod para sapuin ang kaniyang mukha. "Gusto mo maging tatay si Alejandro?" Tumango siya. Suminghot-singhot pa siya habang tumutulo ang luha. "Pero paano kapag nasaktan ako sa ginawa niya?" "Sinaktan ka po ba niya?" "Nagsinungaling siya sa akin. Ayaw ko sa sinungaling" Yumuko si Kokoy bago mabagal na tumango na parang naiintindihan niya pero halatang malungkot siya kaya hindi ako mapakali. Kahit sa paglalim ng gabi, nakita ko na nililinis niya 'yong mga laruang bigay ni Alejandro sa kaniya. At maingay pa rin sa labas kahit mag-a-alas diyes na. "SHOUT OUT SA BABAENG MASUNGIT PERO LABS NA LABS KO! PARA SA'YO 'TO!" Rinig na rinig dito sa bahay 'yong boses at malalakas na sigawan. Nangunguna pa 'yong 'BOSES' niya. "Sorry na kung nagalit ka, 'di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako, init lang ng ulo. Pipilitin kong magbago, pangako sa iyo~" Sa pangalawang verse, hindi na niya kinakanta e. Puro na lang siya kung ano-ano. "Sorry na talaga. Patawarin mo na ako Bettina Rivera. Ikaw lang wala ng iba!" Napasinghal ako. Nakakahiya siya. "Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga.Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit. Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako, 'wag sanang magtampo. Sorry na~" Mamaya narinig ko naman na iba naman ang kinakanta niya. "Umuwi ka na 'lalabs'. Di na ako sanay na wala ka~" "Ayieeeee~" "Mahirap ang mag-isa~" "Awit. Labasan mo na 'to Betty! Umiiyak na!" Rinig ko pang sigaw ng kainuman niya. Tumingin si Kokoy sa akin. Tinititigan ako habang nasa may tapat ako ng pinto at nakasandal lang doon. "Bakit?" Tanong ko. "Bakit ka po ngumingiti diyan?" "Ha? Anong ngumingiti!" Kaagad kong tinanggal iyon sa aking labi kung meron man. Niloloko ako ng anak ko. "Sunduin mo na si Utol" dagdag pa ni Kokoy. "Ang ingay niya po 'nay" Pinagkrus ko ang mga braso at nagnilay-nilay bago ako nagdesisyon para sa sarili ko at para kay Kokoy. Kumuha ako ng jacket bago isang patpat pamalo. Sasawayin ko lang 'yong maiingay! Naglakad ako papunta sa tindahan ni Ka-Ising at naririnig ko pa rin ang nakakarinding boses ni Alejandro. "Sige na please huwag nang umalis. Bumalik ka na sa akin~" "Sorry 'lalabs' ika'y nasaktan! Bumalik ka na sa akin~" Pagkarating ko, nakita ko ang gago, patalon talon at bidang bida sa harap ng videoke. Pumapalakpak ang mga kainuman niya na halos nasa walo ata sila. Si Jepot at Kula ay kaakbayan niya tapos pare-parehas silang tumatalon. "Babalik pa ba sa akin 'tol?" Biglang drama nito. "Gago ako e!" "Wala na. Hindi ka na babalikan" "Hindi pwede. Anong hindi babalikan—" "Uy Betty!" Napatayo ako ng tuwid nang makita ako ni Jepot. Narinig ng lahat kasi naka-mike ang gago. Bigla tuloy akong nailang. "Lalabs!" Si Alejandro ang tumawag. Kaagad niyang tinanggal ang pagkakaakbay sa kaibigan para lumapit sa akin pero nakakailang hakbang pa lang, biglang bumagsak. Tumama ang mukha sa sahig. Ang tanga! Dali-dali ko siyang dinaluhan. Inangat ko 'yong balikat niya para ikutin siya at nakita kong nakangiti siya bago napatingin sa akin. "Ikaw nga lalabs. Ikaw nga 'yan" tumatawa tawa pa siya, halatang wala sa wisyo kahit may malaking bukol 'yong noo niya. "Sinusundo mo ba ako? Ayiiee. Pinapatawad mo na ako ano? Hindi mo ako matitiis?" Napailing ako bago ko dinuro 'yong pagmumukha niya. "Sa susunod na magsinungaling ka, hindi na kita patatawarin pa, naiintindihan mo ba?" Duling niyang tiningnan ang mga kamay ko. "Yes naman lalabs. Handred persent. Hindi na po mauulit" tumatawa na naman siya kasi sa pula pa lang ng mukha, halatang lasing na lasing. Huminga ako ng malalim bago ko nilahad ang kamay sa kaniya. "Umuwi na tayo?" Masuyo kong sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD