KABANATA 19

1492 Words
Pagkaalis ni Alejandro, ginising ko naman si Kokoy na halatang inaantok pa. "Pwede bang umabsent?" Tanong pa niya habang pinaghahain ko siya ng almusal. "Gusto mo ng palo?" Ngumiti ako ng sobrang tamis sa harapan niya. "Joke lang nay" mabilis siyang sumubo ng pagkain pero naririnig kong may binubulong siya. Nako, makukurot ko talaga siya e. "Bilisan mo ang pagkain mo diyan nang maihatid kita sa school" "Okay po" Umiling ako bago ako umupo sa tapat ng aking anak. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Gusto siya ni Alejandro at hindi ko maipagkakaila na gusto rin siya ng anak ko. "Anak..." tawag ko sa kaniya. "Bakit nay?" Umangat ang tingin niya sa akin habang puno pa ng laman 'yong bibig niya. "Kung may lalaki man akong papasukin sa buhay natin..." napalunok ako sa kaba. "...okay lang sa'yo?" Nginuya niya muna 'yong kinakain niya. Kita ko ang pagsalubong ng kilay ng anak ko sa aking tanong. "Magiging tatay ko po nay?" Kumunot ang noo niya. Tumango ako. "P-parang gano'n na nga" Umakto itong nag-iisip. Pasensyoso kong hinintay ang sagot niya. "Siyempre naman 'nay" ngumiti siya ng tipid. "Si Kuya Alejandro ba?" Kaagad umakyat ang pula sa aking pisngi. "Hoy ikaw na bata ka! Bakit iyan naisip m-mo?" Nautal pa ako sa gulat. Ngumuso si Kokoy. "Tingin ko kasi 'nay, crush ka niya" Buti na lang talaga wala akong kinakain. "J-jusko kang bata ka. Paano mo nalaman 'yang crush na 'yan?" Jusko. Nahahalata pala si Alejandro! "Ano nga 'nay? Si utol ko ba?" Pagbabago niya ng topic. Aba! Ayaw ipaalam 'yong crush niya. Napipilan ako. Hindi ko pa naman sure pero siyempre gusto ko lang malaman opinyon niya. Binasa ko ang labi bago mabagal na tumango. "Oo. Nanliligaw e.." napayuko ako sa sobrang hiya. Hindi naman kasi ako nagpakilala ng kahit na sinong lalaki sa kaniya e. "Ayos lang 'nay. Gusto ko siya maging tatay. Ang cool niya kaya. Ipinagtanggol niya ako sa nang-aaway sa akin tapos mabait pa siya sa'yo. Inalagaan ka niya no'ng may sakit ka tapos dinala pa niya tayo sa isang magandang restaurant hihi..." Hala. Kahit hindi ata magpaalam si Alejandro....botong boto na ang anak ko sa kaniya. Kung totoo man ang intensyon ni Alejandro, panigurado sasaya si Kokoy. "Pero....huwag ka munang umasa masiyado. Baka niloloko lang tayo no'n e" babala ko rin. Pinakaayoko sa lahat ay masaktan ang anak ko at umasa sa wala. "Opo 'nay" "Okay 'yan anak. Huwag mo na ito sabihin kay Alejandro ah? Kunware na lang wala kang alam" "Bakit naman ako magsisinungaling 'nay? Sabi mo bawal magsinungaling?" Ngumiwi ako. Ah. Sh!t. Dapat pala hindi ko muna tinanong? "Magyayabang kasi agad 'yon" napairap ako dahil bigla kong naisip 'yong itsura niya kapag nagkataon nalaman niya na payag si Kokoy. "Please?" Masuyo kong tiningnan ang aking anak. "Promise mo na sa atin muna 'yong dalawa" "Sige po nay..." nahihiwagaan siya sa akin. Halatang hindi naiintindihan. "Salamat anak" lumapit ako sa kaniya para halikan ko siya sa noo. "Promise mo 'yan ah?" Tumango si Kokoy. "Promise nanay" "Tsaka kapag nagpaalam na siya sa'yo, pahirapan mo muna. Huwag ka munang umoo" "Ang sama mo nanay" sumingkit ang mata niya. Wow. Ako pa naging masama. Pagkatapos ko maihatid si Kokoy ay naghanda naman ako ng mga io-online ko. Mangongolekta na rin ako ng bayad para sa mga umutang ng paninda ko. Kahit papaano, nairaraos ko naman sa mga paninda itong buhay namin. Nababawi ko naman paunti-unti ang puhunan. Habang nag-aayos ng paninda, biglang pumasok sa isipan ko si Alejandro. Kamusta kaya paghahanap no'n ng trabaho? Natanggap ba? Mukhang tagilid pa naman kapag siya ang nag-apply. O baka naman umaakit na naman ng babae sa paghahanap ng trabaho? Nako....parang tumaas ang dugo ko sa naisip. Hindi pwede sa akin ang babaero! Napatingin ako sa damit kong hawak. Aba. Nalukot ko pala. Sumapit ang hapon, pagkasundo ko kay Kokoy ay dumiretsyo na ako kina Jevie para doon mag-set up para sa online selling. Nakita ko ang pinsan ko na nanonood lang sa tv habang kumakain ng chips. Nang makita niya ako, dali-dali siyang tumayo at kaagad akong nilapitan. "Totoo ba ang chismis Betty?" Tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "A-ano 'yon?" Nakakatakot naman. Para may kung anong masama siyang ibabalita. "Nanliligaw daw sa'yo 'yong Alejandro?" Tanong niya sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga chismosang kapitbahay? Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at nilapag ang kahon ng damit na dala ko. "Eh gusto manligaw e" rason ko at umiwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko kasi 'yong paniningkit ng mata niya na para bang may mali doon. "Sinabi ko na sa'yo hindi ba? Huwag 'yon!" Pumunta ako sa may maliit niyang sofa at ni-set up ang ringlight para sa online selling ko para iwasan ang mga ganoong usapan ngunit hindi tumigil si Jevie. "Binigyan mo ba 'yon ng pag-asa ah? Alam mo namang wala kang patutunguhan sa ganoong klase ng lalaki" Nagpintig ang tainga ko sa narinig. Lumingon ako kay Jevie. "Huwag mo husgahan 'yong tao" Napa-wow na lang ako ng sarkisto sa isip ko. Parag hindi ko hinusgahan kagabi ah? Suminghap siya. "So binigyan mo ng pag-asa 'yon?" Nahihiya akong umiwas ng tingin at kinuha ang mga damit na iha-hanger ko. Sumunod sa akin si Jevie, hinihintay ang sagot ko. "E...mukhang seryoso" giit ko. "Tsaka...gusto siya ni Kokoy—" "Hanep" tumawa si Jevie pero hindi mo ramdam 'yong sincerity. "Isinama mo pa si Kokoy? Inuto ka lang no'n. Binihag loob ni Kokoy para mapaibig ka" Napairap ako. Isa rin iyan sa naisip ko. What if, ginawa lang pala ni Alejandro 'yon para makuha ang loob ko? "Kung gusto mo humanap ng lalaki, dapat mayaman. 'Yong maiaahon kayo sa hirap. Hindi katulad no'ng lalaking iyon..." advice niya. Naiintindihan ko ang point ni Jevie. Kahit hindi talaga magkasundo noon , alam ko namang nag-alala lang siya sa akin tutal para na rin naman siyang naging kaibigan at kapatid ko simula ng ipagtabuyan ako ng magulang ko. Parehas kasi kami e. Pinabayaan din siya ng mga magulang niya matapos maghiwalay at magkaniya-kaniya ng pamilya. "Sabi niya...papatunayan niya na karapat dapat siya..." aking turan. Napatigil pa ako sa pagkuha ng damit habang iniisip ang mga napag-usapan namin kagabi at 'yong determinado niyang mata. "At naniwala ka naman? Tss. Ayan ang hirap sa'yo Betty. Masiyado kang uto-uto. Kaya ka nauto ng tatay ni Kokoy" Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Huwag mo itulad sa putang ina na lalaking 'yon si Alejandro" "Asus. Pinagtanggol pa" "E kasi pinagkumpara mo pa 'yong dalawa" napanguso ako. "Tss. Bahala ka. Kapag nasaktan ka, huwag ka iiyak sa akin ah?" "Kumalma ka nga" giit ko. Huminga siya ng malalim. "Eh ikaw kasi e" "Hindi ko pa naman sinasagot kasi. Tinitingnan ko pa kung magbabago talaga" "Nako!" Umiling si Jevie. Piangkrus pa niya ang braso. "Hindi na iyon magbabago. Nawalan na nga ng pag-asa ang mga magulang niya" "Anong hindi? Dinala niya ako sa isang steakhouse" "Weh?" Nakita ko ang interes niya sa sinabi ko. " 'yong mga mamahalin?" Tumango ako. "Alam mo kung saan galing ang pera?" Sumingkit ang mata niya. "Saan?" "Sumide-line" "Weh?" Hindi niya makapaniwalang tumingin sa akin. Tumango ako, ewan ko pero tumaas ang noo ko na parang gusto ko iyong ipagyabang. "Niloko ko lang na gusto ko sa steakhouse, ayo'n isang linggong rumaket" Dala ko ang mga damit ay umupo naman ako at sinimulan i-hanger ang mga iyon. Umupo sa tabi ko si Jevie. "Totoo ba 'yan?" Tumango ako. "Binibigyan ko ng pag-asa kasi gusto niya patunayan ang sarili niya sa akin" "Weh?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kaniya. "Naghahanap ng permanenteng trabaho si Alejandro ngayon" aking sambit na may tipid na ngiti sa labi. Nanlaki ang mata ni Jevie, hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Walang'ya? Napatino mo?" Humalakhak ako sa kaniyang naging turan bago ako nagkibit balikat. "Ewan ko. Wala naman akong ginawa doon e. Basta...sabi ko, hindi ko siya papatulan kung mananatili siyang gago" "Batugan 'yon" Kumibit balikat ako ulit. "Minsan na akong nagmahal Jevie" "Kung mahal talaga ako ng gagong 'yon...." Matipid akong ngumiti. "....magbabago 'yon" Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Isa iyong tawag mula sa lalaking pinag-uusapan namin ngayon. Ali's calling... Ngumisi ako bago ako tumingin kay Jevie. "Gusto mo ebidensya?" Curious na curious si Jevie, halatang chismosa lalo na nang sagutin ko ang tawag at ni-loud speaker 'yon. "Oh?" Masungit kong saad. "Kamusta naman ang paghahanap ng trabaho?" Tanong ko. Tumingin si Jevie sa akin. Pinagmamasdan ba ang ekspresyon ng mukha ko. Mukha ba akong weird? Natahimik saglit ang kabilang hanggang sa mapatalon kami sa gulat nang may sumigaw. "Natanggap ako lalabs!!!" Sigaw ni Alejandro. "Pwede na daw ako mag-simula sa isang linggo pagkaproseso ko ng mga requirements ko!" Napangiti ako sa narinig. Nang silipin ko si Jevie, nakaawang ang labi nito, hindi ata inasahan ang narinig niya. See Jevie? Ganiyan ang taong in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD