KABANATA 22

1394 Words
Lumipas ang mga araw na magaan. Ganoon ang naramdaman ko matapos pumasok sa buhay ko ang isang kumag na si Alejandro. Nagpatuloy ang trabaho nito sa mall. Bago umuwi, dadaan muna siya sa bahay na may dalang pagkain tapos minsan ay may dalang laruan na baril kay Kokoy kaya talagang napipingot ko siya kasi talagang mga baril pa binibili. Aba ang sabi pa niya, future sundalo daw si Kokoy. Kung maging future kriminal 'yan? Jusko. Kumakain siya ng hapunan sa bahay tapos uuwi rin kasi kailangan ng bantay no'ng bahay na tinitirhan niya. Kapag walang duty, sinasamahan niya ako magdeliver ng mga orders ko. Hindi lang iyon, kapag hindi nauubos ang paninda, siya pa nangsa-salestalk. Isang beses dinala pa niya 'yong tinda kong diswasing liquid sa mga ka-tropa niya. Binenta niya 'yong diswashing liquid ng doble sa presyo. Bumili lahat kasi binantaan niyang bubugbugin niya isa-isa. At alam niyo ba kung bakit doble sa presyo? Pang-date daw namin. Pakiramdam ko mayroon akong pinapalaking dalawang bata. Masasabi ko na maaasahan ko si Alejandro. Dahil nagkaroon ng lalaki, nagiging magaan ang gawain sa bahay. Si Alejandro ang gumagawa kapag may nasirang tubo o kaya may kailangang i-repair sa bahay. Para talaga siyang tumatayong....padre pamilya. "Tsaran!" Ani ni Alejandro bago niya ipinakita ang ginagawa niya nitong mga nakaraang araw. Nanlaki ang mata ko nang makita isa iyong istante na may apat na layers na gawa sa kahoy. Napasinghap ako sa gulat. "Ali..." Binitawan ni Alejandro ang hawak niyang martilyo at pinunasan ang pawis niya. "Napansin ko kasi na nasa kahon lang 'yong mga paninda mo. Kaya ayan, ginawan kita ng istante para naman—" Hindi ko na siya pinatapos. Basta ko na lang siya sinugod ng yakap. "Thank you!!!!" Sobrang saya ko. Gusto ko magpagawa ng ganito kaso wala pa akong pampagawa. Hindi ko alam na ito pala ginagawa niya ilang araw na. "Ayos ba ganda?" Natatawang sambit ni Alejandro bago ako niyakap pabalik. "Sobra!" Tuwang tuwa kong sambit bago ko siya bitawan para tingnan 'yong estante. "Ang gandaa!" Naramdaman ko ang braso ni Alejandro sa aking balikat. "Hiningi ko lang 'yan sa may bilihan ng kahoy. Mga tira tira lang kaya naman hindi 'yan perfect. Binarnisan ko lang" Tumingin ulit ako kay Alejandro. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. Ayan talaga 'yong signature niyang mukha. 'Yong halos mawalan na ng mata kakangiti ng malawak. Napakaloko ngumiti na minsan parang maaasar ka. Sa maikling panahon, ang dami niyang nagawa. Sa totoo niyan, napapatunayan na niya sa akin ang intensyon niya. Tumingkayad ako bago ko sinapo ang mukha niya at halikan sa labi. Kaagad din naman akong lumayo bago siya muling niyakap. "Salamat talaga Ali" giit ko ulit. Narinig ko ang mabilis na pagkabog ng kaniyang puso nang ilapat ko ang mukha sa kaniyang dibdib. Tss. Kinilig na naman 'to. "Yummy naman!" Sambit niya bago natatawang niyakap ako pabalik pero nararamdaman kong hinahawakan niya 'yong puwitan ko. "Yummy talaga!" Naiinis kong hinampas ang kamay niya. "'Yang kamay mo!" Tumawa lang siya bago inangat ulit ang kamay sa bewang ko. "Ano? Pasado na ba sa'yo lalabs?" "Sobra! Gusto ko nito e" "Galing ko talaga ano? Namamangha ka na naman sa akin" Dumistansya ako saglit para sapuin ang pisngi niya at patakan siya ulit ng halik sa labi. Napangiti siya sa ginawa ko. "Sobrang gusto mo na siguro ako ano. Huwag ka na mahiya, sagutin mo na ako" Lihim akong napangiti. "Neknek mo" mapang-asar kong sambit bago ako humiwalay at excited na kinuha ang mga paninda ko para ilagay doon sa estante. "Lalabs naman! Kailan mo ako sasagutin?" Reklamo niya at nakanguso pa. Napailing na lang ako bago ko siya tinulak. "Nangangamoy ka na. Ligo ka muna" natatawa kong sambit. Pabirong nagdabog si Alejandro bago nagtungo sa banyo namin para maligo. ________________ "Kamusta kayo ng manliligaw mo?" Tanong ni Jevie habang nagse-set up ako para sa online selling. Kusang umangat ang labi ko para umukit ng isang ngiti. "Pinapatunayan niya pa rin sa akin ang sarili niya Jevie. Ginawan niya ng istante 'yong mga paninda ko" kwento ko. Si Jevie lang ang masasabi kong pinaka-close ko kaya sa kaniya ko lang naikwekwento lahat. "Wow. Patay na patay talaga sa'yo ah?" Kinagat ko ang labi para pigilan 'yong masiyado kong pagngiti at nagpokus sa paghahanger ng damit. "Ewan ko do'n" "Asus" binangga ako ni Jevie sa balikat kaya lumingon ako sa kaniya. "Aminin, kinikilig ka ano?" "Hindi naman" Mas lalong sumingkit ang mata niya. Umiwas ako ng tingin bago ko pinasadahan ng kamay ko ang damit na dala ko. "Basta ang alam ko masaya ako. Ang gaan sa pakiramdam kasi may tumutulong sa'yo. Si Alejandro, pinapagaan niya ang pasanin ko. Gustong gusto pa siya ni Kokoy..." "So...gusto mo na siya?" Muli akong lumingon kay Jevie bago ko naramdaman ang pag-init ng aking pisngi. "Ahm...tingin ko" "Nako. Masama 'yan" bumuntong hininga si Jevie. "Ano namang masama? Mabait naman si Alejandro–" "Akala mo sa una lang 'yan? Hindi ka na ba natuto sa ama ni Kokoy?" Napalunok ako dahil natamaan ako doon. "Natatakot din ako kaya nga siguro hindi ko pa siya kayang sagutin" "Bakit? Nangungulit na?" Napanguso ako tapos naalala ko 'yong sinabi ni Alejandro kanina. "Oo. Nagtanong siya kung sasagutin ko na siya" "Nako. Naiinip na iyon. Mamaya hindi ka na no'n mahintay tapos maghanap na ng ibang babae" giit pa ni Jevie dahilan para maalibadbaran ako. "Pero...parang hindi pa ako handa na sagutin siya. Sabi naman niya maghihintay siya" "Tss. Hindi mo alam ang lalaki. Mabilis mawala ang atensyon niyan" "Pero...hindi iyon ang nararamdaman ko. Binibigay at pinapatunayan naman niya sa akin na mahal niya ako" "Siguraduhin mo muna. Baka mamaya may iba na 'yan e. Nabisita mo na ba 'yong pinagtatrabahuhan niya?" Umiling ako. "Hindi pa. Wala pa akong oras e" "Check mo. Baka may kalandian do'n" "Ano ba Jevie" sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang ganiyan. Ang negative mo ano?" "Naga-advice lang sa'yo. Ayaw kong lumapit ka sa akin tapos iiyak-iyak ka" Dahil sa sinabi ni Jevie, hindi mawala sa isip ko 'yong mga sinabi niya. Hindi tuloy ako makapokus sa pag-o-online selling. Gwapo si Alejandro. Paano kung may lumalandi nga sa kaniya? Tsaka paano kung nagsasawa na nga siya? Paano kung hindi pa talaga ako handa na sagutin siya? Maghahanap na siya ng iba? Hindi ako mapakali at mas lalo pa iyong lumala nang hindi dumating si Alejandro para sa hapunan. Kinabukasan, pumunta siya sa bahay pero may kakaiba sa kaniya. Hindi siya nakangiti. "Saan ka galing kagabi?" Masungit kong tanong. "Ahhh...." kumamot siya ng batok. "Overtime ako kagabi" "Bakit hindi ka nakapag-message?" Nagme-message siya kapag ka hindi siya makakapunta o busy siya. "Lowbat ako kagabi ganda" "Edi ba may saksakan do'n?" "Hindi ko dala charger ko" dahilan pa niya. "Bakit hindi ka humiram?" "Type C kanila e. Si Boss nama Iphone cellphone" Mapanuri ko pa rin siyang tiningnan. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo pero dahil kay Jevie kung ano-anong naiisip ko. Nakita kong hindi ayos 'yong kwelyo ng suot niyang uniporme kaya lumapit ako sa kaniya para ayusin 'yon. Napatigil ako nang may maamoy ako. "Uminom ka?" Tanong ko. Naramdaman kong nanigas si Alejandro sa aking sinabi. Napalunok siya bago umiwas ng tingin. "Saglit lang. Niyaya ako ni Kula at Jepoy kagabi" "Saglit?" Suminghal ako. "Parang hindi natanggal 'yong amoy ng alak" Kumamot siya ng batok at kita ko na hirap na hirap siya magpaliwanag. Bumuntong hininga ako bago umiling. "Huwag ka na magpaliwanag. Pumasok ka na. Baka ma-late ka pa" "Sorry na lalabs" inabot niya ang kamay ko pero kaagad kong nilayo iyon. "Pumasok ka na nga" masungit kong saad bago ko siya pagsarhan ng pinto. Nagsinungaling siya sa akin. Bakit? Mas lalo tuloy akong hindi mapakali. Tama ba si Jevie? Nagsasawa na siya sa akin? E ginawa niya lang ako ng istante ah. Hindi naman siguro. Wala tuloy akong nagawa sa bahay. Buti na lang walang pasok si Kokoy kasi hindi ako makagalaw sa sobrang pag-ooverthink. At mas lalo pa iyong nadagdagan nang tumawag si Jevie sa akin. "Sabi ko sa'yo sis! May babae 'yang si Alejandro e! Galing ako mall kanina, nakita ko na may nakalingkis na babae sa kaniya. Niloloko ka lang niyan sis!" Kinapos ako ng hininga at nahulog ko ang cellphone. Kinuyom ko ang kamao. Tang!na ka Alejandro. Mapatunayan ko lang na niloloko mo ako, hindi ka na sisikatan ng araw kasama ang babae mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD