KABANATA 18

1312 Words
"Nahihibang ka na. A-anong tatay?!" Hinila ko ang kamay paalis sa hawak niya. "Seryoso nga" ani ni Alejandro. Sinundan niya ako ng tingin. "Gusto ko siyang maging anak" Suminghal ako. Napatayo ako sa mesa dahil hindi ko alam kung paano ko siya ihahandle. Ang...bilis kasi! "Magpapaalam ako sa kaniya—" "Iyan ang huwag mo gagawin" pabulong kong sigaw. Dinuro ko pa siya. "Bakit naman? Alam mo bang inaasar si Kokoy ng wala siyang tatay?" Kumunot ang noo niya. "Nag-vo-volunteer na nga" "At tapos? Ikaw magiging tatay niya?" Alam kong masamang manghusga pero...siya? Pinasadahan ko siya ng tingin. "Siga ka lang diyan sa kanto. Maloko ka pa. WALANG PERA" pinagkadiinan ko pa. Saglit akong napatigil dahil nakita ko ang kislap ng mga mata niya. Umiwas siya ng tingin at kumibot ang labi. Siguro nasaktan siya pero totoo naman. "Malaking responsibilidad ang maging ama. Akala mo ba madali? Hindi! Isa pa, kung ginagawa mo lang 'yan para makuha ang loob ko, huwag na. Hindi 'yan tatalab." Umirap ako. "Paganahin mo ang isip mo. Hindi ka basta-basta papasok sa hindi mo naman kaya. Mamaya puro ka lang sabi, wala ka namang gawa" Sinapo ko ang noo. "Tss. Alejandro, baka nakakalimutan mo, hindi kita gusto" Lumingon siya sa akin ulit. Kita ko ang saglit niyang pagtigil ng hininga. "Hindi ko gusto ang mga taong katulad mo. Pinagbigyan lang kita ngayon kasi nga nagpapasalamat ako sa pag-alaga mo sa akin. Iyon lang iyon" Yumuko siya ulit at walang sinabi. Nameywang ako sa kaniyang harapan. "Kung gusto mo magmahal ng isang tao, ayusin mo muna ang sarili mo" pangaral ko pa. Hindi pa rin siya umiimik. Halatang nag-iisip ito ng mataimtim hanggang sa ubusin niya ang kaniyang kape. Tumayo siya bago humarap sa akin. "Uuwi na ako Betty" malamig niyang sambit bago siya tumalikod. Akala ko iyon na iyon. Wala na akong maririnig pero muli siyang humarap sa akin. "Oo maaaring wala akong maipagmamalaki. Matigas ang ulo ko. Pariwara akong lalaki" giit niya. Naitikom ko ang bibig. Naging normal ang paghinga ko habang pinagmamasdan siya. Kumikislap ang mga mata niya ng puno ng determinasyon niya. "Alam kong hindi mo ako gusto" ngumuso siya bago humawak sa kaniyang dibdib. "Aray ko" Nagsalubong ang aking kilay. Puro talaga siya kalokoha— "Pero seryoso, gusto kong maging tatay ako ni Kokoy" putol niya sa isip ko. "Alejandro—" "Akala ko libog lang ang nararamdaman ko sa'yo pero hindi e. Simula ng mapasok ko 'yang makipot mong ki pay..." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Tarantado. "...Gusto ko na rin pasukin ang buhay mo. Hindi ko alam kung bakit ganito pero sa maniwala ka man o sa hindi, gusto ko kayo protektahan." Ipinahinga ko ang kilay. Huminga ako ng malalim habang ninamnam ko ang kaseryosohan ng boses niya. Seryoso siyang tumitig sa akin. "Gusto kita mapasaakin. Kayong dalawa..." binasa niya ang labi. "Kaya....kung hindi mo ako gusto, edi gagawin ko lahat para magustuhan mo ako" Napipilan ako. Narinig ko ang paglukso ng puso ko. "Lahat?" Sumingkit ako. "Oo. Lahat" walang pag-aalinlangan niyang sambit. "Papatunayan ko sa'yo na karapat-dapat ako sa'yo at kay Kokoy" Suminghal ako. "Huwag ka puro salita" Lumapit siya at tinanggal ang distansiya ng aming katawan. Napalunok ako nang maglapit ang aming mukha. Sinapo niya ang pisngi ko. Ngumisi siya. "Hinahamon mo ba ako?" Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko. "Paano kung hinahamon nga kita?" Kinagat niya ang labi at halatang nagpipigil ng ngiti. "Challenge accepted lalabs" Nanlaki ang mata ko nang nagnakaw siya ng halik bago dali-dali itong tumakbo palabas ng bahay. Gusto ko siyang sigawan pero natutulog si Kokoy kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Kinagat ko ang kamay at pinigilan ang sarili na ngumiti. Tss. Patunayan mo talaga Alejandro. Huwag kang tokis. ____________ "Magandang umaga lalabs!" Hindi pa ako nakakapag-toothbrush at wala pang hilamos, nasa harapan ko na si Alejandro. Maayos ang porma niya. Naka-long sleeve polo at nakaslack. Sobrang disente niyang tingnan. Ni kahit ang mahaba niyang buhok, gupit na. "Oh? May lakad ka?" Tanong ko, medyo antok pa. Parang kagabi ang tamlay tamlay niya ah? Tapos ang aga niya naman ngayong mambwisit. "Oo lalabs" ngumiti ito ng malawak. "Ayos ba ang itsura ko?" Umikot pa siya sa harap ko. "Hmm.." tumango ako. "Mukha kang hindi disente" "Hindi mo pa diretsyuhin. Alam ko namang gwapo ako" Kumindat siya. Nandidiri ko siyang tiningnan. "Pwede ba Alejandro? Ang aga mo para bwisitin ako" Tumawa siya. "Nagising ba kita?" "Hindi halata?" Tinuro ko ang sarili ko. "Mukha pa akong bangag" "Hindi ah? Ang ganda mo. Hmm...siguro ganiyang mukha ang makikita ko kapag katabi na kita sa kama. Swerte ko naman no'n" "Neknek mo. Mangarap ka pa ng mataas" Ngumuso siya. "Lagi ka na lang nag-susungit" Umirap ako. "Kung may lakad ka. Umalis ka na" tinulak ko siya kaso hinuli ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya. "Oh ano?" "Naandito ako kasi gusto kong malaman mo na maghahanap ako ng trabaho" Medyo inaantok pa ako pero nang marinig ko 'yon ay napamulat talaga ako. "Weh?" "Oo nga" pinisil niya ang kamay kong hawak niya. "Nagtatrabaho ako bilang caretaker sa bahay ng pinsan ko pero...gusto ko ng isa pang extra" Napakurap ako ng maraming beses. Tang ina. Bakit parang ang bilis? Seryoso ba talaga 'yan? Hindi ako naging handa. Parang napag-usapan lang namin kagabi 'to ah? "Nagpapagawa pa ako ng resume. Hinihintay ko lang pero maghahanap na ako ng trabaho diyan sa may bayan" proud pa niyang sambit. Rinig na rinig ko 'yong pagmamalaki niya. Hmm...sineseryoso niya talaga 'yong kagabi. "Seryoso ka na sa pagbabago na 'yan?" Tanong ko ulit. Mamaya palabas lang niya ito. "Oo nga" tumango tango siya bago mas lalong pinisil ang kamay ko. Tumingin ako doon. "Parang tsansing ka na ata" tumikhim ako habang tinititigan ang kamay ko. "Tss. Kumukuha lang ako ng loob para sa paghahanap ko ng trabaho. Kinakabahan ako e" ngumuso siya bago masuyong tumingin sa akin. "Wala bang goodluck kiss para sa inspirasyon ko?" Pumikit siya at ngumuso. Kinagat ko ang labi para pigilang tumawa. Pabiro akong umirap bago ko siya tinapik sa balikat. "Goodluck" matipid kong sambit. Minulat ni Alejandro ang mga mata. Puno ng dismaya ang mukha niya dahil tapik lang ang binigay ko. "Wow. Napakadamot mo sa akin. Parang hindi tayo gumawa ng mga kababalaghan—" "Galingan mo ah?" Kinurot ko 'yong kaunting balat niya sa balikat. Napangiwi si Alejandro sa ginawa ko. "Para naman sa'yo 'yan ano?" Ngumiti ako ng peke. Hinawakan niya ang kamay kong nasa balikat niya bago niya iyon hinalikan. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "Para sa inyo 'tong ginawa ko" seryoso niyang sambit bago siya ngumiti. Umubo ako ng peke. Parang may kung anong naglaro sa tiyan ko sa sinabi niya. "Ayieee kinilig" pang-aasar pa niya. Binawi ko ang kamay ko. "Baliw" pabiro akong umirap. Tumawa siya ng malakas bago sumilip sa loob. "Si Kokoy?" "Wala tulog pa. Gigisingin ko pa at may pasok" "Sabihin mo dumaan ako dito ah? Bilhan ko kamo siya ng fries at yumburger kapag sinwerte tayo" Binasa ko ang labi bago ako tumango. Napansin ko na medyo hindi ayos 'yong polo niya kaya lumapit ako at inayos iyon. Naramdaman kong natigilan si Alejandro sa ginawa ko. Lihim lang akong ngumiti. "Ingat ka, Ali" "Ali?" Kumunot ang noo niya kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Pinaikli ng pangalan mo. Nakakatamad e. Ang haba–" "Nagustuhan ko. Ang pogi ng tawag e. Endearment mo na 'yan sa akin ah?" Tuwang tuwa siya. Halatang halata sa ngiti niya. Suminghal ako bago ko pinagkrus ang aking mga braso. "Patunayan mo muna ang sarili mo sa akin. Huwag kang puro hangin lang" Tumayo siya ng tuwid bago sumaludo. "Yes po lalabs" kumindat siya bago ito tuluyang nagpaalam. Sinarado ko ang pinto at napasandal na lang ako doon saglit. Pinaglaruan ko ang labi ko bago ako tumawa. Hmm....tingnan natin kung hanggang saan ang pagbabagong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD