KABANATA 20

2267 Words
Pagkatapos mag-online selling at maayos ang mga listahan ng orders ngayong araw ay umuwi na ako sa bahay kasama si Kokoy. Buhat buhat ko ang mga damit na mine kanina para mailagay sa lagayan at ihanda para sa deliver. Pag-uwi namin ay nakita ko si Alejandro na naghihintay sa tapat ng bahay. May dala itong paperbag ng isang kilalang fastfood. May text ba siya sa akin? Sinilip ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang napansin nag-message pala siya na pupunta siya ngayon. "Utol!" Nauna pang tumawag si Kokoy. Binitawan pa niya ang kamay ko para puntahan si Alejandro. Kaagad naman siyang sinalubong ni Alejandro. Ginulo pa ang buhok ng aking anak bago binigay 'yong supot. "Wow! Jabeeee!" Masayang sambit ni Kokoy. Tumalon! Talon pa ito. Napangiti ako sa nakita ngunit kaagad ko iyong tinanggal nang matungo ang tingin ni Alejandro sa akin. "Lalabs!" Malawak siyang ngumiti at kaagad na lumapit sa akin at inagaw niya ang dala ko. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Wala akong gana magsungit kasi pagod na pagod ako. "Gusto lang kita makita bakit? Nasaan kayo nanggaling?" "Sa pinsan ko. Doon ako nag-o-online selling" "Kamusta naman? Maraming orders?" Huminga ako ng malalim. "Sakto lang" "Pagod ang lalabs ko ah? Kumain ka na? Kain tayo. May dala akong chicken doon" inakbayan niya ako. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin kaya mabilis niyang tinanggal ang braso niya. "Ito naman. Biglang naging konserbatib" narinig ko pang bulong niya. Aba. Hindi porket may nangyari na sa amin ay mabilis niya akong makukuha ano. Binuksan ko ang bahay at hinayaang pumasok ang bwisita. Nagpunta agad si Kokoy sa lamesa at nilabas 'yong fries at burger niya. Si Alejandro naman ay nilabas ang take out niyang pagkain sa parehas na fastfood. "Kain na kamahalan!" Sigaw pa niya sa akin kasi umiinom ako ng tubig. Wow. Lakas ng loob magsisigaw sa may bahay ng bahay. Pinaghila ako ng bangko ni Alejandro. Kumindat pa siya sa akin kaya naman sinuklian ko iyon ng irap. Pagkaupo ko ay sabay-sabay na kaming kumain sa hapagkainan dahil gutom na rin ako. "Kamusta naman ang pinag-apply-an mo?" Tanong ko kay Alejandro. Natutuwa ako sa balita na natanggap siya. Atleast, hindi lang siya naandiyan sa kalsada at kung ano-ano pinaggagawa hindi ba? "Na-hire ako bilang gwardiya" masaya niyang imporma. "Gwardiya?" Napaangat ang kilay ko. "Tinanggap ka?" "Oo nga. Magbabantay ako ng isang jewelry store sa mall" Kumunot ang noo ko. "Pero alam ko hindi basta-basta kumukuha ng gwardiya hindi ba? Kailangan may training tsaka marunong ka bang humawak ng baril?" "Siyempre, ako 'to e" nilabas niya 'yong kaniyang muscle. "Strong" "Dahil lang sa muscle mo ah?" "Hindi" tumawa si Alejandro. "Kasi may nakaenkwentro ako" Nilunok ko ang kinakain ko sa narinig. "Enkwentro?" "Kasi mayroong babaeng nahablutan ng bag tapos iyon, hinabol ko. Iyon, napang-abutan kami tapos nakipagbugbogan ako. Sinuntok ko siya dito" tinuro ni Alejandro kung saang parte niya sinuntok. "Tapos dito pa. 'Pak! Pak!'" "Si Utol ko 'yan!" Pumalkpak si Kokoy. Tumayo si Alejandro at nag-bow pa. "Salamat-aray!" daing niya pagkayuko ng katawan niya. Napansin ko ang paghawak niya sa kaniyang tagiliran. "Nasuntok ka din?" Tanong ko. "Nakadaplis lang" kumamot ito sa batok bago ulit umupo at nakipag-apir kay Kokoy. "Galing ko ano?" "Opo utol. Turuan mo din ako!" Tuwang tuwa pa si Kokoy. "Siyempre naman—" Sinamaan ko ng tingin si Alejandro. "Anong siyempre naman? Tuturuan mo siyang maging barumbado?" "Hindi naman. Self defense lang. Para hindi ito binu-bully si Kokoy—" "Eh kung hampasin kita diyan?" "Joke lang" nag-peace sign si Alejandro pero nakita kong kumindat siya kay Kokoy. Si Kokoy naman ay kumindat din pabalik. Aba! Itong dalawang ito. Nagkampihan pa! "Pero 'yon na nga lalabs. Nagkataon na 'yong babaeng naligtas ko, may-ari pala ng jewelry store. Tinanggap niya ako" pagpapatuloy pa niya sa kwento kanina. Ahh ganoon pala ang nangyari. Mas lalo atang umangat ang kilay ko. Babae? "Ahhh..." tumango ako bago muling sumubo ng pagkain. "Masaya ka ba para sa akin ha?" Tanong niya kaya muling umangat ang tingin ko sa kaniya. Labas na labas ang ngiti niya at hindi ginagalaw ang pagkain. Pasensyoso niya akong pinapanood at hinihintay akong sumagot. "Mabuti 'yan para sa'yo" pinaka-safe na sagot. Sumimangot siya sa sagot ko. "Tss. Pwede namang 'masaya ako para sa'yo. May pogi points ka sa akin' " "Neknek mo" ngumisi ako. Pagkatapos naming kumain ay nag-Ipad si Kokoy sa may sala, nanonood ng mga downloaded video sa yt habang hinila ko naman si Alejandro papasok ng kwarto. "Uy, anong gagawin mo? Nasa labas pa si Kokoy. Mamaya na kapag tulog" bulong pa niya sa akin dahilan para lingunin ko siya at samaan ng tingin. "Hoy, maghunos dili ka nga. Maglinis ka ng utak mo, masiyadong madumi" Hinila ko siya paupo sa kama. "Eh bakit naandito sa loob ng kwarto mo?" Tanong niya pa habang sinusundan niya ako ng tingin. Kinuha ko sa drawer 'yong salonpas na natitira sa akin bago ko siya nilapitan ulit. Hinawakan ko ang laylayan ng shirt niya at inangat ito. "Ugh...Betty" ungol ni Alejandro na napahiga ng slight habang tukod ang isang kamay sa likod sa gulat. "Bata pa ako Betty. Huwag po" "Tigilan mo nga ako Ali" umirap ako bago ko tiningnan ang kaniyang tagiliran. Iyon nga. Nakita kong may pasa siya doon. Pinisil ko iyon at mabilis na napaiwas ng kaunti si Alejandro sa akin. "Aray ko lalabs" napadaing siya at nahawakan niya ang tagiliran. "Ayan. Puro bugbogan kasi ang nalalaman" "Nagmamalasakit lang naman ako e" "Tss. Huwag kang magalaw. Lagyan natin ng salonpas. Wala akong yelo e" Kaagad siyang tumalima. Hinayaan niya akong lagyan ng salonpas 'yong pasa niya. Malamig din naman 'yan, para kahit papaano mabawasan ang sakit. Pagkatapos kong matapalan ay doon ko lang naramdaman ang titig ni Alejandro sa akin. Nakangiti pa ang gago. "Ang caring naman ng lalabs ko" malambing niyang saad. Suminghal ako bago ko muling sinundot ang pasa niya. "Aray!" Pabulong niyang sigaw. "Ano?" Hamon ko pa. "Sa susunod huwag ka nakikipag-away. Hindi nakaka-cool" "Nag-alala ka ba?" May pang-aasar ang tono niya. "Hindi. Sinasabi ko lang sa'yo 'to kasi ayaw ko ng barumbadong manliligaw. Kaya nga hindi ko gusto si Isko hindi ba?" "Ibahin mo ako do'n. Pogi ako e" Napairap ako. Ang hangin talaga niya. Akmang pipindutin ko 'yong pasa niya nang hulihin niya ang kamay ko at hilahin. Napasinghap ako. Dumiretsyo ako paupo sa hita niya sa gulat sa bigla niyang paghila sa akin. "Huli!" Mabilis niyang ipinulupot ang braso sa bewang ko. "Ano ba Alejandro—" Kumabog ng malakas ang puso ko nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. "Saglit lang. Pwede bang maramdaman ang init mo?" Bulong niya sa aking tainga. Napalunok ako bago ko kinalma ang katawan. Isinandal ko ang likod sa kaniyang matigas na dibdib dahil maging ako ay nakaramdam ng kaginhawaan. Kahit papaano nawala ang pagod ko sa init ng yakap niya. "Pagod ka?" Mahina kong tanong. Napalunok ako nang sumiksik ang mukha niya sa leeg ko. "Hirap palang magpakatino" reklamo niya. "Hirap humanap ng trabaho. Akala ko madadaan ko lang sa papogi" Huminga ako ng malalim habang nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "Tss. Kung ayaw mo na, edi huwag mo gawin" "Pero kahit nakakapagod, gusto ko pa rin" bawi niya agad sa reklamo niya. "Basta kayo ang kapalit nito. Kung para sa inyo, dibale na ang pagod" Umirap ako bago ko inangat ang aking kamay para tapikin ang balikat niya. "Oh siya. Masaya ako sa ginawa mo" pampalubag loob ko. Para naman hindi na siya ganito kadrama. Inangat niya ang ulo bago sinilip ako mula sa likuran. "Tapik lang?" Tanong niya pa. Tumagilid ko namang ang ulo para magtama ang mata namin. Kaagad kong nakita ang pagsilay ng apoy sa mga mata niya bago iyon bumaba sa labi ko. Nabasa ko ang labi dahil naramdaman ko ang panunuyot no'n. "Wala ba akong kiss?" Tanong niya pa ulit, hindi tinatanggal ang tingin sa labi ko. Ang dami niyang request ah? Pero... Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi. Kailangan ng motibasyon ni Alejandro. At kailangan niya rin ng reward para sa mga ginagawa niya lately na nagugustuhan ko.... Bahala na. Sinapo ko ang pisngi niya bago ko pinaglapat ang aming labi. Naramdaman ko ang pagtigil ng kaniyang paghinga sa ginawa ko. Saglit ko lang iyon pinalapat at humiwalay rin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa ginawa. "Ayan. Okay na" umiwas ako ng tingin. "Anong okay na?" Muli akong napalingon sa kaniya. "Hindi ganiyan ang tamang paghalik Betty" matiim niya akong tinitigan bago niya sinapo ang pisngi ko at inatake ang labi ko. Suminghap ako napahawak sa leeg niya sa gulat ngunit kaagad din akong natupok ng init lalo na nang sipsipin niya ang pang-ibabang labi ko. Wala na. Natalo na naman. Pinikit ko ang mga mata at bukal sa loob kong binuka ang labi para halikan siya pabalik. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa bewang ko sa aking ginawa at naging agresibo din ang kaniyang halik. Matutunog at madidiin. Nakakaliyo at nakakalasing. Isa sa napansin ko ay magaling talaga siyang humalik na tipong kahit ako ay nawawala rin sa kontrol. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang leeg habang tumatagilid ang ulo ko para sa mas magandang angle ng halik. "Betty.." kaniyang ani bago kagatin ang ibaba kong labi. Naibuka ko ito sa gulat at kaagad niyang pinasok ang kaniyang dila. Bumigat ang aking paghinga at napaliyad sa kaniyang ginawa bago ako nakipaglaban ng dila sa kaniya. Mapupusok ang bawat tagpo ng aming labi na may sariling ritmo. Isang ritmong mabilis at tila nagmamadali. Masakop ang bawat buka ng aming labi na tila may gustong abutin na hindi maabot. "Uhmm" halinghing ko nang maramdaman ang pagakyat ng isa niyang kamay pailalim sa t-shirt ko. "Uhmmp hmmm" mahina kong kinagat ang labi ni Alejandro at napasabunot nang masulot niya ang aking bundok at pinaglaruan ang naninigas kong u tong. Pumintig ang aking pagka-babae na hindi ko namalayan na gumigiling na para sa nararamdaman kong pagumbok ng kaniyang malaking manoy. "Ugh...Betty" ungol ni Alejandro sa aking ginawa. Saglit na naghiwalay ang aming labi para huminga ngunit kaagad din iyong nagtagpo. "Uhmm" naglaban ang dila namin habang pabilis ng pabilis ang paggiling ko sa ibabaw niya. "Betty" kinagat ni Alejandro ang labi ko bago bumaba ang labi niya sa aking leeg pababa ng aking dibdib. Tinaas niya ang aking t-shirt , kasama na ang bra para mapasok sa mainit niyang bibig ang aking sensitibong u tong. Gusto kong maluha sa sarap. Napasinghap pa ako habang panay pa rin ang kiskis ko sa aming kaselanan. "Tsup" malakas na pagsipsip ni Alejandro sa aking dibdib. Tinutudyo niya pa ito ng dila kaya mas lalong tumitigas Patigas ng pagtigas ang bukol ng short niya at ramdam ko rin ang pagdulas ng aking p********e. Sh*t. Gusto ko makaraos. Hindi naging sapat sa akin ang giling. Gusto kong pasukin niya kaya naman tinulak ko siya. Tumayo ako at ibinaba ang short at boxer niya. Lumantad sa akin ang mahaba niyang sandata. Pagsulyap ko kay Alejandro, nakita kong namumula ang balat niya at mabigat ang kaniyang paghinga. Napakagat ako ng labi dahil hindi ko maipagkakaila ang sobrang kakisigan niya. Binaba ko ang suot kong pangibaba kasama na ang panty ko. "Nasa labas si Kokoy" giit ni Alejandro. "Huwag ka maingay" giit ko bago ako umibabaw sa kaniya. Kaagad naman niyang sinambot ang aking puwitan at siya na mismo ang tumusok nang kahabaan niya sa aking b****a. "Ahh—" Mapapasigaw sana ako ng malakas nang hulihin ni Alejandro ang aking labi at hinalikan bago ako mabilis na bumayo. "Uhmmp hhmmp! Uhmmp!" Ungol ko sa loob ng bibig ni Alejandro habang nadedeliryo ako sa sarap. Sobrang init ng aking pakiramdam at pakiramdam ko ay sobrang sensitibo ng aking balat. Masiyadong malaki si Alejandro at sobrang unat ang aking b****a sa kaniya. Bawat pasok at bawat sagad ay nagpapanginig sa akin. Umaalog ako sa ibabaw niya na may bilis. Lumiliyad pa ang aking likod kapag natatamaan niya ang spot ko. Gustong gusto ko ito dahil may kontrol ako sa ibabaw niya. Ramdam na ramdam ko ang pagsagad ni Alejandro sa akin. Bawat baon ay may kiliti ring hatid. "Ah..uhmm" binitawan ko ang labi niya at nagpatuloy sa paggiling sa kaniyang manoy. "Sikip mo Betty. Ugh!" Bulong pa ni Alejandro kaya mas lalong nag-init ang katawan ko. Rinig na rinig ang bawat pagsalubong ng aming kaselananan at nakakadagdag iyon sa init ng pag-iisa namin hanggang sa maramdaman ko na nalalabasan na ako. Mas mabilis at deperado ang galaw ko sa ibabaw ni Alejandro na kahit siya ay napapasabay na ang puwitan. Nararamdaman ko na din na malapit na siya kaya naman sa isang baon ay kaagad kong inihawalay ang kaselanan ko at pumutok ang katas ni Alejandro sa aking tiyan. Naramdaman ko din ang padaloy ng katas ko. Napaupo ako sa tabi ng kama sa pagod. Tumingin ako kay Alejandro at tumaas ang balahibo ko nang makita ang mapang-asar niyang tingin. Sh*t. Malamang! Ako ang nagbaba ng salawal niya. Akmang bubuka ang bibig niya nang takpan ko ito. "Tumahimik ka na. Siyempre may kailangan din ako noh" kaagad kong depensa. Naningkit ang mata niya at mapaglaro pa rin iyon. Naramdaman ko na tumatawa siya sa ilalim ng aking kamay. Nahihiya ko siyang binitawan bago ko pinulot ang panty at salawal ko sa ibaba. "Check ko lang si Kokoy" Tumatawa pa rin ang loko kaya naman napatakip na lang ako ng mukha at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita ko si Kokoy na tulog na sa aming sala. Napakagat ako ng labi. Maling ikulong ko siya sa kwarto. Ako ang nalalasing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD