KABANATA 21

1523 Words
Sa mga sumunod na araw ay hindi nakabisita si Alejandro dahil nag-aasikaso ito ng requirements mula sa papasukan niya. Mabuti na rin 'yon dahil alam kong aasarin niya lang ako dahil nadala ako noong nakaraang araw dahil hindi ko naman maitatangging masarap si Alejandro. Bakit? Hindi naman porket nagkan tutan kami e kami na hindi ba? Tsaka doon naman kami nagkakilala. Anong masama? Pero nakakahiya pa din. Ako 'yong unang nadala. Ako pa 'yong nagbaba ng salawal. Para akong excited sa ti te. Nakakahiya talaga! "'Yong mga nanliligaw ba sa'yo Jevie, kinakarat mo din?" Tanong ko kay Jevie kasi hindi ako mapakali. Hindi nakaka-hard to get. Ang easy to get ko naman. "Bakit? Nagkan-tu-tan kayo?" Diretsyuhang tanong ni Jevie. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa aking pisngi. Nahihiya akong tumango. "Bakit ka nahihiya? Gwapo naman 'yon e. Dapat nga sinusulit mo e" Mas lalo atang namula ang pisngi ko sa sinagot niya. "Pwede naman 'yong suitor with benefits. Tsaka single ka sis. Ano gusto mo? Tagtuyot ka na lang palagi?" Napatango ako. Sabagay! May point naman si Jevie. "Atleast nagamit mo ang katawan kung lolokohin ka lang naman" Sinamaan ko siya ng tingin sa narinig. "Jevie hindi ka nakakatulong" "Hindi mo alam ang mga lalaki" nagkibit balikat siya. Bumuntong hininga ako. "Sana hindi ganoon si Alejandro. Gusto na siya ng anak ko" "Sana nga" labas sa ilong niyang sambit. "Sana nga hindi lang sa una 'yang binigyan mo ng pag-asa" Sana din. Naging tuloy-tuloy lang ang aking pag-o-online selling. Sa mga nabili kong sakong damit, may mga hindi talaga nabenta pero siguro ganoon talaga. Naghahanap na din ako ng ibang supplier ng ibang products. Baka subukan ko naman magtinda ng mga skin care tutal maganda naman ako. Katanghalian, nagpunta ako ng palengke para bumili ng mauulam. Plano ko pa naman magluto ng pritong manok para sa anak ko. Habang naglalakad ay may biglang humarang na motorsiklo sa aking harapan. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong pitaka dahil baka agawin e. Napahawak ako sa dibdib habang nakatingin sa nakamotor na lalaki. Tinanggal nito ang helmet at doon ko namukhaan si Alejandro. Mabilis akong nakahinga ng maluwag. "Saan ang punta natin lalabs?!" Tanong niya bago siya kumaway. "Akala ko kung sino!" Ang lakas ng t***k ng puso. "Akala ko riding in tandem" ani ko pa. "Ang sama mo naman sa akin. Mukhang magnanakaw ba ang mukhang ito?" ngumuso siya bago inayos ang medyo nagulong buhok. "Oo mukha kang magnanakaw" "Magnanakaw ng puso mo" kumindat siya dahilan para mas lalo akong mandiri. Kingina. Dito pa talaga sa palengke. "Kaninong motor 'yan?" Turo ko sa motor niya. "Sa kaibigan ko. Kakatapos ko lang kumuha ng SSS. Saan ka ba papunta? Sabay ka na sa akin" yaya niya. Hindi ko na tinanggihan dahil late na rin naman akong namalengke. Inalalayan niya ako pasakay ng motorsiklo. Isinuot niya sa akin ang helmet na dala niya dahil iisa lang 'yon. "Eh ikaw? Hindi ka maghe-helmet?" "Okay lang. Matigas naman ang ulo ko" "Oo. Makapal din mukha mo" umirap ako. Pagkabuhay niya ng makina ay kaagad niyang kinuha ang mga kamay ko para iyakap sa kaniya. "Kapit ka mabuti ganda" Suminghal ako at hindi na lang nagreklamo. "Uy Arman!" Sigaw ni Alejandro sa isa sa mga kakilala nito na nadaanan namin. Street sweeper sa side walk. "Uy sino 'yan? Chicks?" Tanong nito nang tumama ang mata niya sa akin. Buti na lang naka-helmet ako. Panigurado kasi pag-uusapan na naman ako. "Hindi po. Asawa ko" humalakhak si Alejandro kaya naman kinurot ko 'yong abs niya. "Anong asawa!" Tumawa lang si Alejandro at mukhang sayang saya. Hindi ko na matama 'yong matanda kasi nakalampas na 'yong motor namin. Mamaya may nadaanan na naman siyang kaibigan. Naalala ko ang mukha niya . "Jepot!" Binagalan ni Alejandro ang pagpapaandar. "Ano na brad? Iinom! Tagal mo ng hindi tumotoma e" ani ni Jepot. May hawak siya sako ng mga kalakal. "Teka lang. Paalam lang ako" Tinigil ni Alejandro ang motor sa gilid bago lumingon sa akin. "Pwede ba ako mag-inom labs?" Tanong niya sa akin. Saglit akong natigilan. Hindi agad ako nakasagot. Nagpapaalam ba siya sa akin? Kailangan ng permisyon ko? "Ano? Iinom ba ako lalabs o hindi?" Tanong niya ulit. "Naks! Nagpapaalam na ah?" Sabat ni Jepot, inaasar ang kaniyang kaibigan. "Siyempre. Baka mapatalsik ako kapag nag-inom ako" natatawa pang sambit ni Alejandro bago muling tumingin sa akin, hinihintay ang sagot ko. May kung anong tambol ang pumupokpok sa puso ko kasi dumagundong iyon. "Ahmm..ikaw bahala. Basta..." aking sambit. Hindi ko alam kung tama bang kontrolin siya. Wala naman kaming label— "Basta ano?" Putol niya sa iniisip ko. "Hindi ka magmamaoy" dugtong ko. "Sure ka? Sasaglit lang ako mamaya. Iinom lang ako kaunti promise" masuyo ang kaniyang mga ngiti. Assurance. Binibigay niya sa akin iyon. Hindi ko akalaing gagawin niya ito lahat...para sa akin. Uminit ang aking pisngi. Buti na lang nakahelmet ako para hindi niya ako makita. "O-oo na!" Pagpayag ko. Ayaw ko namang maging bitter. Mga kaibigan pa rin naman niya ito. Isa lamang naman akong hamak na nililigawan niya. "Yown!" Napapalakpak pa si Jepot. "Sige na brad. Sasamahan ko pa itong misis ko sa palengke—aray!" Kinurot ko ulit ang abs niya. "Anong misis ah?" "Sungit" humagikhik si Alejandro bago nagpaalam sa kaibigan at muling pinaandar ang motor. Nagtungo kami sa palengke bago humanap ng mapaparkehan sa gilid. Pagkababa ay nagtungo kami sa bilihan ng mga karne at isda. "Magpi-prito ako ng manok" imporma ko sa kaniya. "Gusto mo doon ka na mananghalian?" "Hindi na. Pagkatapos nito pupunta naman ako sa laboratory. Papa-medical ako" Tumango ako. Mukhang busy talaga siya at talagang inaasikaso niya. Ngumiti ako. "Saan ka nga pala nakakuha ng panggastos mo sa requirements mo? Hindi ba sinimot ko pitaka mo no'ng date natin?" Tanong ko. Napapansin ko kasi na nakabili pa siya ng fastfood noong nakaraan. "Ah bigay ng pinsan ko kasi nagtitino na daw ako. 'Yong pinsan ko 'yong may-ari ng bahay na binabantayan ko" paliwanag niya. "Ahh.." tumango-tango ako bago ako bumili ng isang kilo na manok. "Kinwento kita doon at gusto ka niya makilala kaso sabi ko, ipapakilala kita kapag tayo na" "Ang tanong..." nilingon ko siya. "Magiging tayo ba?" "Siyempre. Malakas ako kay lord" taas noo niyang sambit. Napailing ako. "Sige mangarap ka pa" "Lalabs naman" ngumuso siya tapos ipinulupot ang kamay sa braso ko. "Baliw" mahina akong tumawa bago ko siya siniko. "Bebe luvs? Betty?" Napalingon kami sa likuran nang may biglang magsalita. Pakiramdam ko namutla ang aking mukha nang makita si Rica sa harapan namin. Ang bakla kong amo ay parang nakakita ng multo sa gulat habang nakaharap sa amin. "Uy! Rica" energetic na sambit ni Alejandro. "Baccla..." mahina kong sambit bago ako tipid na ngumiti. "K-kayo na?" Tanong niya. Ramdam na ramdam ko 'yong lungkot niya. Ngumiwi ako. Parang kailan lang no'ng....sinabi kong hindi ko papatulan si Alejandro.. Parang kinain ko lang pala 'yong sinabi ko. At parang inagaw ko na din kahit hindi naman talaga ako ang may gusto. "Ipanalangin mo sana. Nililigawan ko siya" sagot ni Alejandro bago siya umakbay sa akin. Bumaling ang tingin ni Rica sa akin. Mas lalo akong napangiwi nang sumama ang titig niya sa akin. Lumingon siya ulit kay Alejandro. "Dapat ako ang pinili mo Alejandro" pagdadrama nito. "Wala kang mahihita sa babaeng 'yan. Hindi ka niyan bibigyan ng pera at may anak na" mapanghusga niya akong binalingan ng tingin. Napasinghal ako. Magsasalita na sana ako nang humarang sa harapan ko si Alejandro. "At anong masama doon?" Giit niya. Napatingin ako sa kaniya. "Tingin ko hindi naman ikakabawas ng ganda niya 'yon. Tsaka huwirang ina siya. Maayos siyang magpalaki ng anak. Mabait nga si Kokoy e. Kaya huwag mo husgahan si Lalabs ko. Huwag mo ibaling ang galit mo kay Betty. Ako ang nakasakit sa'yo kaya sa akin ka magalit" Umawang ang bibig ko at pinagmamasdan si Alejandro na ipagtanggol ako. Hindi ko alam kung bakit parang uminit ang sulok ng aking mga mata. Ni-minsan, walang sinuman ang ipinagtanggol ako tuwing hinuhusgahan ako dahil maaga ako nagkaanak. Ang mga lalaking lumalapit sa akin, tuwing sinasabi ko na may anak ako, kaagad nila akong tinitingnan na para bang kasalanan ko ang magkaanak. Ngayon ko lang narinig na purihin ako at sabihin na hindi kakulangan ang maging isang single mother. "Bahala ka. Ikaw naman mahihirapan e" umirap si Rica bago tumingin sa akin. "Ahas..tsss" pahabol pa niya bago dire-diretsyong umalis. "Sama pala ng ugali no'n. Dapat pala hindi ako nagpahawak hawak sa kaniya" giit ni Alejandro bago lumingon sa akin. "Ayos ka lang?" Tanong niya. Kumurap ako ng maraming beses para hindi niya mahalatang halos paiyak na ako. "Ayos lang. Ikaw kasi e" sinamaan ko siya ng tingin. Kumamot lang siya ng buhok at sumipol-sipol na parang hindi niya hinuthotan si Rica. Naging "ahas" pa tuloy ako. "Pero salamat sa pagtanggol sa akin. Na-appreciate ko" ngumiti ako ng bukal sa loob. Matagal siyang napatitig sa labi ko. Humawak siya sa kaniyang dibdib. "Sh*t. Huwag mo akong ngitian ng ganiyan. Mas lalo akong na-iinlove" Napailing na lang ako bago ako naglakad. Tumawa lang si Alejandro bago niya ako inakbayan at nagpatuloy kami sa pamamalengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD