Alejandro's POV...
"Paano ko susuyuin 'san?" Tanong ko sa aking pinsan habang breaktime ko sa trabaho.
Binigyan ako ng boss namin, si Ma'am Sol ng donut mula sa isang sikat na brand. Magtatago nga ako para kay Kokoy.
Galit sa akin si Betty kaya ngayon, panigurado mangsusuyo ako.
"Tanga ka kasi. Bakit ka nag-inom ng hindi nagpapaalam?" Sambit sa akin ni Eduardo sa kabilang linya.
Napakamot ako ng batok. "Kasi hindi ko na maintindihan 'yong nililigawan ko. Nagdadrama ako kina Kula at Jepot kagabi kasi pakiramdam ko gusto na niya ako kasi men, hindi pa ako sinasagot"
"Hinahalikan na niya ako. Ni-ra-rape pa nga e" himutok ko pa.
"Sinabi mo sa akin na single mother 'yang nililigawan mo hindi ba? Panigurado natatakot 'yan na pumasok ulit sa relasyon"
Saglit akong napaisip. Oo nga ano? Napaupo ako ng tuwid.
"Tama ka pinsan. Mali ako talaga" ngayon ko lang napagtanto lahat.
Masiyado ako nagmamadali e naalala ko nga palang galit 'yon sa tatay ni Kokoy. Baka nga hirap pa siya magtiwala tapos ganito pa ginawa ko?
"Bobo ka talaga Alejandro. Hinahalikan ka na nga at sabi mo nira-rape ka na din, edi ibig sabihin malapit na. Tsaka ka pa maghihimutok kasi hindi ka pa sinasagot? Gago ka talaga"
Bawat salita ata ni Eduardo tumatama sa puso ko. Bawat salita, nauumpog ako.
"Hindi ba't pinapatunayan mo palang sarili mo? Tapos nagsinungaling ka kaagad"
Napasapo ako ng noo. "Paktay. Hindi na niya ako sasagutin!"
Bumagsak ang balikat ko. Wala na. Baka hindi na niya ako pansinin.
Gago ko talaga! Puta.
Pogi nga ako pero tanga naman.
Wala pang pera.
"Ano gagawin ko 'san? Tips naman!"
"Hindi ko din alam. Hindi ko pa nasusuyo 'yong akin e"
Ngumuso ako. "Hindi ka nakakatulong!"
"Totoo naman e. Gago din ako noon hindi ba? Hindi ko pa rin alam kung paano susuyuin 'yong iniwan ko"
Sabagay. Tulad ng sinabi ko, 'yong bahay na binabantayan ko ay para sa pamilya niya. Iniwan niya kasi e. Manuyo siya pag-uwi niya.
"Xandro!"
Nagpaalam na agad ako kay Eduardo nang bigla akong tawagin ni Ma'am Sol.
Xandro ang tawag nila sa akin. Imbes daw na 'Jandro' pinaltan na lang ng 'X' para daw mas magandang pakinggan.
Ang aking boss ay medyo bata pa. Masasabi ko na maganda siya dahil sa makorte nitong pangangatawan. Mahilig din ito sa mga kasuotan na masiyadong maraming pinapakitang balat, lalo na bandang dibdib. Halos lumuwa na ito sa kaniyang kasuotan.
Pero siyempre, si Betty pa rin ang pinakamaganda kahit hindi kalakihan ang dibdib. Hindi ako magsasawang supsupin 'yon.
"Po ma'am? May iuutos kayo?" Tanong ko. Inayos ko ang suot kong sumbrero.
Nasa labas lang naman ako ng jewelry store at nakaupo.
"No. Wala naman. Gusto ko lang magtanong kung ayos ba ang lasa ng donuts? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Ayos lang po ma'am. Ang sarap at hindi masiyadong matamis"
"Glad that you like it" pinagdaop nito ang palad. "Bilhan pa kita if you want"
"Ay nako ma'am tama na po ito"
Masiyadong mabait ang boss namin. Talagang mapagbigay kaya nakakahiya na. Baka malugi na siya sa pagpapakain.
"No. It's fine. Tsaka gusto talaga kita pasalamatan sa pagligtas mo sa akin" kinuha niya ang kamay ko.
Napatalon ako sa gulat.
"Sobrang tinatanaw ko ng utang na loob 'yong pagligtas mo sa akin. Pangalawang buhay ko na yata 'yon e"
Ngumiwi ako bago ko may respetong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"O-okay lang ma'am. Isa pa, binigyan niyo na ako ng trabaho okay na 'yon!"
"Single ka ba?" Tanong niya bago naman nilapit niya 'yong dibdib niya sa braso ko.
Diyos na mahabagin.
Hindi pwede 'to.
Kaya pala sobrang bait sa akin e.
"Ahmm..hindi ma'am. May nililigawan ako" lumayo ako pero nilapit niya ulit.
"Nililigawan pa lang...so single ka pa nga" kinagat nito ang labi.
Nagtaasan ang balahibo ko bago ako napasign of the cross.
Ano gagawin ko? Kapag tinulak ko 'to, baka matanggal ako sa trabaho. Boss ko siya, paano ko siya tatanggihan ng ayos?
Haist.
Panginoong diyos, bakit mo ako biniyayayaan ng ganitong kagwapuhan?
"Ahm...mawalang galang na ma'am—"
"Kaya kong ibigay sa'yo lahat. Name your price" bigla niyang sinapo ang pisngi ko at pinatakan ako ng halik sa pisngi.
Huli na para makaiwas ako at matulak siya dahil may humila ng buhok ng boss ko.
"Walanghiya ka. Ang landi-landi mo!"
Napalingon ako sa sumabunot at halos malaglag ang panga ko nang makita si Betty iyon.
Shuta!
___________________________
Betty's POV...
Nambababae si Alejandro.
Tuwing naiisip ko iyon ay mas lalong tumataas 'yong kagustuhan kong makapatay kaya naman nang marinig ko 'yon mula kay Jevie, kaagad akong naligo.
Mabilisang ligo lang ang ginawa ko. Sinuot ko 'yong pinakamaganda kong bestida dito. Isang kulay pulang bestida na mala-kontrabida talaga. Naglagay din ako ng lipstick na pula para mas pak ang katarayan.
Nilinis ko rin ang aking mga kuko at pinatulis ito para mamaya, sulit 'yong kalmot at sabunot.
Kung totoo man ang sinabi ni Alejandro, pag-uuntugin ko sila ng babae niya.
Ang gago! Papasok pasok sa buhay ko tapos ano?! Makikipaglumpungan siya sa iba?
Hindi maaari! Hindi pwedeng hindi ako makakaganti!
"Saan kayo pupunta nanay?" Tanong ni Kokoy nang makita ang aking suot.
Mukha na namang gusgusin ang aking anak. Halatang naglalaro sa labas.
"Mayroon lang ako papatayin" ngumiti ako ng malawak.
"A-ano nay?" Nanlaki ang mata ni Kokoy.
"Bibisitahin lang anak. Bibisitahin ko si Alejandro sa pinagtatrabahuhan niya" ulit ko dahilan para makahinga ng maluwag ang aking anak.
Mukha ba akong mamamatay tao.
"Ahh ganoon po ba? Sama ako! Papakita ko sa kaniya bago kong skill sa pagbaril. Bang bang bang!" Gumulong pa sa sahig ang aking anak at nagmala-aksyon star.
"Tigilan mo nga 'yan. Ang dumi-dumi ng sahig. Magwalis ka"
"Nanay naman e. KJ mo talaga" kumamot ito ng ulo bago kinuha 'yong walis.
"Sasaglit lang ako. Dito ka muna ah?"
"Sige po! Bili mo ako burgers"
"Sige"
Mukhang masarap mag-burger pagkatapos makapanakit.
Hindi talaga mapapakali. Sumakay ako ng jeep papuntang mall.
Ang dami ng masasamang senaryo ang pumapasok sa aking isipan. Iniisa isa ko na ang gagawin ko kapag ka nahuli ko sila naglalampungan.
Talagang may makakatay ako.
Paano ko kaya cha-chop-cha-pin 'yong katawan ni Alejandro at ng babae niya?
Hindi ko namalayan na nasa mall na pala ako. Kaagad akong pumasok. Mabibigat ang mga lakad ko. Sa aking paglakad, malalaman mo talagang may susugudin ako. Hindi ko alam 'yong pangalan ng jewelry store kaya kada may makikita ako ay kaagad kong tinatanaw kung ando'n ba si Alejandro hanggang sa makarating ako ng second floor.
At kakaalis ko lang sa escalator kaagad na tumama ang mata ko sa isang malaking jewelry store at naando'n si Alejandro.
Hindi ako pwede magkamali dahil sa tindig pa lang ay si Alejandro na.
At hindi pa iyon ang nagpakulo ng dugo ko kung hindi 'yong kalumpungan niya.
Natigilan ako at hindi nakahinga saglit.
Ang babae ay may malaking kargado sa kaniyang dibdib at nakadikit iyon sa braso ni Alejandro.
Napatingin ako sa aking dibdib at biglang nanliit.
Pagkabalik ko ng tingin sa kanila, nakita kong hinalikan siya ng babae sa pisngi.
Tumaas ang dugo sa aking ulo at mas lalong nandilim ang paningin ko.
Puta. Pare-parehas talaga ang mga lalaki.
Namalayan ko na lang, lumalakad na ako palapit sa kanila at kusang gumalaw itong kamay ko para hablutin ang buhok no'ng babae.
"Walanghiya ka! Ang landi-landi mo!"
"Ouch! What the—"
"Kingina mo! May nililigawan na 'yan makalingkis ka naman!" Hiyaw ko.
"Omg. Let me go—"
Hinila ko pa anet niya hanggang sa mapaupo siya sa sahig.
Wala na akong pake sa panahon na 'yon kahit may ilang mga tao na ang nakakita sa amin.
Alam kong gumagawa na ako ng eksena pero nakakairita e!
"Akala mo nakakaakit 'yang dibdib mong lawlaw ha?! Dami na siguro lumamas diyan"
"Ouch—security!"
Gusto ko pa sana siyang kaladkarin nang may yumakap sa akin sa likuran.
"Lalabs tama na!"
Si Alejandro iyon kaya napatingin ako sa kaniya. Binitawan ko ang buhok ng babae niya bago ko siya sinampal.
Nanlaki ang mata niya at napatabingi ang mukha sa lakas no'n.
"Hayop ka! Papasok ka sa buhay ko tapos ano? Makikipaglumpungan ka sa iba!" Sambit ko na puno ng pait.
Siya naman ngayon ang sinuntok-suntok ko!
Nakita ko ang pagsibol ng takot sa mga mata niya. "Teka. Mali ang iniisip mo—"
Hinuli niya ang mga kamao ko bago niya ako niyakap at tinago ang mukha ko.
"Mag-usap tayo mamaya lalabs. Hindi dito. Makukuhanan ka ng video"
"Wala akong pake!" Tinulak-tulak ko siya. "Walanghiya ka Alejandro! Putangina mo! Pare-parehas talaga kayong mga lalaki"
Hindi ko alam kung bakit naluluha ako e.
Dahil sa komosyon na ginawa ko, napunta kami sa security office.
Nasa harap kami ng head manager ng mall. Nakaharap sa akin ang babae ni Alejandro na napag-alaman kong...boss niya.
"I want to sue her. Kailangan niyang makulong!" Iyon ang sinabi niya dahilan para manigas ako sa kinauupuan.
Alam kong naging sarado ang utak ko kanina pero ngayon...para akong natauhan. Hindi ako pwede makulong.
Paano si Kokoy—
"Huwag naman ganiyanan Ma'am Sol" putol ni Alejandro na nasa tabihan ko.
Hinuhuli niya ang kamay ko pero hindi ko iyon hinahayaan.
Nakakadiri siya.
"Anong huwag Xandro? Pinahiya niya ako at sinabunutan. Kung ano-ano pang sinabi niya sa akin. She said that I'm a w***e?! And she even said that my breast is lawlaw!"
Pinikit ko ang mga mata habang nirerebatan siya sa utak ko.
Totoo na namang lawlaw 'yang malapapaya niyang dibdib e. Tapos ang landi landi naman talaga niya.
Halatang inaakit niya si Alejandro e!
"Ang lakas manugod e sabi naman sa akin ni Xandro na nanliligaw pa lang siya. He's single so what's wrong with that hindi ba?" dagdag pa ng malandi.
Napaangat ako ng tingin. Tumaas na naman ang dugo ko sa utak. Akmang magsasalita ako nang unahan ako ni Alejandro.
"Ma'am Sol, makikiusap na po ako na huwag na po natin ito palalain pa. Humihingi ako ng paumanhin sa nasabi ni Betty. Nagseselos lang po siya sa inyo"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alejandro. Talagang tinitigan ko siya ng masama.
Anong selos?! Tangina niya talaga.
Tumingin pabalik sa akin si Alejandro at tumango na para bang gusto niyang hayaan ko siya na magresolba nito.
Mamaya ka sa akin.
"Tsaka kahit nanliligaw pa lang ako, binibigyan ko talaga siya ng karapatan na angkinin ako" paliwanag pa ni Alejandro.
"No Xandro. Hindi ako papayag na hindi siya makulong. Pinahiya niya ako" pagmamatigas pa nito si Papaya landi.
Pinagkrus ko ang braso bago yumuko.
Medyo nagsisisi ako na sinugod ko siya. Wala akong mailalaban kasi...totoo naman.
"Kung ganoon po ma'am, magpapadala po kami ng pulis dito" sabi ng Head Manager dahilan para mas lalo akong manigas.
Tumingin ako sa malanding nasa harapan ko.
"T-teka. P-pakiusap.." nauutal kong sambit. Nanginig ang aking labi.
"Ano? You're going to beg now?" Mataray na sambit niya.
Hindi ako pwede makulong. Paano si Kokoy?
Lumunok ako. Luluhod na sana ako nang lumuhod si Alejandro.
Napatingin ako sa kaniya sa gulat.
"Makikiusap na ako ma'am Sol, huwag niyo po siyang ipakulong pwede po ba? Nagmamakaawa po ako. Kaunting awa lang. Hindi po siya pwede makulong" hinging paumanhin ni Alejandro at hinawakan pa niya ang paa nito.
"Huwag kang lumuhod. It's not your fault—"
"Please po ma'am? Ibigay niyo na ito sa akin, kapalit ng pagligtas ko sa inyo"
Tumahimik ang malanding boss ni Alejandro bago tumingin sa akin. Napailing iling ito.
"Sige, pagbibigyan ko ang warfreak mong nililigawan pero...ito na ang huling araw mo sa trabaho. You are fired Alejandro"
Napaawang ang bibig ko.
Tumango si Alejandro. "Sige po ma'am. Sorry po ulit"
"Hmp!" Ismid nito bago dire-diretsyong lumabas ng opisina.
Nanghihina akong napasandal ng upuan. Nasermonan pa rin ako ng head manager pero kaagad ding natapos iyon matapos pumayag ng malanding 'yon na hindi ako ipakulong.
Nanghihina akong lumabas ng security office. Nauna akong lumabas, hindi binabalingan si Alejandro.
"Teka"
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Alejandro sa braso ko kaya mabilis ko iyong winaksi.
Hinarap ko siya at masama siyang tiningnan.
"Huwag ka na magpapakita sa bahay" malamig kong sambit.
"Lalabs naman. Magpapaliwanag ako!" umiling siya at pilit akong inabot pero umatras ako.
"Huwag mo na kakausapin ang anak ko ha? Kapag nakita kita na kinakausap ang anak ko, mapapatay kita" dinuro ko siya. Kitang kita ko ang panginginig ng kamay ko sa gigil.
Naramdaman kong parang tutulo ang luha sa mga mata ko. "Kayo talagang mga lalaki. Mga paasa kayo..."
Tinalikuran ko siya bago ko dali-dali siyang iniwan doon.